Wakas

1.4K 39 7
                                    

Wakas

Nang sumapit ng gabi ay nagtungo si Phil sa control tower at doon inabala ang sarili upang hindi isipin masyado ang lahat ng nangyari maghapon.

Bukod kasi sa mabigat na paguusap nilang iyon ni Alison ay binabagabag pa rin si Phil ng nangyari kaninang umaga at ang sumasampal sa kaniyang katotohanan na ayaw magkaroon ng anak ng kaniyang asawa.

"Hold on to your seats for Flight 2507; the next takeoff has been delayed for nearly an hour due to a thunderstorm alert."

"Copy!"

"Due to the thunderstorm advisory, flight 3004 going to Singapore will be delayed for approximately two hours."

"Roger!"

Nang matapos ang pagaanunsyo ni Phil ay binalingan niya naman ang mga radar ng iba't-ibang flight na nakalipad nang eroplano patungong Hongkong at Dubai.

"Sir, ito nga po pala ang pinapakuha ninyong dokyumento ng mga ruta na maaring alternatibong daanan, " anang ni Rey isa sa mga empleyado niyang tower controller na nagtatrabaho dito. Kailangan niyang pagaralan ang mga ruta ngayon upang maiiwas ang mga eroplano sa sigalot na nangyayari sa pagitan ng ilang bansa sa middle east. Lalo at sumisiklab na naman ito bagamat hindi na iyon bago pa.

Dahil doon ay hindi na niya namalayang may iba nang nakapasok sa control cabin at hindi na lamang sila ang naroon. Gayunpaman malakas ang pang amoy ni Phil kaya naman nang maamoy ang pabango ng asawa ay agad na niyang nabitawan ang mga papel na hawak at binalingan ang pinto.

"Theia?" Hindi naman siya nagkamali naroon nga ang asawa at purmadong-purmado suot ang kaniyang uniporme habang kumakaway-kaway pa.

"1st Leiutenant Seline Mendez reporting for duty. Salute!" Doon na siya napatayo.

Nakatayo si Seline malapit sa pinto habang nakasaludo sa kaniya. Nang puntong iyon ay tila lahat ng lungkot at bigat ng kalooban ni Phil ay naglaho na lang nang makita ang ngingiti-ngiting asawa. Natawa na lang si Phil dahil doon. Umayos ng tayo at nilapitan na ito.

"Bakit nandito ka na? Hindi ba at 9 pm pa ang tapos ng duty mo? Alas syete pa lang, " takang tanong niya. Matapos ay iginaya ang asawa palabas. Sumenyas na lang siya sa mga tao sa loob na aalis na muna siya bagay na pinanood lamang ni Seline hanggang sa makababa sila sa junction level.

"Maaga akong nag-out ngayon."

"Ganoon ba. Kung ganon doon muna tayo sa office ko." Tumango lang si Seline bilang pagsangayon.

Tahimik silang dalawa at hindi nagiimikan gayunpaman ay hindi hinayaan ni Phil na hindi niya hawak ang kamay ng asawa hanggang sa makabalik siya sa kaniyang opisina.

"Sir, Madam, good evening, " bati ni Chad nang makasalubong nila. Payak na ngumiti ang magasawa bagay na hindi na lang pinansin pa ng sekretarya.

Hanggang sa tuluyan na silang makapasok sa opisina.

"Alison visit me today." Panimula ni Phil nang tuluyan nang bitawan ang kamay ni Seline para makaupo na ito sa may swivel chair niya. Dagling inalis ni Phil ang mga tambak na dokyumento sa desk niya para doon makapagpahinga si Seline. Walang imik na pinanood naman siya ng asawa sa kaniyang mga ginagawa. "Nagtatampo siya dahil hindi daw niya na-receive ang invitation letter ng kasal natin." Nang naupo si Phil sa harapan ni Seline ay nakatungo siyang pinanood ang asawa. "I told her na nagbigay naman ako, wala lang siya dito sa bansa kaya hindi niya natanggap." Doon na nito tinanggal ang sapatos niya at sinimulng masahihin iyon.

Pinanood lang ni Seline ang asawa sa ginagawa nito. Ganito sila lagi, Phil was a caring husband. Iyon ang bagay na mas lalong ikinahuhulog ng loob niya. Tipong kahit nagkakatampuhan sila ay hindi nito kinalilikdaang ipadama na may pakialam ito sa kaniya. His action speaks louder to her. Isang bagay na hindi na yata niya kasasawaan kay Phil.

"I'm sorry, " aniya. Doon na natigilan si Phil, maging ang pagmamasahe nito ay tumigil. Natahimik silang dalawa sumandali pero si Seline na din ang naglakas ng loob na muling umimik. "I'm sorry about the contraceptives." Nakita niya ang paglunok ni Phil. Mamayamaya ay ngumiti ito.

"It's okay, I understand." Muling bumalik ang asawa sa pagmasahe sa paa niya pero siya na din ang nagpatigil dito.

"Phil, listen to me." Hindi na makatingin ngayon sa kaniya ang asawa. Alam ni Seline na nag-o-overthink na ngayon ang asawa kaya naman gusto niyang pagusapan nila iyon. Ayaw niyang isipin ng binata na may nagbago.

Misunderstanding can lead to separation at kailanman ay hindi niya iyon papangaraping mangyari sa kanila.

"Sa totoo lang natatakot ako na mabuntis muli, Phil." Huminga siya ng malalim bago nagpatuloy. "Natatakot ako sa posibilidad na mangyari ulit ang nangyari noon." Humaplos ang kamay ni Seline sa balikat ni Phil na animo'y paraan nito upang mas ipadama ang sinsiridad ng mga sinasabi niya. Isang bagay na nagpakalma kay Phil. "Naging pabaya akong ina, Phil. Namatay ang anak ko hindi dahil sa pangiiwan mo kundi dahil sa pagiging pabaya ko. Kung mauulit lang iyon, Phil. Paniguradong hindi ko iyon kakayanin." Tuluyan nang tumulo ang mga luha sa mata ni Seline. Bumalik ang lahat sa kaniya. Magpasahanggang ngayon pala talaga ay hindi pa rin siya nakakatakas sa nakaraang parating humihigit sa kaniya pabalik. Her regrets and her agony was pulling her back into beginning.

Doon na tumayo si Phil at napiling sumandal naman sa desk niya. Yumuko ito sa kaniya at pinunasan ang mga takas na luha sa kaniyang mata.  "Hush Theia, don't cry."

Maging si Phil ay naluha din subalit bilang asawa kailangang matatag siya para sa babaeng pinakamamahal niya. Ngayon niya naintindihan si Seline. His wife worries and those things that keeping her away from him. Na parang kahit isang buwan na silang magasawa ay parang ang layo pa rin nila sa isa't-isa. It is as a result of their tension and lack of communication.

"Theia, nandito naman na ako this time. Hindi ko hahayaang maulit muli ang nangyari noon sa'yo, ngayon. Aside from that, you can always tell me your worries. I'm your husband after all." Sa sinabing iyon ng asawa doon na lang ni Seline na-realize na kung sinabi pala niya iyon ng maaga kay Phil ay hindi sila magkakaroon ng ganitong tampuhan. Nakagat na lang niya ang labi niya at mabilis na napayakap sa asawa.

"I'm sorry." Narinig niya ang mahinang tawa ni Phil.

"No, you need not. It's okay, I understand if you're not ready, and I'm prepared to postpone having our child until you are." Naramdaman niya ang paghalik ng asawa sa kaniyang noo at mahinang pagbulong ng katagang, "smile, moon child." Napapikit na lang si Seline.

She then recalled that, like the moon, her life had gone through various phases. And whether or not the cloud obscured the moonlight, it will continue for the rest of her life. But then it also reminds her to trust each phases of her life to be more beautiful than the last because the earth was watching at her back.

With one phase being possible to finish, it only indicates that another phase was about to begin because the conclusion of one phase signals the other one.  That how moon phases was like life cycle is.

All we have to do is muster the courage to confront new challenges  while holding onto the hope that  someone has our back, looking at us even if we have so much fear with it.

W A K A S!

Moonlight Obscured by Clouds (Kalopsia Series #1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang