Kabanata 69

107 3 0
                                    

Kabanata 69

After Class
August 17 2019

Ngayong araw kasabay ko si Seline sa paglalakad pauwi. Mukhang iniwan na kasi siya ng tatlong kaibigan niya.
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Medyo ang awkward kasi namin. Iyong tipong alam ko na may feelings siya para sa akin pero iyon nga, siya itong sige tago pa din. Gayunpaman alam ko sa sarili ko na sa ngayon ay mas okay lang ang ganito. Kaysa naman umamin siya, masyado pa siyang bata. At ayokong pumasok sa isang relasyong makakasira lang ng pagkakaibigan namin. However, I sometimes though how long will this last? Hanggang saan aabot ang pagkagusto niya sa akin? Bukas kaya gusto niya pa rin ako o hindi na? And I think, I'm curious.

"Iniwan ka na nila," paninimula ko. Bahagya pa akong napalunok pero hindi ko iyon pinahalata sa kaniya. Awkward siyang napangiti sa akin at sinulyapan ang tatlong kaibigang nauna na sa paglalakad.

Bahagya pa siyang natawa kalaunan.

"Mukhang ganon na nga." Nilingon niya ako at bahagya pa siyang napapatingala kasi masyado akong matangkad kaysa sa kaniya. Hindi ko napigilang mangiti dahil doon. Ang cute niya, para siyang si Danna. Kapatid ko.

Napansin kong nabaling ang tingin niya sa key chain na nakasabit sa ID. Mas lumawak ang pagkakangiti nito. Pasimple tuloy akong napangiti din. Nakakahawa kasi talaga ang mga ngiti niya bukod doon ay napaka-visible niyang tao, ang dali niyang basahin. She is like an open book. Easy to interpret, easy to read.

Nang mapansin kong napapatagal na ang pagkakatitig niya sa akin na mukhang hindi naman niya napansin ay tuluyan na akong nakaramdam ng pagkailang. Huminga ako ng malalim upang pigilan ang sarili.

Grabe 'tong babaeng 'to.

Saglit akong tumikhim bago inayos ang sarili.

Kalma Phil!

Ngunit nang mapansin ko ang isang humaharurot na motor na papalapit ay agad akong nag-panic.

Moonlight Obscured by Clouds (Kalopsia Series #1)Where stories live. Discover now