Kabanata 40

1.3K 60 30
                                    

Kabanata 40

"Kamusta naman ang pakiramdam mo?" tanong ni Seline habang pinagbabalat ng saging ang kaibigan niyang imbalido.

"Ayus na ako, ilang beses ko bang pauulit-ulitin iyon sa inyo?" kunot ang noong turan ni Aestellah. "At tsaka pwede na kayong umuwi. Nagsasawa na ako sa pagmumukha ninyo!" iritadong dagdag pa ng kaibigan habang panay naman ang ngata sa saging na binabalatan niya.

"Nagsasawa na rin naman kami sa mukha mo. Libre lang talaga ang pagkain dito kaya nagtsatsaga kami sa'yo!" hirit ni Chontelle na panay ang kain ng pizza sa sofa. Naroon sila sa isang VIP room ng AES Hospital sa Merzheil City dahil dito nila sinugod ang kaibigang puno ng bala ang katawan three days ago.

"I second emotion!" sabat naman ni Daniella habang panay din sa pagkain sa may sofa. Napailing na lang si Seline sa kanilang eksena. Wala na talagang pagasa ang mga kaibigan niya.

"Oh guys, here pa!" Biglang sumulpot si Thanya na may dala na namang pagkain. Mukhang patatabain sila nito. Sa halos magtatatlong araw nila sa hospital ay palagi na lang itong may dalang pagkain.

Three days before, unconscious na nadatnan ni Daniella si Aestellah. May tama ito sa tagiliran at balikat. Masyadong marami ang nawalang dugo dito kaya naman alalang-alala sila. Mabuti na lang talaga at naagapan kung hindi ay tiyak na pagsisisihan nila ang hindi agad pagresponde sa kasamahan. Pasalamat talaga sila at naroon pa rin si Christian para isugod ito sa hospital. Hindi maintindihan ni Seline kung swerte lang ba ang kaibigan o talagang masamang damo ito.

"Ano ba 'yan! Ang dami-dami na niyan! Thanya, 'wag mong i-spoil ang mga walang dulot na 'yan! Namimihasa!" Kunot ang noo ni Aestellah habang nakatingin sa mga dala ni Thanya.

"Ay attitude teh?" Biglang baling ni Daniella na magsisimula na sanang halungkatin ang mga pagkain.

"Ang sabihin mo inggit ka lang kasi kami pwedeng kumain nito, ikaw puro prutas lang!" malayang pangaasar ni Chontelle. Napasimangot tuloy ang kaibigan niya. Natawa silang lahat ng dahil doon.

Kahit kailan talaga ay mga walang kwenta.

"By the way Thanya, bakit nga pala umuwi ka? Hindi ba at may kontrata ka pa sa Norway?" Tukoy ni Seline sa contract ng kaibigan sa isang fashion magazine sa Norway dahilan kaya hindi ito nakauwi last month. "Ang alam ko may kinailangan lang ayusin iyong asawa mo last month kaya nandito siya, hindi ba?" usisa pa ni Seline. Kahapon niya pa talagang gustong itanong iyon subalit hindi siya nakagawa ng tyempo.

Thanya Muller-Chavez was Siggy Chavez wife. Last month ay sumayaw pa ito sa party nila at naki-party. Ang sabi ni Christian sa kaniya ay umalis na ito. Pero ngayon ay si Thanya naman ang narito. Actually, Thanya and Siggy was a highschool couple. Ganon sila katatag. Halos ilang taon na rin silang kasal at hindi mapaghiwalay. Kaya naman nagtataka siyang narito ang dalaga habang wala ang asawa.

Inilapag muna ni Thanya ang tray na hawak bago sumagot. "Mistress send me an email last week. You know that the Agents of Kalopsia while they have no children will remain their Agents. Aside from the fact that I can’t refuse, I also want to go back. I miss here, na kaya!" sagot nito sa kanila.

"The question is, did you tell your husband about that?" In that Chontelle statement, Thanya become silent. Maging sila ay natahimik na rin. Wala mang umimik, alam na nila ang sagot sa nasabing tanong. Iyon ay dahil sa bawal pa rin ang bagay na iyon. Bukod sa kanilang lima, si Christian lang ang nag-i-isang nakakaalam ng tungkol sa Agency na iyon dahil sa isa din naman itong Intelligence ng Kalopsia.

The Kalopsia Agency have their different units. The Agents, Intelligence, Courier, Barrier and the Backer. May iba't-ibang tungkulin ang mga ito. Hindi sila nagpapakialamanan not until it's an emergency. Sa totoo lang ay si Christian lang din naman ang kilala nilang Intelligence. Wala rin naman itong ikinekwento about sa ginagawa nila and asking was against the rule. Kaya naman limitado lang ang alam ni Seline.

Moonlight Obscured by Clouds (Kalopsia Series #1)Where stories live. Discover now