Kabanata 7

2K 91 119
                                    

Kabanata 7

According to K. Tolnoe, "Be the moon and inspired people, even when you're far from full." And that quotation never leave Seline's mind for the past 10 years. Those words become her foundation of strength to full herself and be the woman who she is right now. A woman who inspired her co-soldier to serve people and their country with all their heart.

Pasipol-sipol si Seline na lumabas ng campo suot ang unipormeng ilang buwan niya ring hindi susuotin. Naaprobahan na ang leave niya. Sa ilang taon niya rin naman kasi sa serbisyo ay hindi siya nag-leave at ito ang kauna-unahan. Kaya naman madali lang itong naaprobahan.

May ilang sundalo siyang nakasalubong na agad naman nagbigay galang sa kaniya. Mukhang mga trainee palang ang mga ito. Gayunpaman ay hindi maipagkakailang magaganda ang pagkakahubog ng katawan ng mga binatilyong ito na sa palagay niya ay mas matanda siya ng ilang taon.

"Magsipag kayo, aasahan ko sa pagbalik ko ay kasama kayo sa mga pararangalan," may awtoridad man sa boses ay mababakas ang pagkagiliw sa kanya.

"Yes Ma'am!" Nakangiting sabay na sagot ng mga ito.

Hindi talaga maaalis sa kaniya ang kagiliwan ang mga nakababatang nagta-training. Nakikita niya kasi ang sarili niya sa mga ito noong mga panahong nagsisimula pa lamang siya.

"Sige na, magingat kayo." Payak siyang ngumiti. "Walang mamamatay sa laban." Tinapik niya pa ito isa-isa bago talikuran.

Narinig ni Seline ang sari-saring papuri ng mga ito sa kaniya. Kesehodang maganda siya at mabait, nasanay na siya. Bagamat istrikta sa trabaho, nakukuha pa rin naman ng dalagang makipagbiruan kahit papaano.

"I didn't know that being a 1st Lieutenant is having a privilege of flirting." Malalim ang boses ng umimik na talagang nagpataas sa kaniyang balahibo.

Nang lingunin iyon ng dalaga ay laking gulat niya nang mamataan si Phil na nakasandal sa isang pulang Montero. Nakasuot ito ng isang simpleng t-shirt na may nakasulat na 'Keep Calm as I Fuck You' na tinernuhan ng black pans. Kapansin-pansin ang salubong nitong kilay but despite of it he look so oozing hot, right there.

Nakakapanuyo ng dugo.

"W-What are you doing here?"

Fuck Seline! Bakit nauutal ka na naman?

Ngali-ngali niyang bulyawan ang sarili dahil sa katangahan.

"Sinusundo ko iyong girlfriend ko, may problema ka doon?" Salubong pa rin ang kilay nito at bakas na bakas ang lamig sa bawat salitang binitawan. Bahagya niyang binasa ang labi bago lapitan ang binata. Hindi na nuya itatangging kinakabahan siya.

"Ah!" Tumango-tango pa siya bago pilit na ngumiti. "Wala naman," dugtong pa niya.

Nang tuluyan siyang makalapit dito ay bahagya niyang tinisod-tisod ang bato sa lupa. Kinakabahan talaga kasi si Seline, totoo iyon. Matapos ang ginawa niya dito kahapon ay ngayon lang siya tinablan ng kaba.

Fuck you Seline!

"Anong meron sa inyo ng mga sundalong 'yon?" Sa tanong na iyon ni Phil ay agad na nagangat ng tingin si Seline. "Mga lalaki mo ba iyon?" Doon na nagsalubong ang kilay niya. "Don't tell me, naikama ka ng mga-"

Hindi na nito natapos pa ang sasabihin ng lumapat sa mukha nito ang palad ni Seline.

"What the hell are you talking about? Anong tingin mo sa akin, kaladkarin?" bulyaw niya dito. Wala na siyang pakialam kung nakakakuha siya ng atensyon sa iilang katrabaho doon.

Moonlight Obscured by Clouds (Kalopsia Series #1)Where stories live. Discover now