Kabanata 31

203 9 0
                                    

Kabanata 31

Matapos makaalis ni Seline sa hospital ay nagdiretso siya sa Campo Subdivision Lucena City kung saan nakadestino ang ama. Malapit naman ito sa bahay nila sa Viathan Merzheil Province. Isang sakay lang ng bus bukod doon ay may sarili namang oner ang ama.

Motor na ang ginamit ni Seline sa pagpunta doon dahil malapit-lapit na lang din naman. Mabuti na lamang talaga at pinahiram sa kaniya iyon ni Junnie kanina na ipinangako naman niyang ibabalik dito kaya naman doon talaga ang tungo niya kung nasaan si 2nd Lieutenant Elias.

"Salute! Senior Master Sergeant Sandro Happuch ma'am." Bati sa kaniya ng ama. Mataas ang ranggo niya kaysa sa ama dahil official siya habang enlisted officer naman ang ama.

"Salute!" Pagsaludo niya pabalik.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Narito daw po si Captain Ramos mamaya, Pa. Dito ko na lang daw po siya kitain para sa report ko, " paliwanag niya habang kapwa naglalakad palabas ng opisina ng ama. Nang makalabas sila ay sinalubong sila ng mga platoon under 2nd Lieutenant Junnie Elias. Naroon din ito na ngayon ay nasa gitna ng pagtatraining sa kaniyang pangkat.

Nang mapansin ng lahat ang presensya niya ay agad na sumigaw si Junnie. "Pulutong, hanay!" Kasabay ng pagharap ng mga ito sa kaniya ay ang pagpugay ng humigit kumulang 25 sundalo. Seryoso ang mukha at walang ngiti namang sinuklian ni Seline ang pagbati ng mga ito sa kaniya. Matapos ay binalingan niya si Junnie at sinenyasang magpatuloy na sila.

"Magaling talaga iyang si Elias, parang ikaw lang din noong dito ka pa nadistino, " komento ng ama habang nakangiti.

"Teka nga Pa, hindi naman si Elias ang nais mong ipakasal sa akin hindi ba?" Magbibiro lang sana siya subalit mukhang sineryoso iyon ng ama.

"Tumigil ka nga, mas bata saiyo ng limang taon 'yan!" Doon na napanguso si Seline kasabay ng paglapit nila sa isang helicopter na ngayon ay papalipad. Alas dies na rin ng umaga ngunit bagamat walang tulog si Seline ay hindi naman siya nakaramdam ng antok.

"Grabe ka naman, hindi ba at malayo naman ang agwat ninyo ni Mama?"

"Ano bang pinaglalaban mong bata ka? Iyan bang si Elias ang lalaking kasama mo sa Batangas ng tatlong araw?" Nanlaki ang mata ni Seline doon.

"Papa naman! Hindi 'no!"

Tumikhim si Sandro sa narinig sa anak.  "Oh, sino ba iyon? Iyong may-ari ng binabatikos na paliparan ngayon?" Hindi na sumagot si Seline dahil alam naman niyang alam na iyon ng ama bago pa ito magtanong sa kaniya.

"Hindi po, " mahinang pagtanggi niya.

"Teka, kung hindi iyon si Christian na naman?" Talagang nais siyang paaminin nito. "Ayoko sa isang iyon, pagkatapos kang anakan—"

"Pa!" Huminga ng malalim si Seline dahil talagang lumalayo na ang usapan nila. Naguungkat na naman ito. "Sinabi nang hindi po siya ang ama ni Philip e," mahinang bulong na niya.

"E sino ba kasi ang hayup na bumuntis sa'yo noon—"

"Papa please, matagal na po iyon." Nakikiusap ang boses ni Seline. Ayaw na talaga niyang pagusapan pa iyon.

"Oh siya, sino na lang ang lalaking kasama mo sa Batangas?" Mukhang hindi talaga titigil ang ama nang hindi nito nalalaman ang nais niya.

"Tsk! Boyfriend ko po." Nagsalubong ang kilay ng Sarhento.

"May boyfriend ka? Paano na ang engagement mo sa lunes?" Sa sinabi ng ama ay agad na niyang binalingan ito.

"Anong engagement sa lunes, Pa? May boyfriend po ako!" Naiinis na binatukan siya ng ama. "Aray ko! Masakit kaya!"

Moonlight Obscured by Clouds (Kalopsia Series #1)Where stories live. Discover now