Sleep

303 1 0
                                    

Almika's POV

"Is this your house?" manghang tanong ko sa kanya habang nasa malaking bahay ang aking atensyon. Napapaligiran ng mga kahoy ang malaking bahay ni Vandeon. Sobrang laki at halos transparent lahat ang mga bintana. Kitang-kita mula rito ang magandang view sa labas na may maliit na sapa.

Hindi pa gaanong detalyado talaga ang bahay pero sobrang ganda niya na. Wala pang pintura. Plain palang ito ngayon pero halatang matagal nang pinagplanuhan ang bahay. Well, para naman ito sa magiging pamilya niya. How did he build this house? Nag-aaral pa naman siya. Ganun ba talaga kayaman ang pamilya nila? Sa pagkakaalam ko ay student parin siya at walang trabaho.

"Do you like it?"

"Wow! Ang ganda ng bahay, Vandeon! Ang ganda ng view sa labas! Kitang-kita sa itaas ang pagbagsak ng ulan dahil sa glass window!" hindi maitago ang pagkamangha.

Ngumiti lamang siya at tumango. Lumapit siya sa malaking pintuan ng bahay ay unti-unting binuksan iyon. Bumungad sa amin ang malaking chandelier sa itaas. Silver iyon, pinalilibutan din mga maliliit na lights sa bawat sulok ng kisame. May malaking sala ang bahay, kusina, hapag kainan at elevator?! What the fudge! Is he serious?

"Hindi pa gumagana sa ngayon ang elevator. Inuna ko kasing pinaayos ang bahay kubo sa labas." sabi niya at tinungo ang malawak niyang kusina.

Wala pa gaanong design ang pader pero kompleto na sa gamit ang loob. Kulang nalang ay pintura at disenyo. Halata talagang malaki ang winaldas na pera sa bahay na 'to. Everything is beautiful! It looks like a modern house with 4 floors.

Pinaglandas ko ang aking isang kamay sa kanyang kusina. Malaki ang kanyang ref, parang kabinet ang style non. May sarili ding mga lutuan, halatang pang high-class talaga ang mga gamit. Sa hapag naman ay sampung tao lamang ang kakasya sa hapag kainan. May mga chairs kasi na 10 lang so I assumed na sampung tao lang ang kakasya roon. Is he going to make a big family in this house? Pwede naman. Ang laki kaya ng bahay, paniguradong marami ring mga rooms dito.

"Looks plain right? Hindi ko pa pinakialaman ang mga rooms and design dahil gusto kong ang mapapangasawa ko ang madesisyon non. Bumili lamang ako ng mga kakailangan sa ngayon. Sa kusina, banyo at higaan." nakatitig siya sa akin habang sinasabi iyon. Palihim naman akong napalunok. Handang-handa na talaga magpakasal itong si Vandeon ah. Ang swerte naman ng babaeng mapapangasawa niya. Napaka-perfect niya na kaya. Wala pa nga siyang pamilya may bahay na siya. Saan kapa hindi ba?

Umiwas ng tingin. Umaasa ang aking puso. So, hindi pa tapos ang mga rooms sa ngayon? He wants his wife to design this whole damn place. Kailan naman iyon? Meron naman sigurong naglilinis dito ano?

Hindi pa namin pupwedeng puntahan ang mga rooms dahil hindi pa ayos ang elevator kaya hanggang dito na lang muna sa ibaba ang makikita namin. Lumapit ako sa bago-bagong sofa. May plastic pa iyon pero pwede naman yatang upuan? Umupo nga roon si Vandeon habang nagtitipa sa kanyang cellphone. Nakakunot pa ang noo.

Sino naman kaya ang ka-text niya? Pinapauwi na kaya siya? Medyo dumidilim na kasi, uuwi paba kami?

"Can we stay here? I have spare rooms there. Mahaba kasi ang byahe at mukhang uulan pa yata," binaling niya ang kanyang tingin sa glass window. Kitang-kita roon ang pagdilim ng langit kasabay non ang maliliit na kidlat. Mukang uulan nga yata.

"Delekado ang daan." dugtong niya.

"Ayos lang naman sa akin, Vandeon. Pumayag din naman ako sayong sumama rito," I smiled at him. Tumitig lamang ito sa akin, para bang kinikilatis ako. Nakakailang naman. Kahit na sobrang gwapo ni Vandeon, pinipigilan ko parin ang sarili kong huwag mahulog sa kanya.

Ayaw kong kainin 'yung mga chismis sa amin. Hindi rin naman niya ako nililigawan kaya panghahawakan ko iyon sa ngayon. He's handsome at sigurado akong maraming magkakagusto sa kanya.

"You can choose your room there," tinuro niya ang likod ng kusina kung nasaan ang mga spare rooms niya. I didn't look there, nakatingin ng buo sa kanya ang aking dalawang mata. I can't take my eyes off. What's happening to me?

"Almika, do you hear me? O ako nalang ang pipili sayo?"

"I can do it, Vandeon." I snapped out tsaka umiwas ng tingin sa kanya. Gosh, nakakahiya naman.

Tumayo siya sa kanyang kinauupuan at tumungo sa malaking tv. Pinaandar niya iyon, lumabas ang mga western movies. Pumili siya ng isa roon at ni-play.

"Maghahanda lang muna ako ng dinner natin. Do you want something?"

"I'm fine with anything, Vandeon." sagot ko.

Pinanood ko ang kanyang katawan patungog kusina. Tinaas niya ang kanyang suot na damit at binuksan ang malaking ref. May kung ano ano siyang kinuha roon tsaka bumalik muli sa lutuan. Gosh, he looks so sexy! Kitang-kita ko ang ugat niyang umiigting habang naghihiwa ng mga rekados para sa kanyang lulutuin. Hindi ako makapukos sa movie dahil na kay Vandeon ang buong atensyon ko. Mas pinili na lamang manood sa ginagawa ni Vandeon kaysa manood ng movie, kung anu-ano pa ang sinasabi. Hindi ko maintindihan ang lingwaheng gamit nila. May subtitle naman pero tinatamad akong magbasa.

Nandyan naman si Vandeon...

Ganito ba siya sa kanila? Nilulutuan niya rin kaya ang magulang niya? Mga kaibigan? B-Babae? Imposible naman wala siyang babae sa edad niya na ito. Gwapo naman siya at maraming nagkakandarapa at may needs din sila. Imposible namang wala hindi ba? Kahit fling lang ganun.

Nabaling ang kanyang tingin sa akin kayat kaagad na nanlaki ang mata ko at mabilis na umiwas ng tingin sa kanya. Shit naman! Baka nakitang niyang naglalaway ako sa kanya! Kakahiya naman.

Ugh! Amoy na amoy ko na ang pagkaing niluluto niya. It smells good! Ano kaya iyon? Hindi naman siguro niya mabobother kung lalapit ako sa kanya.

Dahan-dahan akong tumayo at akma na sanang pupunta sa kinaroroonan niya nang biglang tumunog ang aking cellphone.

Inis kong inalis iyon sa loob ng bag ko. Sinagot ang tawag na walang lingon lingon kung sino ang tumawag. Istorbo naman nito!

"Almika! Where are you?" boses ni Entice.

"Bakit ka napatawag, Entice?" kunot noong tanong ko habang na kay Vandeon ang tingin. Hindi na siya nagluluto ngayon, pinapanood niya ako habang nakasandal ang dalawang kamay sa lababo. Shit naman ang gwapo!

"Ano? Naririnig mo ba ako?" singhal ni Entice.

"Anong sinabi mo?"

"Gaga! Makinig ka kasi!"

Muli kong binalik ang tingin kay Vandeon. Nasinghap ako nang makitang papunta siya sa aking kinaroroonan. Seryoso ang mukha. Nakatupi parin hanggang siko ang kanyang damit.

"Para sa booth natin, Almika. Anong ibebenta natin?"

"A-Ano..." hindi ako makapukos dahil nasa harapan ko na si Vandeon ngayon. Titig na titig sa akin. Gosh!

Nilayo ko ang cellphone. "Do you need something?" halos pabulong ko na tanong. Umiling siya at mas lalong lumapit sa akin dahilan ng kaba ko sa dibdib. Tangina! Pukos, Almika.

"Almika! Ano na?" langya! Kausap ko pa pala si Entice.

"Kayo, anong gusto niyo? Juice? O merchandise?" Umiwas ng tingin kay Vandeon, ngunit naramdaman ko ang
paglapit ng kanyang dalawang kamay at dahan-dahan na paghaplos nito sa aking beywang.

"V-Vandeon..." hindi marinig ang aking boses. Tumataas na ang aking balahibo ngayon! What is he doing...

"Merchandise? Kanino naman?" fvck! I can't focus right now! Nasa likuran ko si Vandeon. Nakahawak ang dalawang kamay sa aking beywang habang ang panga ay nasa aking balikat! For god's sake huwag naman sanang humantong sa ganito. Hindi kakayanin ng puso ko!

"Juice nalang, Entice! S-sige iyon nalang ah? Text mo n-nalang ako, bye!"

Hindi ko na hinintay na sumagot si Entice. Pinatay ko kaagad ang tawag at hinarap si Vandeon na ngayong tila inosenteng taong walang ginawa.

"Are you done? Shall we eat?" Humiwalay siya sa akin. Ako naman ay gulat na gulat, wala paring tigil sa pagtambol ang aking isip.

"I want to sleep beside you later, baby. Hindi ako sanay walang katabi."

What the hell?

***

Don't forget to vote and leave a comment. Thank you! More kilig moments sa ating couple sina Almika at Vandeon short for AlVeon! Yayy!

BS03: Hidden Son Of Mr. SantfordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon