Chapter 6

14.2K 452 7
                                    

Nalaglag ang cellphone mula sa kamay ko at kusa nang namatay ang tawag. Nakatulala ako sa kawalan, hindi alam ang gagawin, hawak na ni Vandeon ang mga kaibigan ko ngayon, paano ko sila ililigtas kung pati sarili namin ay hindi ko maliligtas? How can I fight back? Paano ako lalaban na ako lang?

Tiningnan ko ang anak ko. Hinaplos ko ang kanyang buhok. Kung sakaling magpapakita ako kay Vandeon, hindi ko pwedeng isama ang anak ko, mapapahamak siya nang dahil sa akin. Itataya ko na lamang ang sarili ko kaysa masangkot pa ang anak ko.

Bumuntonghininga ako kasabay nito ang pag tunog ng cellphone ko. Agad kong pinulot ang cellphone 'saka walang lingon-lingong tiningnan ang caller.

"Don't you dare try to escape again, Almika, marami akong mata kahit saan. Kung ayaw mong mamatay itong mga kaibigan mo sabihin mo sa'kin kung nasaan kayo."

"Kapal din ng mukha mo 'noh? Ako lang ang harapin mo 'wag mong idamay ang anak ko!" galit na sagot ko sa kanya.

"Show yourself then! Don't make me wait!" galit na sigaw niya at pinatayan ako ng tawag. Nanginginig ko namang nilagay sa loob ng bag ko ang cellphone ko. Kinalong ko si Vandish 'saka kami lumabas ng eskinita. He's still sleeping right now, tila ayaw niyang masaksihan ang mundong kinagagalawan niya. Patawad anak kung ganu'n ang Daddy mo, hindi naman ganito noon. Masaya naman ang pagsasama namin.

Pumara ako ng taxi pagkatapos ay binuksan ko 'yung folder ni Ma'am Ladeo, at 'yung address niya ang binigay ko sa driver. Hindi naman kalayuan 'yung bahay niya kaya't agad kaming nakarating. Bumungad sa akin ang napakalaking mansyon, pinalilibutan ito ngayon ng maraming sasakyan. Mukhang may maraming bisita si Riley ah. Baka nakakaistorbo ako, but I need her help, siya na lang ang taong kilala ko ngayon kahit hindi pa man gaano katagal. Ang plano ko lang naman ay iiwanan muna si Vandish dito at magpapakita ako kay Vandeon, sana maniwala na siya sa akin at sana 'wag niyang ibigay sa maling tao ang anak ko.

Lumapit ako ng gate. Akma na sana akong mag do-doorbell nang biglang may lumabas na dalawang lalaki, hindi ko inaasahan ang isang tao. Nagtatawanan sila habang palabas ngunit natigil din nang mapansin nila ako.

"Almika? Fvck it's really you. What are you doing here?" gulat na tanong ni Kace, yeah its him. Sa sobrang galak ko ay agad akong napayapos sa kanya hindi alintana na may anak akong dala. Pero agad din akong kumalas nang marinig ang daing ni Vandish.

"It's a long story, Kace, I need your help, please!" kumunot ang noo ng kasama ni Kace at mukhang tatanong pa sana ito pero pinigilan ni Kace gamit ang kamay niya. Lumapit siya sa akin at hinila ako papasok sa mansyon.

"You can go first, Evad, may pag-uusapan muna kami. Pupunta ako!" sabi niya sa kaibigan niya 'saka binaling sa akin ang tingin. Binuksan niya ang malaking pinto ng mansyon, tumambad sa akin ang malaking chandelier na nakasabit sa ere, sobrang linis at linaw ng mansyon, madami ring mga katulong na may kani-kaniyang ginagawa, may iilan pang mga gwardiyang nakapalibot sa paligid.

Tinungo namin ni Kace ang isang kwarto. Habang patungo kami roon madami ngang mga tao sa mansyon, puro naka business attire, may dala dala pang mga case. Kaya pala ang aga ni Ma'am Ladeo na umalis kanina. Nang tuluyan na kaming nakapasok, nilapag ko ng dahan dahan si Vandish sa kama 'saka ko kinumutan. Hinalikan ko ito sa pisnge at noo bago ako tumingin kay Kace na ngayong nakakunot noo na.

"Tell me everything." seryosong sabi niya 'saka dahan-dahang umupo sa sofa. Sinandal niya ang mga braso sa likuran.

"Si Vandeon, he's here and he saw us earlier, nakita niya rin ang mukha ni Vandish, baka isipin niyang anak niya si Vandish since magka-mukha silang dalawa," paliwanag ko. Hindi man lang siya natinag sa paliwanag ko kayat nagpatuloy ako.

BS03: Hidden Son Of Mr. SantfordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon