Kabanata 34

1.3K 57 37
                                    

Kabanata 34

According to Angie Weiland-Crosby, "When darkness branches to your soul, lights still find a way to rise." But at that time, Seline couldn't hold on to that. She couldn't even see a single glimpse of salvation from where Phil left her. Broken and crumpled, yet still hanging waiting for someone to save her from clouds of misfortune.

After Graduation
April 18 2021

"Sinasabi mo bang, buntis ka Seline?" malakas na hiyaw ng tatay niya sa loob ng hospital room kung nasaan sila ngayon. Mababakas sa boses ng ama ang galit. Nanginginig din ang kamay nito habang nakaduro sa kaniya. Napapikit na lang si Seline at walang nagawa kundi ang magpatuloy sa pagiiyak.

"Ano ka ba naman! Huwag mong sigawan ang bata!" pangingialam ng ina niya na walang tigil sa pagpapakalma sa kaniya para tumahan na. "Tahan na Seline,  makakasama iyan sa anak mo." Ramdam niya ang panginginig ng ina. Alam niya, alam na alam ni Seline kung gaano niya na-dissapoint ang sariling ina at ama. Nahihiya siya pero ano bang magagawa niya? Nandito na ito.

"Bata? Tigilan mo ako! Bata pa bang matatawag iyan e, buntis na nga. 'Yan ba ang tinuro ko sayong lintek ka? Ang magbubukaka na lang kung saan at magpabunt—"

Natigil ang ama niya nang biglang sumigaw ang ina.

"Tumigil ka na!" galit na galit si Mrs. Marie Happuch kung kaya naman napakalakas ng sigaw nito na maging ang nananahimik na pinsan ni Seline ay napatalon. "Harold, Haji, ilabas ninyo muna iyang tiyuhin ninyo!" Mabilis na sumunod naman ang mga ito at iniwan silang tatlo.

Siya, ang ina niya at ang Kuya Christian niya na lamang natira sa loob.

Moonlight Obscured by Clouds (Kalopsia Series #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora