Kabanata 36

188 5 0
                                    

Kabanata 36

Nagising si Seline nang makarinig ng ingay sa paligid. Masakit pa ang ulo niya kaya hindi na muna siya nagmulat.

"Mga bwiset talaga 'tong mga ito!Naginuman pala kagabi, hindi man lang tayo tinawagan," reklamo ng isang boses. Sa palagay niya ay si Chontelle iyon. Pero teka nga, bakit ba narito ang kaibigan niya, agang-aga. Isasawalang bahala na lang sana ni Seline ang maingay na kaibigan nang maramdaman niyang may tumapik sa pisngi niya.

"Hey bitch! Wake up or I will not hesitate to smack you in the face." Dahan-dahan siyang nagmulat nang maulinagan ang boses ni Daniella at doon nga ay bumungad sa kaniya ang mga nakataas kilay na kaibigan.

"Oh ano, sabog kayo ano? One on one pa mga tangina niyo. Bangon na d'yan,  matutusta na kayo!" Natawa na lang siya sa sinabi ni Daniella nang maulinagan niya ang senaryo nila ngayon. Naroon pa rin sila sa sementeryo at mukhang doon sila nakatulog. Medyo tirik na rin ang araw. Hindi man lang nila iyon naramdaman. Sa tuwing nawawala talaga silang dalawa ni Aestellah alam na ni Chontelle at Daniella kung saan sila hahanaping dalawa.

"Aray ko naman Chon! 'Wag mo akong sipain, babangon na nga! Heto na!" rinig niyang reklamo ni Aestellah. Natawa siya doon pero agad na napangiwi nang maramdaman ang sakit ng ulo. Para tuloy silang zombie na bumangon sa hukay.

"Hello Philip, si Tita Chon ito! Pasensya ka na sa mama mo. Lasingera! Iuwi muna namin siya ha."

"Ano? Ayan alak pa!" Tinawanan pa sila ng kaibigang si Daniella nang makarating sila sa parking lot. Nagpasya ang lahat na sumakay na lang sa kotse ni Chontelle at iwan ang mga dalang sasakyan dahil may mga hangover pa sila.

"Ang babaho ninyo!" reklamo ni Chontelle kunwari habang nag-i-spray sa kotse napaubo na tuloy sila ni Aestellah.

"What are you doing, Chontelle!" Ngunit hindi pinansin nito ang reklamo ni Aestellah.

"Where are we going?" Matapos ay isinagad ang aircon sa loob ng Porsche niya. Ano pang aasahan sa kaibigang mahilig sa lamig.

"Dating gawi!" masayang sagot ni Daniella na nasa passenger seat.

"Teka nga, bakit nandito ka? May hangover ka din ba teh? Hindi 'diba? Choo! Layas! Mag-drive ka ng kotse mong bulok!"

"Ang damot mo naman! Pasakay na din ako, mahal ng gas 'no. Pumalo na ng 98 pesos ang litro! Kung grades sana iyon, edi sana valedictorian na ako."

"Yan na yung joke mo?"

"Yah!"

"Tumigil na nga kayong dalawa! Tara sa lugawan!" This time ay nabulyawan na ni Seline ang dalawa. Dagli namang natahimik ang mga ito at pinaandar na lang ang kotse.

"Sakit ng ulo ko!" reklamo ni Aestellah. Ganon din ang nararamdaman ni Seline, parang binibiyak ang ulo niya. Masakit talaga, sobra.

"E, bakit n'yo ba kasi naisipang mag-inom? Mga baliw kayo!" It was Chontelle.

"Shit nasusuka ako!" anang ni Aestellah na talagang ikinawindang ng dalawa nilang kaibigan.

"Teka! Teka! Huwag kang susuka sa kotse ko!" Nang umaktong naduduwal na si Aestellah ay siniko na ni Seline ang kaibigan para tumingala ito.

"Michyeoss-eo, Sellinneu?" (Are you crazy, Seline?) Bulyaw nito kay Seline na hindi naman naintindihan ng kaibigan. "Aish! Deo ppaleun Chontel!" (Aish! Faster Chontelle!) Hindi na halos naisip pa ni Daniella ang sasabihin dahil sa pagkataranta.

"Ano ka ba Daniella! Huwag mo akong hampasin, ito na nga oh!"

"Oh my god! Chontelle bilis natulo na sa labi niya!" Napahiyaw na din si Seline. "Wala ka bang—"

Moonlight Obscured by Clouds (Kalopsia Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon