Kabanata 29

203 7 0
                                    

Kabanata 29

"Where are you going?" Iyon ang naging tanong ni Phil sa dalaga nang mapansing paakyat ito sa itaas at nagmamadali. Katatapos lang ni Seline mabasa mula sa smart watch ang impormasyon patungkol sa nangyari at kailangan niyang magmadali.

"I got a call from—"

Hindi na natapos ni Seline ang pagpapaliwanag nang tumunog na din maging ang cellphone ni Phil. Agad namang nakuha ni Seline iyon at nanahimik para sagutin ng binata ang tawag.

"Yes, hello?"

"Sir, this is Chad your secretary, " pakilala nito bagay na kinagawian nito. "We have an emergency." Doon na napatayo si Phil mula sa pagkakaupo. "S Air 137 Flight 3396 crashed before landing at Tayabas Quezon at exact 22:35 pm." Sa puntong iyon ay nagsalubong na ang kilay ni Phil.

"What the fuck! Bakit ngayon mo lang nireport 'yan? 11 pm na!" Sa puntong iyon ay patakbo nang umakyat ang dalawa sa itaas. Kapwa nagmamadali sa narinig na balita.

"My apologize sir, I've been contacting you for almost 30 minutes by now." Doon na napapikit si Phil at mabilis na nagtungo sa dressing room para magpalit ng damit.

"Report me the casualty."

"Sir, we have 136 passenger inside flight 3396 including our personel. 130 passenger are injured and 6 including the in-charge Captain Liustro are..." Sa biglaang pagtahimik ni Chad ay alam na ni Phil ang nais nitong sabihin.

Fuck!

"Okay, call our medical teams, sasagutin natin ang lahat ng medical expenses, send me the exact location and details of what happened." Tumingin si Phil sa relo niya matapos maisuot ang uniforme. "Meet me at exact 12:30 on the crash location."

"How about meeting with the boards of directors and should I call our attorneys? We've been receiving a surge of calls from different media, sir." Doon na halos uminit ang ulo ni Phil.

"You're really asking me that? Iyan ba ang pinaka-importante ngayon? May mga namatay dahil sa kapabayaan ko sa tingin mo ay importante 'yan?" pasigaw niyang turan matapos ayusin ang mga gamit at ilagay sa kaniyang suitcase.

"My apologize, sir."

"Do what I told you now, we can arrange a meeting with them tomorrow but as of now people need our help." Pilit kinakalma ni Phil ang saliri bago siya humarap sa salamin nang maayos na ang uniforme.

Sa kabilang banda naman ay pinagbubuklat ni Seline ang mga cabinet sa kabilang kwarto na siyang hindi pa niya napapasukan. Umaasang makakahanap ng damit doon. Hindi naman siya pwedeng lumabas ng ganito ang damit. But to her shock puno ng damit na pangbabae ang closet doon. Even underwear at ang mas nakapagpagulat sa kaniya ay mayroon din doong uniformeng pang-sundalo. Maging combat shoes ay mayroon din. Kompleto ang lahat ng kailangan niya.

Natigilan si Seline at talagang kating-kati na magtanong. Ngunit sa pagkakataong iyon ay hindi niya nais unahin ang sarili at personal na katanungan. May tawag mula sa itaas at kailangan ng assist sa insidente. Kung kaya naman imbis na pagkaisipan pa ang bagay na iyon ay nagbihis na lang si Seline bago lumabas ng kwarto.

Halos panabay pa sila ni Phil na lumabas sa magkabilang kwarto. Ngunit propesyonal na hinarap ng dalawa ang isa't-isa habang suot ang kapwa uniforme ng propesyong kinabibilangan ng bawat isa.

"Are you going to Tayabas too?" Phil asked.

"Yes, pinatawag ako. Ano bang ang eksaktong nangyari sa S Air 137?" tanong na ni Seline habang sabay na silang naglalakad pababa sa hagdan. Hawak naman ni Phil ang manipis na iPod at may binabasa doon.

"That flight from Papua New Guinea was bond to land at S Airline Manila this exact 23:00 but due to the sudden thunder storm nawalan ng contact ang team at 22:06 ng gabi kanina. S Airline Papua New Guinea quickly reported it to us so the flight had an emergency landing at one of our runway in Tayabas but it was not successful. The pilot in-charge are not able to land in touch down zone  and crash the reason why 6 people are dead, " paliwanag ni Phil nang makalabas sila ng bahay. Agad na dumiretso ang dalawa sa kotse ni Phil at doon sumakay. Kinuha naman ni Seline ang sling bag niya at akmang lalabas na ulit nang pigilan siya ni Phil. "Saan ka pupunta? Papunta na rin ako sa Tayabas."

"Susunduin ako—"

Hindi na muli pa natapos ni Seline ang sasabihin niya nang may isang helicopter ang kapwa nila narinig na paparating.

"Nandito na pala sila, " naibulong pa ni Seline sa sarili bago balingan si Phil na nakatingin lang sa kaniya. "Aalis na ako." Paalam ng dalaga ngunit hindi pa rin sumagot si Phil at nanatiling nakatingin sa kaniya. "Uy! Ano ka na? Sabi ko aalis na ako." Doo'y tuluyan nang naka-landing sa may hindi kalayuan ang helicopter at nagsibabaan ang ilang sundalo na susundo sa dalaga.

"Kiss me." Iyon ang sinabi ni Phil bagay na saglit na ikinatigil ni Seline. "Please." This time ay tila nais nang ipahiwatig ni Phil na kailangan nito ang halik niya upang magkalakas ang binata na harapin ang problemang kailangan niyang ayusin. Hindi pa man ay nakikita na ni Seline ang pagod sa mukha ng binata. Naroon din ang lungkot.

Kaya naman imbis na patagalin pa ay sinunod na lang ni Seline ang gusto ni Phil. Agad siyang bumalik sa loob ng kotse, ipinatong ang dalawang tuhod sa may passenger seat at sa posisyong iyon ay dumukwang ng halik sa binata.

Mabilis namang hinapit ni Phil ang leeg ni Seline palapit upang palalimin ang halik. Walang pakialam ang binata kung nakatutok sa kanilang dalawa ang ilaw mula sa helicopter na bumaba. Kailangan niya ito dahil tiyak na matatagalan ang sunod.

"Let's meet this Sunday. I'll call you, " bulong pa ng binata matapos maghiwalay. Tango na lamang ang isinagot ni Seline bago siya lumabas at tumakbo na patungo sa mga kasamahan. Nanatiling tinatanaw naman ni Phil ang dalaga ng nakangiti.

"Damn it! I will miss her." Gayunpaman ay kailangan niyang bumalik sa pagtatrabaho kaya naman pinaandar na niya ang sasakyan upang makaalis na. Wala siyang balak makisabay pa sa mga ito dahil may iintindihin pa siya habang nasa daan.

"Salute! Private First Class Joseph Martinez ma'am!"

"Salute! Private First Class Angelito Rosales ma'am!"

"Salute! Private Mark Ramos ma'am!"

"Salute! Second Lieutenant Junnie Elias."

Hindi naman napigilan ni Seline na lingunin si Phil matapos siyang saluduhan ng mga kapwa sundalo. Papaalis na ang kotse nito bagay na alam niyang ikinalulungkot niya.

"Pinasusundo po kayo ni Sarhento, ma'am." Doon na nangiwi si Seline.

"Sabihin din daw po namin ito sa iyo."

"Ang alin iyon, Junnie?" tanong ni Seline kay Second Lieutenant Junnie Elias. Isa sa mga kapwa sundalo na laging nakakasama sa mga misyon niya.

Saglit na tumikhim ito bago binatukan si Ramos na siya namang nagsalita.

"Bakit tatlong araw ka nang hindi umuuwi ng bahay Seline! Anong tingin mo sa ina mong nagaalala sa bahay tau-tauhan mo lang? At anong ginagawa mo sa bahay ng lalaki?! Tatamaan ka talaga sa akin Selina!" Umacting pa ito na parang ama niya. Muling nangiwi si Seline. Mukhang tinrack pa nito ang lokasyon niya.

"Hindi ba at bakasyon niya ngayon?" Tukoy sa ama na huling nakita niya ay sa bahay nila.

"Emergency po ma'am,  tara na po." Napabuntong hininga na lang si Seline bago sumakay sa helicopter.


I M _ V E N A

Moonlight Obscured by Clouds (Kalopsia Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon