Kabanata 83

1.3K 51 31
                                    

Kabanata 83

Matapos ang malagkit na umaga dahil talagang nagkatapon-tapon na kay Phil ang hawak na oatmeal ni Seline ay hindi na sila nagsabay pang maligo. Dahil kapwa nila alam na hindi na sila makalalabas ng banyo kung sakaling magsabay pa sila. Maraming delayed flight pa namang  kailangang asikasuhin ni Phil ngayong araw. Mayroon namang duty ang asawa. Hindi sila maaring manatili lamang sa bahay at magsyesta. They have to be professional when it comes to work.

Phil was now doing his tie when something rang. Nabaling ang tingin niya sa side table ng kama nila kung nasaan ang earpiece niya. Napabuntong hininga na lang siya.

It's from Kalopsia.

Dumagdag pa sa mga kinabi-busy-han niya ang pagsali sa Kalopsia. Being a intelligence of the said agency was not as easy as it may seems. Kung gaano kadali ang pagsali dito ganon naman kahirap at kadelikado ang mga trabahong pinagagawa ng ahensya. Maraming kailangang isaalang-alang. As an intelligence, siya ang inatasan sa import at export. Either people or important documents and things to be delivered. After all he was Phoenix.

"Phoenix from Kalopsia Intelligence Unit, all ears."

"This is CIC Apollo calling to inform you that we already track the traitor, Phoenix." Si Christian iyon o mas maigi bang tawaging Apollo, the commander in chief of Kalopsia Intelligence.

Pero natigilan siya sa biglaang ibinalita nito. Nitong mga nakaraan ay iniimbistigahan ng buong Intelligence Unit ng ahensya ang mga kaganapan sa nagdaang buwan. Bilang clean up na rin bago magtapos ang taon.

Hindi sila kampante sa nangyayari lalo sa nangyaring palpak na raid ng Kalopsia Agents sa kilalang anak ng dating Con ng Ecstasy Agency.

Sa pagiimbistega ay napagalaman ni Phil ang nangyari gabi nang iwan siya ni Seline na nakatali sa VVIP room ng De Luna Club. Ang biglaang panggugulo ng Omnipus sa lugar na noong una ay naituro sa grupo ni Joker a well known underground broker. Doon sila nagumpisang magimbistega. Isa si Phil sa nagbigay ng konklusyon sa nangyari. Ayaw man niyang isiping tama siya ay patuloy lang siyang dinadala ng lahat ng lead niya sa iisang tao. Sa iisang taong matagal na rin niyang kilala. Sa isang taong hindi niya akalaing gugulo ng lahat.

"You're conclusion was right, Phoenix. He's a Omnipus Member." Para iyong bomba na sumabog sa tenga niya. Isang kompirmasyong muli na namang magdadala ng kaguluhan sa kanila. Frustrated niyang nagulo ang kaninang naayos na niyang buhok.

What the fuck!

Bagamat galing sa kaniya ang konklusyon ay hindi pa rin niya iyon inaasahan. Mas inasahan kasi ni Phil na mali siya. Dahil ang taong pinaghihinalaan niya ay matagal na nilang kakilala. Hindi niya ito maipapaliwanag sa asawa ng maayos dahil tiyak na maging ito ay magugulat din.

"How comes that Ro—"

Hindi na ni Phil natapos ang sasabihin nang mabaling ang tingin niya sa isang bagay. Napaawang ang labi ni Phil dahil doon. Biglang nawala sa isip niya ang pinaguusapan nila ni Apollo at naagaw ng isang bagay ang lahat ng atensyon niya.

"CIC Apollo, I will call you later." Hindi na niya hinintay na makasagot ito at agad na niyang pinatay ang tawag.

Salubong ang kilay na hinawakan ni Phil ang pills na nakaagaw ng atensyon niya kanina na nakakubli sa likod ng unan. Napaawang ang labi niya dahil doon.

Sa loob ng isang buwan nilang pagsasama ni Seline ay desperado na siyang mabuntis ang asawa. That is why Phil always want to make love with her wife all the time. Gusto niyang magkaanak ulit sila, gusto niyang maranasang maging ama. Gusto niyang magkaroon na sila ng pamilya ng asawa. Kahapon nga ay binisita niya ang puntod ng anak na si Philip at kinausap na sana ay humiling ito sa diyos na bigyan siya ng kapatid at nang mabuntis muli si Seline.

Kahit siya ay gabi-gabi rin niyang hinihiling na magbunga na ang pagpupursigi niya dahil gusto na talaga niyang magkaanak sa asawa. He wants to see a little version of him and her wife running on the backyard with their cat Dipsy and those ducks he brought yesterday. Pero ano nga naman ang mangyayari kung ang asawa na pala niya ang gumagawa ng paraan 'wag lang itong mabuntis muli.

He was speechless for a while and couldn't move. Hindi malaman ni Phil ang mararamdaman.

Dahil doon ay napapikit na lang si Phil. Nalulungkot siya at hindi niya maintindihan kung bakit ito ginagawa ng asawa. Maayos naman ang nagdaang buwan nila. Masaya silang dalawa kasama ang mga alaga hayop sa bahay. Wala namang dahilan para hindi pa sila magkaanak dahil may bahay na sila at may stable na trabaho para mabuhay ang bata. He was responsible and ready enough to have a child. But he guess her wife was not on the same pages.

"Phil—"

Hindi na natapos ni Seline ang sasabihin.

Matapos siyang makalabas ng banyo mula sa pagkakaligo ay nadatnan niya ang asawa na nakaupo sa kama at hawak ang contraceptives na iniinom niya.

Halos takasan si Seline ng kaluluwa nang makita kung gaano kalungkot ang mukha ng asawa ngayon. Bakas ang disappointment at pagtatanong dito. Nang binalingan siya nito at nginitian ng pilit ay doon na siya halos panlamigan ng kamay at binti. Walang imik nitong ibinaba ang pills sa side table bago ito tumayo.

"Your breakfast are ready. I'll go a head, Seline." Para siyang sinaksak nang tawagin siya nito sa pangalan. Bagay na hindi naman nito malimit sabihin dahil mas kinagawian nito ang pagtawag sa kaniya ng endearment nitong 'Theia'.

"See you later." Lumapit ito sa kaniya at marahang hinalikan lang ang pisngi niya matapos iyon ay lumabas na ito ng kwarto. Akmang hahabulin niya sana ito pero siya na rin ang pumigil sa sarili. Napabuntong hininga at napapikit na lang si Seline.

Damn it!

Ang katotohanang natatakot talaga siyang magbuntis muli ang dahilan niya kung bakit siya gumagamit niyon. Ayaw niya pang magbuntis, hindi pa siya handa. Hindi kagaya ni Phil na handa nang magkaanak. Para kay Seline na nakaranas magbuntis na walang agapay ng ama ng kaniyang anak ang hirap na pinagdaanan ay naging lamat ng trauma sa kaniya. Hindi niya kinaya ang naging pagkawala ng unang anak.

Anim na buwan niya iyong inalagaan at nawala lang dahil sa kapabayaan niya bilang ina na siyang talagang kaniyang labis na pinagsisihan. Alam niyang mababaliw siya kung mauulit lang muli ang kaganapang iyon. Kaya naman habang maaga pa ay siya na mismo ang pumipigil sa maaring pagkabuntis muli. Hindi niya na iyon kakayaning maulit. Bagay na hindi maiintindihan ni Phil dahil wala ito ng mga panahong nararanasan niya ang mga pinagdaanan niyang hirap ng pagbubuntis.

Nanghihinang napaupo na lang sa kama si Seline yakap ang kaniyang tuhod.

"How am I able to make him understand that?"


I M _ V E N A

Moonlight Obscured by Clouds (Kalopsia Series #1)Where stories live. Discover now