Kabanata 46

1.4K 58 18
                                    

Kabanata 46

Nakatulog na si Seline sa sobrang haba ng byahe nila. It was 15 hours flight but the time zone hit different like they only travel 6 hours in a row. Sa totoo lang, ang flight na iyon yata ang pinakatahimik at hindi masakit sa ulong flight na sinakyan ni Seline sa buong buhay niya. Phil was really a great pilot, pinalilipad niya ang aircraft nang inaalala ang lahat ng mga sakay niya.

Sa paglapag nila ay nag-stay muna ang dalawa sa pinakamalapit na hotel at nagpahinga. Nagpupumilit pa si Phil na magtabi sila, sa inis niya ay pinalabas niya ng hotel room ang binata. Kung magtatabi sila ay tiyak na hindi siya patutulugin nito. Ngunit pagod siya at wala siyang oras para doon. At alam ni Seline na sa kanilang dalawa ang binata ang pinakapagod sadyang puno lamang ang utak nito ng kamanyakisan. Kapwa nila kailangan ng pahinga.

Kinabukasan ay dinala siya ni Phil sa pinakamalapit na restaurant para doon mag-almusal. Nais pa sana ni Phil na idala siya sa isang mamahaling kainan subalit binungangaan lamang siya ni Seline. Huwag na raw siyang maggagastos at matutong magtipid. Kaya naman nag-end up silang kumain sa isang coffee shop.

Pan cake and frappé.

"Are you really okay with this? Aren't you hungry, Theia?" Pinakatitigan ni Seline ang binata bago binalingan ang lamesa nila.

"You order 10 layer pancake, Phil. Ilang calories din ang idadagdag nito. Didn't you know that eating sugar we can survive for at least—"

Hindi na pinatapos pa ni Phil ang sasabihin niya.

"And you could die due to diabetes, really great, right?" sarkastikong ani nito.

Doon na natawa si Seline. "'Wag ka ngang masyadong over reacting d'yan!"

Napanguso si Phil gayunpaman ay wala nang nagawa nang sipain na ni Seline ang ilalim ng mesa na tila nagbabanta.

"Ito na nga, sabi ko nga kakain na nga." Napailing na lang si Seline sabay baling sa overlooking view sa labas ng café kung nasaan sila nakapwesto. Seline couldn't help but to be fascinated with the place. The tranquility in here hits different. This place will definitely make her, them heal and maybe, just maybe, that what Phil really wants.

Muling nabaling sa binata ang tingin niya na ngayon ay nagaalok na ng pancake sa kaniya. Ngumiti si Seline bago kinain ang isinusubo sa kaniya nitong pancake. Saglit pang tumulo ang honey niyon sa gilid ng labi niya ngunit maagap si Phil agad niya iyong pinunasan ng tissue.

Natigilan si Seline bagay na napansin ng binata.

"Oh? Bakit iyon?" Sa tanong na iyon nito ay nagiwas na lang ng tingin ang dalaga. Bago saglit na bumuntong hininga. "Teka, inaasahan mo bang papahidin ko gamit ang daliri at kakainin? O 'di kaya papahidin gamit ang halik? Iyong tipong kagaya sa mga romantic movies?" Natatawang tanong nito. Napangiwi si Seline.

Magkamatayan na hindi siya aamin.

"Ano bang pinagsasasabi mo dyan? Ikaw nagiisip ng ganiyan 'no!"

Natawa lalo ang binata. "Aguy! Ang Seline, nagdadalaga?"

Pagak na tumawa na din si Seline. "Tigilan mo ako, Phil. Hindi ko iniisip 'yan."

"Talaga ba?"

"Tumigil ka na, baka samain ka sa akin."

"Ayoko nga! I'm really having fun teasing you." Doon na ito nangalumbaba at tumitig kay Seline. "So, ano nga? Inasahan mo nga?"

"Isang tanong pa, bibigwasan na kita." Sa pagkakataong iyon ay napaayos na si Phil ng upo sa tabi niya.

"My apologized, " anang niya sabay kunwaring i-zinipper ang labi.

Doon na natawa si Seline.

Matapos ang almusal nila ay muling bumyahe ang dalawa patungo sa pag-da-date-an kuno nila. Nagpaiwan na si Chad sa Airport dahil marami pang aasikasuhin doon. Kung sasama rin naman ito ay baka tanggalin ito ni Phil sa trabaho.

Moonlight Obscured by Clouds (Kalopsia Series #1)Where stories live. Discover now