Kabanata 32

1.3K 65 24
                                    

Kabanata 32

It was D-day, ang araw kung kailan ang engagement party ni Phil. Kahapon, linggo ay ang usapan nilang magkikita pero dahil sobrang busy nito ay ni-hi ni-ho ay wala siyang na-recieve sa binata.

Gayunpaman kanina nang magising ay nakarecieve si Seline ng message mula kay Phil na ngayon ang araw na siya ipapakilala nito bilang girlfriend sa bahay ng magulang. Kaya naman umaga pa lang ay nagkita na sila upang maplano na nila ang gagawin. Napakasimple lang naman niyon. Ang kailangan lang ay pumunta siya doon at magpakilala bilang longtime girlfriend ni Phil. Propesyonal at casual namang tinanggap ni Seline ang plano bagamat gustong magtaka.

Bakit hindi na lang si Alison ang iharap niya bilang longtime girlfriend 'di ba? Talagang nagaksaya pa siya ng pera para lang sa serbisyo ko? Ano ba talagang gusto ng isang ito?

Kung hindi lang sana siya magtotonong bitter ay talagang nagtanong na siya. Ngunit ayaw niyang mahalata ng binata na affected siya lalo at kalat ngayon sa balita ang pictures ng dalawa.

"Be yourself Theia, iyon lang okay ba?" Tumango si Seline bilang sagot at doon na sila natahimik. Kanina pa kasi siyang tango lang ng tango sa bawat sabihin ni Phil. Mukhang napansin naman na iyon ng binata. "Ayus ka lang ba?"

"Ha?" Saglit na humigop ng milktea niya ang dalaga bago nakangiting binalingan ang katabi. "Ayos lang ako, ikaw ba kamusta ka?" casual na tanong niya.

Doon na nangunot ang noo ni Phil.

"Ayos lang din—teka nga, bakit parang ang casual mong kausap ngayon?"

"Dapat ba pormal ako?" Hindi na napigilan ni Seline ang maging sarkastiko. Ngayon na lang ulit sila nagkita pero parang may nagbago.

"Hindi iyon ang ibig kong sabihin. Para kasing wala ka sa sarili mo. Nakakatampo lang kasi ilang araw tayong hindi nagkita tapos ganyan ka makitungo sa akin. Hindi mo na nga ako binisita tapos ganito ka pa." nakangusong sumbat niya.

Sa puntong iyon ay natigilan si Seline. Gustong magsalubong ng kilay niya sa narinig at bulyawan ang binata. Ngunit ano bang karapatan niya dito, kontrata lang naman sila. Nakakagalit lang kasi ang lakas nitong magtampo gayong halos tampulan ng media ngayon ang mukha nila ni Alison na tatlong beses nakitang kumakain ng magkasama sa hospital at Airline. Ni hindi man lamang nito naisip na magpaliwanag sa kaniya tapos ay lakas ng loob na magdemand.

Sasagutin niya na sana ni Seline ang sinabi ni Phil nang mag-ring ang phone niya. Naroon sila sa mall at nag-mi-milk tea. Agad niya iyong sinagot ng makitang si Christian ang tumatawag.

"Yes Kuya?" malawak ang ngiti niya at tila masayang-masaya. Automatiko na yata iyon sa kaniya kapag ang kuya niya ang kausap.

"Bunso, asan ka?" bahagya siyang napanguso sa tanong na iyon ni Christian.

"Nasa mall ako Kuya. Kasama ko si Phil." Binalingan niya ng tingin ang binata at nginitian ito. Pero hayun na naman ito at salubong na naman ang kilay ng binata. Kapag ito hindi tumigil sa kaka-react ng ganon. Iisipin niya na talagang may himala na at may gusto na ito sa kaniya.

Asa pa!

"Sabi ko na, kayo iyong nakita ko kanina. Nandito rin ako sa mall, wait me there." Matapos iyon ay naputol na agad ang tawag.

"What Kuya? Hello?" Napabuntong hininga na lang siya at natatawang napailing.

"Sino 'yon?" biglang tanong ni Phil na parang naiinis na talaga.

"Si Kuya Christian, nandito daw siya pupuntahan niya daw tayo." Pagkasabi niya niyon ay bigla nang tumayo si Phil.

"Let's go Seline. Ayoko na dito, lipat tayo ng place napakapangit ng lasa ng milk tea nila," walang habas na sinabi iyon ni Phil. Bahagya siyang napamulagat dahil doon.

Moonlight Obscured by Clouds (Kalopsia Series #1)Where stories live. Discover now