Kabanata 26

241 7 0
                                    

Kabanata 26

Nagising na lang si Seline na gabi nang ikalawang araw niya sa bahay ni Phil. Kahapon ay mukhang ninais ni Phil na lumpuhin at patayin siya sa kaka-release. Naubos yata ang lahat ng egg cells niya at mukhang wala nang matitira para sa pagreregla niya sa susunod na buwan.

Hindi makapaniwalang bumangon si Seline sa kama hawak ang dibdib na punong-puno ng kiss mark at kagat dulot ng panggigigil. Halos inabot sila ng madaling araw kanina. Kung hindi pa siya nakatulog sa sobrang pagod ay hindi pa yata siya titigilan ng binata. Doon na napapikit si Seline bago muling inalala kung paanong nagtalik silang dalawa ni Phil nang hindi kumakain sa kabilat-kanang sulok ng bahay. Naroong ginawa nila iyon sa may sofa, harap ng bagong kabinet, ibabaw ng lamesa, hagdan, rest room pabalik ng kwarto. Para silang nag-acrobatics dalawa.

Doon na napamulat si Seline at binalingan ang katawang mamula-mula pa sa mahihigpit na hawak, haplos at walang sawang halik.

This time ay napapikit na nang mas mariin si Seline.

"Tatalab pa kaya ang pills nito?" Iyon ang tanong na talagang naglaro sa utak niya pagkagising na pagkagising. Nang muling magmulat ay nakagat niya ang sariling labi. "Paniguradong nakangiwi't naka-cross arm na sa akin ang guardian angel ko sa tanong kong 'yon!" Doon na napataklob ng mukha si Seline. "Naman! Paano pa tatalab ang pills nito? Dapat ba damihan ko na ang paginom?"

Sa likod ng paghihisterikal ay itinatago ni Seline ang takot na kaniyang nararamdaman. Takot siyang mabuntis ng binata at hindi muli panagutan. Takot siyang muling maranasan ang pangiiwan ni Phil sa ere. Ngunit higit sa lahat mas takot si Seline na muling mamatayan ng anak dala ng kaniyang kairesponsablehan.

Doon na napasimangot si Seline at tinanggal ang kumot sa pagkakatabing. Seline was about to speak again to herself when someone called out her name.

"Seline, are you awake?" Boses iyon ni Phil mula sa labas ng kwarto. Pipikit naman na sana si Seline at magpapanggap na tulog nang agad na magbukas ang pinto at nakita na siyang gising ni Phil. "Good evening my Theia!" masayang-masayang bati nito bago siya lapitan at halikan sa noo. Tila ba energetic ang binata ngayon, para bang hindi man lang napagod. "Alam kong gutom ka, bangon na. Nag-order ako ng food," saad nito habang inaayos ang mga tumatabing niyang buhok. Naupo pa ito sa kinahihigaan niya. Ngunit may isang bagay si Seline na ipinagtataka.

"A-Anong meron? Bakit naka-suit ka?" Ayos na ayos ang binata na para bang may pupuntahan. Doon na napakamot si Phil.

"Syempre may-date tayo, dapat formal, " nakangiting pahayag nito.

"Date?" Tumango-tango si Phil.

"I brought you dress, take your time. I'll wait for you down stair." After that Phil stole a deep kiss. It was quick yet wake Seline soul. "Hmm, lasang laway." Sa komentong iyon ay nabato na ni Seline ng unang ang binata ngunit mabilis itong nakalayo't nakatakbo sa may pinto.

"Phil Mendez!"

"Yes, my Theia, I will wait!" At doo'y lumabas na ang binata.

"Ang isang 'yon-"

Natigilan si Seline sa sasabihin nang maalala ang sinabi ng binata sa kaniya. Doon na nagsulubong ang kilay niya.

"Date? Bakit?" Sa puntong iyon ay nabaling na ang paningin ni Seline sa dress na nakapatong sa may side table. Doon na siya nagpasyang tumayo para tingnan ito but then all she could do was to shout Phil's name as soon as she saw the dress he meant. "Phil Mendez!" Halos pumailanlang ang sigaw niyang iyon sa buong bahay. Sino ba naman ang hindi mapapasigaw kung bigyan nga ng maisusuot pero black transparent lingerie erotic dress naman ang ibigay sa'yo. "You pervert!"

Moonlight Obscured by Clouds (Kalopsia Series #1)Where stories live. Discover now