Epilogue

13.5K 263 21
                                    

Almika's POV

1 year later

"Mamma, ho un brutto sogno!"

"What is it?" ngiting tanong ko sa anak ko. Habang tumatagal nagiging kamukha niya na talaga si Vandeon. Argh! I missed him already, sana ay masaya na siya ngayon kung nasaan naman siya. Hindi parin ako magsasawa na mahalin ka, Vandeon. Mahal na mahal kita.

"Iiwan mo rin ako, mommy. Don't leave me, mommy." Tumango ako sa anak ko. Sumenyas ako na lumapit siya sa akin. Niyakap ko siya ng mahigpit habang hinahaplos ang kanyang buhok.

"I won't leave you, baby, hindi kita iiwan kahit na mamatay man ako, Vandish. Panaginip lang 'yon anak."

"But, mommy... what if, it will happen?"

"It will never be," pag kumbinsi ko sa kanya. Hindi 'yon mangyayari dahil hindi ko hahayan na mangyari 'yun. Ako na lang ang natira ngayon, wala na si Vandeon, iniwan niya na kami but still? He's still in my heart.

"Come on! Gusto mo bang dalawin si daddy?" masiglang tanong ko sa kanya.

"Yes, mommy!"

"Alright, little demon, lets go!"

Sumakay kami ng sasakyan. Pinaupo ko siya sa likuran at ako naman ay sa driver seat. Inayos ko ang aking sarili tsaka pinaandar ang sasakyan. Paminsan ay napapatingin ako sa likuran para kamustahin si Vandish. Malaki na siya ngayon, nakuha niya na lahat mula ka Vandeon. Mata lang talaga akin at mas visible 'yung sa kanya.

Don't grow too fast, baby. Mas lalong makulit na rin siya ngayon, sinasama niya lagi si Peyton sa mga gala gala. Mas close kasi sila kaysa kay Frost.

Nagpakawala ako ng malalim na hininga. Mula rito ay tanaw na tanaw na namin ang forest cemetery kung saan nilibing ang katawan ni Vandeon.

"I can't wait to see him!" masayang sambit ng anak ko. Parang may something sa pagkakasabi niya pero sinawalang bahala ko na lamang. Baka guni guni ko lang iyon.

Imposible namang mabubuhay pa si Vandeon. Isang taon na ang lumipas. Kung buhay iyon ay talagang magpaparamdam iyon. Pero ugali niyang magtago...

Still, that's impossible.

"Un anno dopo Vandeon. Spero che tutto sia solo un sogno, spero che tu non sparisca, spero che tu sia ancora qui. Vorrei aver avuto così tanto nella mia vita Vandeon, mi manchi così tanto, perché vuoi davvero andartene? Col passare del tempo mi arrabbio con te, non mi porti nemmeno all'altare! Sei davvero un bugiardo!"

Pagkarating na pagkarating namin ay pinagsalitaan ko kaagad ang puntod ni Vandeon.

Napaka-sinunggaling talaga ng gago. Nang makarating ay hindi ko napigilan ang sariling emosyon. Akala ko ay kaya ko nang humakbang palayo, palayo sa sakit ngunit heto ako ngayon. Nasasaktan at hindi parin maka-move on.

Pinunasan ko ang luha ko. Binalingan ko si Vandish na nakakunot noo na ngayon.

"What's wrong, baby?" tanong ko sabay lapit sa kanya. Nilagay ko sa bulsa ang aking panyo. He didn't cry, tanggap niya na sigurong nawala na ang daddy niya.

"I saw him, mommy..." mahinang bulong niya.

"Who?" kinakabahan na tanong ko. Hindi ko alam kung seryoso ba talaga si Vandish pero ramdam ko ang malakas na kabog ng dibdib ko. Did he saw Vandeon? Where... I can't see him.

"Kung may plano kang multuhin kami, Vandeon! Tigil-tigilan mo na 'yan! Walang hiya ka ah! Ngayon ka lang nagparamdam sa amin! Kakatayin na talaga kita!"

"I saw him! I saw my daddy, mommy."

"Anak, baka namamalikmata ka lang. Magpaalam ka na sa daddy mo. May pupuntahan pa tayo." paalala ko sa anak ko. Hinarap niya naman ako habang nakasimangot pero maya-maya pa ay ngumisi siya na kinataas ng kilay ko.

BS03: Hidden Son Of Mr. SantfordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon