Kabanata 33

202 5 0
                                    

Kabanata 33

Kinakabahan man ay tumuloy pa rin si Seline sa usapan nila. Nagsuot ang dalaga ng linen jumpsuit na pinatungan niya ng trench coat. Simpleng make up at nag-heel boots para kahit papaano ay tumangkad-tangkad naman.

Binigay ni Phil ang address ng bahay nila. Mukhang nabwiset talaga ito sa kaniya kanina kaya maging ang pagsundo ay hindi na ito nagabala. Wala naman iyong kaso, hindi naman siya tagilid kung magisip lalo na't wala naman talagang sila. Kontrata lang ang lahat.

Agad siyang nag-doorbell dala ang cake na bi-nake pa ng mama niya nang makarating sa pupuntahan. Kahit naman dismayado ang ina niya sa nangyaring pag-cancel ng engagement party ay nariyan pa rin ang nanay niya. Pumayag ang ina niyang ikansela na ang engagement, subalit may kundisyon. Kailangan daw bukas na bukas ay dalhin niya sa bahay nila ang boyfriend na tinutukoy niya. Pati nga ang ama niya ay napagbalingan ng inis gayunpaman ay maagap naman itong naresulba.

Napapikit na lang siya nang maalala ang pagbulyaw sa kaniya ng sariling ina. Huminga siya ng malalim bago ipinilig ang ulo para tigilan na muna ang pagiisip. Sakto namang bumukas ang pinto at bumungad sa kaniya ang isang katulong.

"Sino po kayo?" May edad na ito at mukhang masayahin. Nakangiti lang kasi ito sa kaniya.

"Ah, girlfriend po ako ni Phil. Nandyan po ba siya?" Hindi sanay si Seline na sabihin iyon pero hindi niya maitatanggi sa sarili na masaya siya. Isa sa mga pangarap niya dati ang ipakilala ang sarili bilang girlfriend ng lalaking bumihag ng puso niya.

"Teka? Girlfriend ba ka mo? Si Phil, may girlfriend? Ang batang iyon talaga, siya hija tuloy ka." Nakangiti siyang sumunod dito papasok. Hindi kagaya ng pinagawa nitong bahay, medyo maliit lang ito pero maganda talaga at malinis. Walang ikalawang palapag pero malawak.

"Girlfriend ka talaga ni Phil, hija?" tanong muli nito awkward na napatango siya. "Siya maupo ka muna dyan, tatawagin ko lang ang batang 'yon." Naupo nga siya sa sofa kagaya ng saad nito. "Phil hijo, andito ang girlfriend mo!" natigilan siya nang isigaw iyon ng Ginang. Automatiko namang bumukas ang pintuan sa kaliwang gilid at lumabas doon si Phil na naka-boxer lang at walang pang itaas.

Agad na nagtama ang mga mata nila at halos matuyuan siya ng laway sa paraan nito ng pagtitig sa kaniya. Doon niya napagmasdan ang katawan ng binata na may nagtutuluang tubig mula sa medyo basa nitong buhok. Mukhang kaliligo lang.

Fuck! Seline alam mong masarap, pero 'wag ngayon, please.

"Follow me, " utos nito sa kaniya bago pumasok muli sa kwarto.

Wala naman siyang nagawa kung hindi sundin ito. Dala ang shoulder bag ay pumasok siya sa kwarto ng binata. Subalit halos ikinagulat niya nang walang pasabing sinandig siya ni Phil sa likod ng pinto at nilamutak ng halik ang labi habang ang kamay nito ay minasahe na ang kaniyang dibdib. Agad naman siyang nakabawi sa pagkabigla at tinugon ang halik. Sa puntong iyon ay parang nawala si Seline sa katinuan. Gusto ng dalaga na mas maramdaman pa ang binata. Sobra niya itong na-miss.

Ikinawit niya sa binata ang braso bilang tanda ng pagpayag. Hindi naman akalain ni Seline na bubuhatin siya nito. Kaya naman pinalibot niya ang hita sa bewang ng binata. Naramdaman niya ang erection ni Phil kaya naman lalo niyang idinikit ang sarili sa binata at bahagya pang gumiling. Kakaibang pakiramdam ang lumulukod sa kaniya. Nadadarang.

Inihiga siya nito sa kama at akma na sana siyang huhubaran nang biglang may kumatok.

"Phil anak, sinabi ni Manang nandito daw ang girlfriend mo. Nandyan ba siya?" Pareho silang natigilan sa kapusukan dahil sa biglang narinig. Bakas kay Phil ang iritasyon nang bigla itong umalis sa ibabaw niya at magtungo sa kabinet para kumuha ng damit. Habang siya ay nakahiga pa rin sa kama.

Moonlight Obscured by Clouds (Kalopsia Series #1)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt