Kabanata 71

106 6 0
                                    

Kabanata 71

Naging masaya ang pagsasama namin ni Alison sa loob ng limang buwan. Gayunpaman alam ko sa sarili kong may kulang, parang may hindi tama. Kaya naman bago pa lumalim ay tinapos ko na agad. Tutal at una pa lang naman ay wala naman talaga sa isip ko ang makipagrelasyon. Pero dahil din doon nabuwag ang samahan namin nila Alison, Kid at Rain. Si Arem na lang ang nanatiling close ko habang sila tuluyang lumayo. Masyadong mahalaga sa dalawang iyon si Alison at naiintindihan ko ang pagiwas nila nang saktan ko ang itinuturing naming prinsesa ng grupo.

First day of School
June 1 2020

Dumating ang Grade 12 namin. Halos hindi na talaga kami nag-u-usap ni Seline. But something happen, naging classmates kami. That time, inalis ang section 4 at ginawang tatlo nalang ang section ng HUMSS that's why naging kaklase ko siya habang si Alison, Rain at Kid ay napahiwalay ng section. Kami ni Arem ay wala nang nagawa dahil sila na mismo ang pumili ng section nila. Bilang SSG President lagi akong nasa opisina ng Dean. Kaya alam kong nagpalipat talaga ang tatlo hiwalay sa amin ni Arem. Bukod doon isa rin ako sa mga naatasang maghiwa-hiwalay ng names nila. Sinadya ko talagang maging magkaklase kami ni Seline. Gusto ko kasing bumalik kami sa dati. Tutal at humupa na rin naman ang isyu. Wala naman din akong balak na pansinin ang kakaibang nararamdaman ko para sa kaniya dahil bukod sa nakakabastos iyon para kay Alison ay talagang hindi sapat ang saliw ng pagkaaliw ko kay Seline para matawag iyong pagkagusto. Nais ko lang talaga na maging kaibigan ko ulit siya, kasi ang status na iyon ay alam kong hahaba. Pero mukhang hindi niya iyon nagustuhan.

"Phil! Phil!" Agad akong natigilan sa paglalakad nang tawagin ako ni Joanna ang President ng HUMSS 3 kung saan nalipat sila Kid.

"Ano 'yon?" tanong ko. Doon ko na lang napansing kasama niya pala si Seline. Sa puntong iyon tuluyan nang nangunot ang noo ko. Malapit ang room namin ngayon sa Dean office kaya naman marahan at hindi pasigaw ang usapan namin.

"Gusto niya daw magpalipat sa section namin, tulungan mo naman." Lalong nangunot ang noo ko doon. Binalingan ko si Seline na agad namang nangiwi at humalukipkip sa isang tabi.

"Sino? Ikaw?" mariing tanong ko. Hindi siya sumagot at basta lang siyang ngumiti nang hindi tumitingin sa akin. Sa pagkakataong ito alam kong ito ang unang beses na maasar ako sa mga ngiti niya. "Bakit?" takang tanong ko. "Bakit ka magpapalipat?" tanong ko muli kay Seline pero hindi ito sumagot.

Damn it! Is the cat got her tongue?

"Hindi daw siya komportable sa room ninyo."

Nabaling ang tingin ko sa sinabing iyon ng President ng HUMSS 3. Tumango-tango ako at hindi ko na ito pinansin. Doon ko mas piniling katitigan si Seline na nagsimula nang maglalakad pabalik-balik sa hallway bitbit ang bagpack niyang black.

"Woi Seline, bakit ka nga lilipat?"

Pero hindi ito umimik bagkus ay nginitian niya lang ulit ako.

"Tingnan mo ito, tinatanong kita. Huwag kang ngumiti-ngiti d'yan." Napabuntong-hininga ako. Pilit kinakalma ang sarili.

Shit! I'm getting pissed.

"Hindi ka komportable?" Napapamaang na tanong ko. "Kanino? Sa akin?" Hindi ko na napigilang idagdag. Natigilan siya at ganon din ang mga nasa paligid namin pero wala akong pakialam.

"L-Luh siya." Iyon ang unang nasabi ni Seline. Bagay na mas nagpadagdag lang ng inis ko. Sa dami ng pwede niyang bigkasin, bakit iyon pa?

"Alam mo bang ako ang nagpumilit na ilipat ka sa section namin tapos lilipat ka lang?" Pinilit kong pinahinahon ang boses ko.

Moonlight Obscured by Clouds (Kalopsia Series #1)Where stories live. Discover now