Kabanata 70

120 4 0
                                    

Kabanata 70

Fieldtrip
October 20 2019

Bilang SSG officer ng Mersilyo De Letran obligado kong sumama sa mga event. Kaya naman bagamat ayaw kong sumama ay wala akong nagawa. Dagdag gastos lang ito, wala rin namang plus point sa card kapag sumama kaya naman hindi rin makakatulong. However, being the President of Supreme Student Government wala kong nagawa. Ang event ay dahil sa magulang ni Arem, na siyang President ng Parent Teacher Association. Ito rin ang naging pangunahing sponsor para matuloy ang field trip slash intramurals.

If I know, ginawa lang ito ng magulang ni Arem dahil bagsak na naman ang anak nila sa exam. May utak naman talaga ng kaibigan kong iyon, nagbibinata lang at nais magrebelde sa magulang.

"Nakakainis na talaga si Mom!" Galit na himutok sa akin ni Arem habang nagaayos kami ng mga upuang ginamit sa kaninang event. Pahapon na din at natapos na ang sunod-sunod na laban ng iba't-ibang strand kanina. Sa amin pa rin ang championship dahil magaling ang team nila Chontelle sa volleyball habang sila Nick Palma naman sa basketball.

"Bakit ba kasi nakikipagmatigasan ka pa sa ina mo, wala kang laban doon Arem. Chairman iyon ng Blanco Incorporation, isa sa mga conglomerate ng bansa natin," paliwanag ko. Bago nagpasiyang buhatin ang mga nakapatas na mga bangko at igilid sa court.

"Ayokong pinapatakbo niya ang buhay ko, naiinis ako. Hindi ko gustong gawin ang mga gusto niya. Lalo akong nati-trigger na galitin siya." Napailing na lang ako kay Arem at balak na sanang hindi siya pansinin nang hilahin ako nito patungo sa bag niya at doon inilabas ang isang bote ng alak.

"Oy! Gago ano 'yan!?"

"Bobo mo pre, alak. Ano pa?"

"Bawal 'yan, gago!"

"Mas masarap ang bawal pre!"

"Itago mo 'yan Arem, baka may makakita—"

Hindi ko pa man natatapos ang pananaway ay may nakakita na nga.

"Oy! Ano 'yan! Huli kayo!" Halos mapatalon kaming dalawa ni Arem nang biglang pagsulpot ni Hades sa pagitan namin.

Gago, hindi ko siya naramdaman.

Si Hades ay ang ipinanlaban ng strand namin sa poster making competition kanina. Kaibigan siya nila Ross, Nick at Siggy, Humss A4 sila. At dahil nandito ang isa, inasahan ko nang nandito rin ng tatlo.

"Huli pero hindi kulong!" It's Nick Palma.

"Gago! Headline 'to ng Mersilyo De Letran Secret Files." Nagsimula na sa pambubuyo si Siggy.

"Ang presidente at auditor ng SSG Council nagdala ng alak sa field trip!" Na sinundan naman ni Ross Duquesne. Ang french kong schoolmate na pilipit pa rin ang dila.

In the end, imbis na magsumbungan ay nagpasya kaming maginuman sa may tagong parte ng tabing dagat. At doon na nga nagsimula ang samahan naming anim.

Moonlight Obscured by Clouds (Kalopsia Series #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora