Chapter 38

9.7K 256 17
                                    

Almika's POV

Nakatulala ako ngayon sa kawalan. Hindi alintana ang ulan na tumatama sa mukha ko ganun din ang tahimik na kapaligiran. Mag-isa lamang ako ngayon, wala ng mga tao. Tanginang Vandeon 'yon. Pagkatapos ko siyang alagaan, pinakain iniwan kaagad ako. Tapos nabalitaan ko na lang na ikakasal na pala siya. Ano ba kasi talaga ang gusto niyang mangyari, bakit niya kami dinadamay sa kahibangan niya.

Tangina talaga.

Nagpakawala ako ng malalim na hininga. Hanggang ngayon ay masakit parin, hindi ko akalaing mai-in love din pala ako kay Vandeon. Sa taong manloloko pa. Bakit ang unfair? 'Yung feeling na kapag 'yung taong gusto mo ay may ginawang mali tsaka naman lalabas ang totoong nararamdaman mo. Gaya na lamang sa balitang narinig ko mula kina Riley, kung hindi nila sinabi 'yon, masasaktan kaya ako ngayon? Malalaman ko ba ngayon ang totoong nararamdaman ko? Bakit...

"Its late, but you are still here, what's wrong?" malamig na tanong ng isang lalaki. Mapakla akong ngumiti, tumingala muli ako sa kalangitan. Mas lalong lumalakas ang ulan.

"Almika, what's wrong with you? Get up! Ihahatid na kita, kanina ka pa hinahanap ng anak mo," matigas na saad muli ni Skie. Sana nga Skie ikaw na lang ang ama ni Vandish, sana ikaw na lang 'yung nakilala ko noon.

"I'm tired. I don't want to fight anymore." Hinarap ko siya. Isang butil ng luha ang tumulo galing sa mga mata ko. Walang emosyon ang kanyang mukha, naka kunot pa ang noo niya.

"Hindi ka pa nga lumalaban, pagod kana agad? Get up, Almika! If you're tired, then, let me fight for you! Don't feel so down okay? Everything's gonna be okay."

"No. Never." Dahan-dahan akong tumayo. Kahit kailan hindi magiging okay ang lahat.

"I know you're strong enough to fight in this battle, Almika. Huwag mong isipin ang mga taong sakit lang ang dulot sa'yo. I can be your shield, I can be your man, your hero just don't give up. I'm just here, I won't leave you without winning this game."

"What if I lose? Mananatili ka parin ba?" lakas loob kong tanong. He sighed, then come closer to me, hinawakan niya ang pisnge ko. Hinaplos niya rin ang buhok ko. Hindi ko mapigilang hindi humikbi, bawat kilos niya ay nararamdaman ko si Vandeon, sobrang sakit.

"If you let me stay by your side, I will and never leave you." Tumingala ako sa kanya. Sobrang seryoso ng mukha niya, walang halong biro ang mga mata niya. Sana nga mananatili ka sa tabi ko lagi, Skie, dahil pagod na pagod na ako.

"I'm not afraid of him, kung gusto kitang kunin mula sa kanya, gagawin ko."

Tumawa ako ng mahina. Alam kong hindi siya nagbibiro, sobrang seryoso ng mukha niya pero ayaw kong tanggapin. May anak na ako at kadug9 niya si Vandeon. Marami pa siyang makikilala na mga babae diyan na karapat-dapat sa kanya, huwag ako.

"Dala mo ba ang sasakyan mo?" Inayos ko ang aking sarili. Tumayo at pinunasan ang mukha.

"Yes. Lets go?"

Tumango ako at sumakay na sa kanyang sasakyan. Pagod na pagod ako ngayon, gusto ko munang magpahinga kahit saglit lang. Hindi muna ako dadalaw kina Riley dahil masama ang pakiramdam ko.

Sa huli ay iba parin pala ang pipiliin niya. I understand that, wala naman akong karapatan dahil hindi naman siya akin. Fvck it! Saktan mo pa ang sarili mo, Almika.

***

Kiefer's POV

"Will you please calm down, Vandeon! Pag-uusapan natin ang tungkol diyan sa mga pasa mo!" galit na untag ni Kace kay Vandeon na ngayong basag na ang mukha. I pity my friend, nakakaawa ang mukha niya ngayon, puro sugat ang mukha at katawan niya. Punit-punit din ang damit niya. Tss, what a mess. Kakagaling niya pa nga lang mula sa bugbog ni Penelope may sumunod na naman. 'ngina, ang tigas ng bungo ng lalaking 'to ah. Parang hindi man lang tinablan ng sakit. Buhay na buhay parin at gusto pang maghanap ng gulo.

BS03: Hidden Son Of Mr. SantfordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon