Chapter 32

2.5K 64 1
                                    

Almika's POV

"How is he?"

"Nagamot ko na lahat ang mga sugat niya. Kailangan lang siyang bantayan ng maigi, knowing na si Vandeon Santford 'yan. Wala 'yang pakialam sa mundo. Baka bigla na lang 'yang tatayo at aalis." paalala sa akin ni Doctor Alisha. Napasinghap naman ako at napatango sa sinabi niya. Kahit labag man sa loob ko, tutulungan ko muna ngayon si Vandeon ngayon. Nakakaawa kasi talaga ang mukha niya. Punyetang Vandeon. Ano ba kasi ang ginawa niya dun?

"Thank you so much,"

"No problem, Almika. Sige aalis na ako, may pupuntahan pa kasi akong party mamaya." Kumaway siya sa akin. Ganu'n din naman ang ginawa ko.

Nang mawala na siya sa paningin ko. Napabuntong hininga ako sabay tingin sa kwartong pinapahingahan ngayon ni Vandeon, which is ang kwarto ko. Hindi pa kasi tapos 'yung mga guest rooms namin tsaka hindi siya kasya sa kama ni Vandish kayat no choice ako kundi sa kwarto ko na lang.

Humakbang ako papalit sa kanya. Nakakaawa talaga ang kalagayan niya ngayon. Wala akong ideya kung anong rason niya bakit siya nagpabugbog kay Penelope. Ang dami niya tuloy nakuhang pasa mula sa babaeng iyon, muntik na siyang mamatay tapos hindi man lang pumalag. Gusto niya na atang mamatay eh, ako na lang tatapos. Kakaloka.

"Ang tanga mo talaga eh ano? Akala ko ba demonyo ka ah? Bakit mo hinayaan ang bruhang iyon na bugbugin ka? Gusto mo ba talagang magpakamatay?" umirap ako sa harapan niya. Hindi niya naman siguro ako maririnig dahil ang himbing ng tulog niya. Halos hindi ko na siya mamukhaan pero bakit... bakit bagay sa kanya ang mga pasa at sugat na natamo niya? Para siyang badboy sa tv. 'Yung mga gwapong badboys.

"Kung gusto mong magpakamatay huwag kang mahiyang magsabi sa akin. Willing naman akong saksakin ka," gigil na gigil talaga ako sa kanya. Nag-aalala rin ako sa putanginang Vandeon na 'to. Hindi ko maipaliwanag ang sariling nararamdaman. Halong-halong emosyon ang nararandaman ko ngayon. Nagagalit at nag-aalala ako sa kanya. Bakit ang tanga naman kasi.

"Ang sarap mong sakalin sa totoo lang. Kayang-kaya mo nga akong sampalin ng baril tapos 'yung babaeng iyon hindi mo man lang kayang pigilan? Are you even a man?! Favoritism ka ano?" gusto ko siyang suntukin. Nanggigil talaga ako sa mukha niyang puno ng pasa.

"Mabuti na lang talaga nakita ka namin ni Vandish duon. Kundi patay ka na ngayon. Alam mo bang pinag-alala mo si Vandish, muntik nang maging demonyo iyon gaya mo, jusko kayo ah. Huwag naman sanang manahin ni Vandish ang katangahan mo." Lumapit ako sa kama niya. Dahan-dahan kong hinawi ang bangs niya. Gusto ko kasing tingnan ang buong mukha niya kahit may mga pasa. He's still good-looking. Saan kaya pinaglihi ang lalaking 'to?

"Sa susunod, huwag ka nang gumawa ng mga desisyong sa huli ay magsisisi ka. Kung alam mong worth it ang desisyon mo, why not? But, think wisely, Vandeon. Alam kong tanga ka minsan pero matalino ka naman."

Para akong tanga dito na kinakausap ang natutulog na diwa ni Vandeon. Baka magising 'to mamaya at sakalin ako. Subukan niya lang, uupakan ko talaga ang mukha niyang may mga pasa. Akala niya siguro magpapatalo ako. Pero, sa totoo lang, mahina parin ako ngayon. Hindi ko parin yata kayang labanan si Vandeon. Hindi niya na nga kinukuha si Vandish sa halip ay iniistorbo niya ako. Pasulpot-sulpot parang kabute. Ewan ko kung paano siya nakapasok sa pamamahay ko. May secret passage kaya rito?

"Ang panget mo na ngayon,"

"Magpagaling ka muna tsaka tayo mag-usap." Dahan-dahan akong tumayo. "Stay and don't fvcking move habang wala ako. Kahit labag sa loob ko na gawin 'to ay kailangan. Ako muna ang mag-aalala sa'yo total wala na akong balak makipagkita kay Penelope, that wretch."

Inayos ko ang kumot niya tsaka ako nagpasya na lumabas na. Hindi niya naman maririnig 'yung mga sinabi ko dahil ang sarap ng tulog ng gago. Mukhang pagod na pagod talaga siya, kailangan niya munang magpahinga sa ngayon. Kapag magaling na siya, papalayasin ko na, kidding. May sarili naman siguro siyang bahay.

BS03: Hidden Son Of Mr. SantfordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon