Kabanata 8

1.9K 84 102
                                    

Kabanata 8

When waiting for the dawn to come, people are usually accompanied by the moon. It was there whenever you felt lonely or sad. It was there, whatever you were doing in the shades of night. It was always there, even if you couldn't see it in the dark, hiding behind the clouds while waiting for someone to look up. 

It was like how Seline was always there for Phil whenever he was happy, sad, or lonely without him noticing it. Yet he knew that he always admired how beautiful the moon was. But choose not to look until it's gone. Well, people only look for the moon when it's out of sight, because little did we know that we were all born to chase the moon.

Salubong ang kilay ni Phil sa paghihintay sa parking lot ng campo kay Seline. Nakasandal sa kotse habang pinaglalaro sa kaniyang hintuturo ang isang keychain.

Naroon ang kaba sa binata bagamat nasilayan niya ang dalaga kanina na nakabalik ng matiwasay kagaya ng sinabi nito. Ngunit maga-ala-sais na ng hapon ngayon subalit hindi pa rin ito nakalalabas simula nang muling pagpasok sa loob. Hindi mapigilan ni Phil ang pagaalala sa dalaga buhat sa nangyari.

Kanina ay hindi nakinig ang binata sa bilin ni Seline bagkus ay sinundan niya ito at nasaksihan ang nangyari. Sobra-sobrang kaba ang naramdaman niya nang tutukan ng lalaki kanina ang dalaga. Hindi niya gugustuhing mangyari pa ulit iyon pero alam na alam niyang hindi lang iyon ang pinakadelikadong nangyari sa dalaga. Sa isiping iyon ay muli siyang napabuntong-hininga.

"So, that is what she's doing from all these years, " wala sa sariling naibulalas ni Phil.

Masyado okyupado ng babae ang isipan niya dahilan kung bakit hindi na namalayan ng binata na naroon na pala ang dalaga sa tabi niya.

"Yeah, that is what I'm doing, " saad ni Seline. Agad tuloy siyang napabalikwas ng tayo dahil sa gulat at mabilis na itinago ang keychain. Tinawanan siya ng dalaga at bahagyang tinapik ang balikat. "Ikaw siguro, lumaklak ka ng ilang kilong kape. Masyado kang magugulatin, hindi ka naman ganiyan noon." Tinawanan siya muli nito bago pumasok na sa Montero niyang sasakyan na tila pag-a-ari nito iyon. Kaya naman napataas na lang ang kilay niya matapos ay bahagyang natawa, gayunpaman ay sumunod din.

"I don't like coffee, you know that." Alam ni Phil na alam ng dalaga ang lahat ng bagay patungkol sa kaniya. Ultimo family history niya ay alam din nito. He's not being arrogant here but Seline had been chasing him way back their Senior High years and yeah! Its 'had' means past tense.

"Ah, talaga?" Sinadya ni Seline ang saglit na pagkamot ng ulo na ani mo ay nakalimutan nga ang tungkol doon bagamat hindi. "Sorry, I nearly forgot. You see, its been a long time, " dagdag pa niya sabay baling sa dash stereo ng kotse.

Natigilan ang binata sa akmang pagpapatakbo ng kotse dahil sa naging sagot nito. Kunot noong binalingan niya ang dalagang, hindi ito nagabalang mag-seatbelt at mas piniling kalikutin ang stereo niya. Doon ay pinagpalipat-lipat ang music.

"Nearly forgot?" ramdam ang inis sa tono niyang iyon. Doon na humigpit ang hawak ng binata sa steering wheel at saglit na nagumigting ang panga. Saglit pa niyang binaling sa labas ang tingin kung saan may mangilan-ngilang sundalong naglalakad bago muling ibinalik ang tingin sa dalaga. Pero hindi siya pinansin nito at nanatiling abala.

"Ayan gusto ko itong kantang na ito, parang maganda." Tila nasiyahan si Seline nang tumugtog ang kantang hindi pamilyar sa kaniya.

I know you say you know me, know me well
But these days I don't even know myself, no
I always thought I'd be with someone else
I thought I would own the way I felt, yeah

Sinasabayan pa ito ni Seline na para bang nararapat iyong gawin. Kumunot ang noo ni Phil dahil doon. Naiirita siya sa inaasta nitong hindi pagpansin sa kaniya. Phil always gain attention from everyone since the day René Decartes discover the Cartesian plane. Meaning to say even before being born Phil always have everyone attention the reason why he was use to it yet this woman seating next to him is now ignoring the notable Captain Phil Mendez.

Moonlight Obscured by Clouds (Kalopsia Series #1)Where stories live. Discover now