Kabanata 42

219 6 0
                                    

Kabanata 42

According to Ayushi Goswami, "Some pretend to be moonlight, some themselves are the moon." For someone so successful like Phil Mendez, it was something that isn't easy to understand. Even though he graduated with high honor and is known to be the man behind S Airlines, there was something in this world he couldn't understand. Like that quotation, it was easy to read and easy to say, but not understood by many. Yet, at some point, Phil realizes the message behind those quotes, which is that some people in our lives come to give us light, but it is only temporary, like moonlight shining on our window paint, whereas others, like the moon, will shine on us for the rest of our lives. Even so, not all people have the same interpretation of it. After all, people have different perceptions of life. Yet being able to interpret it doesn't mean we understand it, because understanding it means knowing how to apply it in life. But Phil Mendez couldn't do that. For some reason, he couldn't identify who was who.

Who is the temporary one and who is the permanent one? Who is the moonlight and who is the moon itself? Kaya naman sanay siya na pinageeksperementuhan ang lahat ng nakapaligid sa kaniya. Sanay siyang tinitimbang ang mga bagay. Sanay siyang nilalagyan ng durasyon ang itatagal ng lahat ng taong nakakasama niya. Siguro dahil na rin sa pangiiwan ng kaniyang ama noong bata pa siya para sa ibang babae kaya ganon siya. O baka gusto niyang magexplore ng mga tao higit ng mga babae kaya ganon siya but no matter what his reason is, that doesn't justify him being a coward and all women's man in his early age.

Gayunpaman sa gabing ito tila ang lahat ng desisyon niya sa buhay ay pinagsisihan niya. Ang marinig ang lahat ng iyon mula sa labi ni Seline ay tila isang sigaw na nagparinig sa nabubungol niyang tainga. Tama, ma-pride siya, ayaw niya ng may kahati, ayaw niya ang napagiiwanan. Hindi siya sanay doon at kailanman yata ay hindi masasanay. Ngunit nang malaman ang patungkol sa anak na nabuhay at namayapa ng hindi niya alam ay higit sa sampal sa mukha ng binata.

Bagsak ang balikat na umuwi si Phil sa bahay ng ina nang gabing iyon bagamat wala sa kaniyang plano. Simula nang araw na idinala niya doon si Seline at mapagtantong bumibisita doon ang ama ay hindi na naguuwi pa si Phil doon. Hindi niya gustong magkadaupang palad ang ama. Ang lakas lang naman ng loob nitong maglabas masok sa bahay na iniwan niya para sa ibang babae.

"Mom, I'm here!" malumbay niyang turan bago pumasok. Akma siyang didiretso na sana sa kwarto niya nang matigil sa nakita. Naroon ulit ang ama niya, nakaupo sa sofa suot ang uniform nito bilang sundalo. Kasama nito ang kapatid niyang walang kibo sa gilid gayunpaman ay kapwa nanonood ang dalawa ng TV.

"Danilo, magkape ka muna." Doon na nabaling ang tingin ni Phil sa inang kalalabas lang ng kusina. May hawak na tray at may tasa ng kape at cake doon. Sa puntong iyon doon na nagsalubong ang kilay ni Phil.

"Anong ginagawa na naman ng isang iyan dito Mom?" Doon na niya nakuha ang atensyon ng lahat. Galit ang tono niya at hindi niya talaga gusto ang nakikita ngayon.

"P-Phil anak..." Napalunok ang kaniyang ina.

"Kuya." At mula doo'y tumakbo palapit sa kaniya ang kapatid.

"Lumabas ka muna Danna." Agad na sumunod ang kapatid dahil kita niya kung gaano kasama ang mood ng Kuya niya. "Ikaw, ano na namang ginagawa mo dito?"

"Phil, huwag kang ganiyan—"

Sa pinaghalo-halong init ng ulo at sama ng loob ay tuluyang sumabog si Phil.

"What Mom? He's still my father? Nakalimutan mo na ba ang ginawa ng lalaking 'yan sa'yo? Iniwan ka niya Mom! Iniwan niya tayo!"

Tahimik lang ang ama gayunpaman ay nakayuko na.

"Phil, anak. Calm down!" Akmang lalapit ang ina nang itaas ni Phil ang kamay niya.

Moonlight Obscured by Clouds (Kalopsia Series #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora