Chapter 22

3.5K 74 0
                                    

Someone's POV

"Sigurado ba kayo na gagawin niyong dalawa 'to? Ang babata niyo pa. Baka pagalitan kayo ng mga nanay at tatay ninyo," sabi ko sa dalawang batang nakita ko sa parking lot. They said na gusto nila akong tulungan at gusto rin nilang alamin kung saan nagtatago ang mga kalaban ko dahil kalaban daw din ng mga Daddy nila iyon. Hindi ko kilala kung sino ang mga tatay nila but I'm pretty sure na nasa matataas na ranggo ang mga iyon. Look at their kids, wala silang kinatatakutan. Mukhang nasa anim na taong gulang pa ang mga 'to.

"Uhuh," sagot ng isang batang lalaki na may hawak na kuting. Walang bakas na takot sa mukha, mukhang sanay na sanay na.

"Anong gagawin ninyo?" tanong ko muli sa kanilang dalawa.

Inangat ng isa ang kanyang ulo. Napaatras pa ako kaunti dahil kamukhang-kamukha niya si Vandeon Santford. Ka anu-ano kaya nito ni Vandeon? Anak niya kaya? Kung oo, walang duda na nagmana sa kanya ang batang 'to. We're both buddies back then, nagkalimutan lang nu'ng may nangyari sa pamilya niya and after that, he became a monster in a business world. Wala na rin akong balita sa kanya. Sinusubukan ko rin naman siyang kausapin kaso nga lang ay masyado na siyang mailap ngayon.

"You stare too much, may problema po ba?" nagtatakang tanong niya dahilan nang pag iwas ko agad ng tingin. He's cold.

"Sigurado akong hahanapin kami ni Mommy, kaya't kung may babae na pumunta rito at hahabulin ang sasakyan na 'yon, kindly drag my Mom and don't let her chase that car? She's still weak and can't fight back yet. She's tired."

Is he for real?

"She's pretty and tall, Mister, she's stubborn too," dugtong ng isa. Mapipigilan ko ba ang babaeng iyon kung sakali?

"We will help you get your money back, in exchange? Help me stop my Mom."

"Sigurado ba kayo rito? Baka kapag may mangyari sainyo tapos nakita ako, baka ipakulong ako,"

"Yeah! Ipapakulong ka talaga, Mister, but we won't let that happen to you as long as you obey us."

Anong klaseng mga bata itong kausap ko?

"Mukhang weak naman 'yung mga guys kanina. Malalaki lang talaga ang mga katawan nila. Uhaw na uhaw din sila sa pera, kapag sinabi naming bibigyan sila ng pera ng magulang namin, siguradong iiyak iyon at magni-ningning pa ang mata. We are not just a kid, we have our own money but we don't usually spend it because it's for the future, we can pay them too if we want too. We will let them kidnap us and its showtime! What do you think, Vandish?

"Kinda odd, but I think it will work. We will stick to that plan, then." walang pilyong sagot naman ng isa.

Ako naman ay naka-bukas ang bibig at tulala sa dalawang batang nasa harapan ko. Wala na akong masabi, mukhang ako pa ang bata sa aming tatlo, ang tatalino ng mga batang ito.

"How about you, Mister?"

"A-Ah...pwede, pwede," pasensya na, wala na talaga akong masabi. Gusto ko na lamang manahimik.

"We will get your money, Mister, don't worry. 5Million lang naman hindi ba 'yon?"

"W-WHAT? Nila-LANG niyo lang ang 5M?"

"Opo!"

Shuta 'tong mga batang 'to, hindi nga ordinaryong bata ito. Sobrang yaman siguro ng dalawang 'to. Ayoko na talaga mag salita, gusto ko lang maibalik sa akin ang pinaghirapan kong pera. Hindi naman kasi ako mayaman, pinaguran ko ang pera na 'yun tapos mawawala lang sa akin ng ganu'n ka dali? Like what the fvck. 

"Ayos na! Tara, Peyton, kunwari nawawala tayo tapos huhulihin nila tayo, hindi naman kaawa-awa ang mukha natin ngayon hindi ba?"

"Para kang si Tito Vandeon, Vand! Thumbs up!"

BS03: Hidden Son Of Mr. SantfordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon