Kabanata 59

163 8 0
                                    

Kabanata 59

Nakatulala lang si Phil sa harapan ng napakalaking building ng Kalopsia sa gitna ng kakahuyan, sa bandang timog-silangan ng bayan ng Viathan. Magdadalawang araw na rin siya sa naturang lugar pero magpasahanggang ngayon ay wala pa rin siyang balita kay Seline.

Simula nang kunin ang dalaga ng mga kaibigan nito ay sinundan ng binata sila. Dito siya dinala ng pagsunod niya at hanggang ngayon simula nang pumasok sila Seline sa loob ng gusali ay hindi pa rin sila nakalalabas. Nagaalala na ang binata at hindi rin matanggap ni maiproseso ng isip ni Phil ang lahat ng nakita at narinig.

Una na doon ang tungkol sa Kalopsia. Pangalawa ay ang biglaang pangyayari. Hindi niya maintindihan at mauunawaan ang naganap sa harapan niya bagamat hantaran na ito.

Akala ko ba magkakaibigan sila? Bakit nila ginawa iyon?

Sinubukan ng binata na tumawag sa mga police at mag-report pero walang nakikinig. Pinagpapatayan lang siya ng mga ito ng sabihin ni Phil kung nasaan siya mismo. Sinubukan niya ring ipaalam ito sa ama ni Seline ngunit wala naman itong ginawang aksyon. At tanging sinabi lang sa kaniya ang katagang; "Pinasok ng anak ko ang gulong iyan, siya mismo ang maglalabas sa sarili niya."

This is insanity. Literally!

Gayunpaman kung may isang bagay siyang sigurado iyon ay ang Kalopsia ang nasa likod ng lahat ng nangyari.

May kinalaman sila Phil, obviously.

Ano pa nga bang aasahan ng binata, it's an illegal law enforcement agency. And from his own perception, Agency like Kalopsia had a power to do such things. Mapagtatakluban nila ang mga bagay na hindi pangkaraniwan.

Hindi niya mapigilang hindi mainis. Naiinis si Phil at gusto niyang sisihin ang sarili sa nangyari. Kung alam niya lang na ganito ang kalalabasan nang pagpupumilit niyang malaman ang totoo. Hindi na lang sana niya pinilit bagkus ay pinagtuunan na lang sana ng pansin ang kasal nila.

Ayus na lahat, Phil. Sinira mo lang talaga. Kasalanan ko ito.

Isang malakas na pagbusina ang halos makapagpatalon sa binata sa kaniyang kinatatayuan. Agad naman niyang binalingan ng tingin kung sino iyon.

"Christian?"

Sakay ito ng isang black roadster, bukas ang roof niyon habang naka-shade pa ang binatang nakangisi sa kaniya. Naka-suit pa ito na tila kaaattend lang ng court trial. It's Attorney Christian Sacramento indeed.

"Yo!" Itinaas pa ni Christian ang kanang kamay bilang pagbati. "You look hell, Mendez. Are you a beggar?" Bakas ang pangungutya sa mukha nito. Ngunit hindi na pinatulan ni Phil iyon. Totoo rin naman kasi ang sinabi nito. Sa loob ng dalawang araw na nagdaan ay halos wala na siyang tulog. Hindi na rin siya nakakain at tanging nagawa ay ang maghintay sa labas ng metal gate ng building na ito na para bang magbubukas iyon kung maghihintay siya. Ni-hindi na rin siya halos nakapagpalit ng damit at may dugo pa iyon ni Seline.

"Why is she so blind by you?" Out of no where Christian uttered. It was not a question or statement, he made it sound like an insult.

"Loser will not know the answer." Balik niyang pangaasar.

"Fuck you, Mendez." Bakas sa boses ni Christian ang pagkaasar gayunpaman may bahid iyon ng lungkot. Alam ni Phil na seryoso ang binata kay Seline. Ngunit wala siyang balak pagbigyan ito kahit gaano pa ito kaseryoso. Gayunpaman ay iginagalang ni Phil ang nararamdaman ng binata bilang kapwa lalaki kung kaya naman hindi na siya umimik.

Moonlight Obscured by Clouds (Kalopsia Series #1)Where stories live. Discover now