Kabanata 12

294 7 0
                                    

Kabanata 12

W. Clement Stone once says, "Aim for the moon, if you miss you may hit a star." This means have an ambitious goal and go for it. So, that was what Seline had been doing ever since she understand that quotation. She always set her goal to things that are impossible to achieve at first. Seline find it exciting which gave her encouragement to do her best to anything that caught her attention. She was not a woman who easily lose heart. She's a fighter in everything. Kaya naman nang magkagusto siya kay Phil noon ay talagang ginawa niya ang lahat ng makakaya niya para mapansin ng binata at suklian man lamang nito ang damdamin niya. However, she lose in the battle named love. Sa buhay kasi hindi lahat ng ipaglaban natin ay mapupunta sa atin. Gayunpaman subukan nating huwag pagsisihan ang mga nangyari na. Dahil bagamat natalo tayo at hindi makuha ang inaasam natin mayroon pa ring darating. Hindi man natin natamaan ang nais natin, pasasaan pa at titigil din ang pana ni kupido at may matatamaan din sa'yo. Bonus na lang kung bumalik.

Sa pagmulat ng mata ni Seline ay kasabay ng pagpatak ng isang luha sa kaniyang mga mata. Ganito ang laging eksena, sanay na sanay na siya doon. Bumangon na lang siya at hindi binigyang pansin ang bangungot.

Noong isang araw pa silang nakauwi, iyon din ang huling pagkikita nilang dalawa ng binata. Pinilit niyang alisin ito sa sistema habang nagpapahinga sa sobrang kapaguran.

Bihis na siyang lumabas ng kwarto at hinarap ang kaniyang pamilya. Kagaya ng karaniwang eksena sa bahay na ipinatayo ni Seline ay kagulo na naman ang mga ito sa hapag kainan. Naroon ang ina at ama niyang nag-a-almusal. Busy sa paglalaro ang bunsong kapatid habang walang tigil sa pagpapatugtog ng mga jejemong kanta ang sumunod sa kaniya.

"Magsikain na kaya kayo!" puna ng ama ng tahanan sa kanila. Agad naman silang natinag at dumalo na. Tahimik lang sa isang gilid ang tatlo niyang lalaking pinsan na mukhang dumayo lang ng almusal. Suot ang mga uniform bilang police, nurse at engineer.

"Ito na ang almusal. Clark! Divine! Tama na 'yang panonood, " hiyaw ng Tita Clarine niyang may dalang pagkain.

Napangiti na lang si Seline bago dinaluhan ang mga ito kasama ang batang sina Clark at Divine na anak ng Tita niya. Ganon ang pangkaraniwang eksena na talagang kinagisnan niya na.

Masaya silang kumakain nang biglang basagin iyon ng kaniyang ama.

"Seline nak, next week na gaganapin ang engagement party mo. Humanap ka na nang magandang bistida." Natigilan siya sa pakikipagtalo sa naturang pinsan nang sabihin iyon ng ama. Para siyang binuhusan ng mainit na tubig dahil doon.

"Pa—"

Hindi na niya natapos ang sasabihin niya nang tumayo na ito.

"Manuel, sumunod ka sa akin may paguusapan tayo, " tukoy sa engineer niyang pinsan. Agad namang tumugon ang Kuya Manuel niya habang payak siyang nginitian.

"Kuya.." mababa ang boses niya sa pagtawag dito. "Ma..." baling na niya sa sariling ina na tinawanan lang siya.

"Ano?"

Iritadong napasimangot siya sa naging sagot ng sariling ina.

Engagement? Damn it!

"Kainis! May boyfriend po ako!" saad niya.

"Talaga ba?" singit ng kapatid niyang sumunod sa kaniya. Halatang hindi naniniwala.

"Oo Junior, may boyfriend ako! Bakit may problema ka doon?" gigil na turan ni Seline habang nakataas kilay. Subalit natigilan siya nang marinig ang tawa ng bunsong kapatid. Inis na binalingan niya ito. "Pinagtatawanan mo na ako MJ?" Wala rin siyang napala sa kapatid dahil tinawanan lang siya lalo nito.

Moonlight Obscured by Clouds (Kalopsia Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon