Chapter 37

9.6K 247 8
                                    

Third Person's POV

"Huwag mo akong ginagalit, Vandeon! Gusto mo ba talagang makitang mamatay ang anak at asawa mo? Sabihin mo lang! At gagawin ko na agad ngayon!" galit na sigaw ng matanda kay Vandeon. Naka-kadena ang kanyang mga kamay at paa. Pasa na din halos ang kanyang mukha at katawan, pagod na pagod na siyang lumaban at nanghihina na ang katawan niya. Gusto niya nang tumigil, gusto niya nang mamahinga. But how about his family? Mahal na mahal niya si Almika. Gusto niya pang itama ang mga pagkakamaling nagawa niya rito. Hindi niya kayang mawalay muli ito sa tabi niya.

Pumikit siya ng mariin. Naalala niya ang nangyari kahapon. Kitang-kita niya ang sakit sa mga mata ni Almika. Labis niyang pinagsisihan ang lahat, hindi niya ginustong mangyari iyon, nadala lamamg siya ng bugso ng damdamin.

Napamura siya sa kanyang isipan. Nag-aalala siya sa mag-ina niya. Kapag hindi niya ginawa itong plano ng matanda ay tiyak na gagawa ito ng ikakapahamak nina Almika. Ayaw niyang mangyari iyon kayat sinusubukan niyang lutasin ang malaking problema na ito without asking for help from his friends. This is his problem, he will finish this.

"Do whatever you want, old man. I don't want to marry your daughter!" asik niya.

Lumapit sa kanya ang matanda at isang malakas na sampal ang natamo niya rito.

"Bakit hindi mo nalang tapusin ng maaga ang buhay mo, Vandeon? Huwag na tayong maglokohan dito. Mamamatay ka rin naman, bakit pa patatagalin?"

Umikot ang matanda. Umupo siya sa kanyang silya kaharap si Vandeon. Kinagat lamang niya ang kanyang labi, nalasahan niya pa ang sariling dugo mula sa malakas na sampal ng matanda.

He gritted his teeth. "How about you? Matanda kana, wala ka ng kwenta sa mundong ito kayat mas nararapat na ikaw ang mauna sa ating dalawa, tangina mo!"

Ngumisi siya sa matanda. Kitang-kita niya kung paano ito umusok sa galit. Hindi na siya nagulat nang tumama na naman ang mabigat na palad nito sa mukha niya.

Ramdam niya ang sakit ngunit humalakhak lamang siya. Iniisip niya si Almika. Iniisip niya 'yung panahong nakilala niya ito para iwasan ang nararamdamang hapdi.

FLASHBACK

"Kilala mo ba ang babaeng 'yon, Triton?" tanong ni Kace sa babaeng nakatalikod habang kausap nito ang sariling kaibigan. Umikot naman ang mata ni Vandeon
Siinamaan niya ng tingin si Kace na ngayong ngumingisi pa na tila nang-aasar.

"Oh, type mo ba, Kace?" ngising tanong naman ni Triton.

"She's pretty hot! What's her name?"

Lumapit si Vandeon sa kaibigan. Masama na ang timpla.

"Wanna die, Velasquez?" seryong tanong ni Vandeon at halatang nagtagis na ang kanyang panga.

Kilala niya kasi ang babaeng nakatalikod. Sino ba naman ang hindi makakilala sa babaeng matagal niya nang minamanmanan hindi ba? She's Almika Sheen Monteverdi, mayaman ang pamilya nila, sikat na sikat din ang dalaga dahil sa angking ganda nito, at sa mata nitong nakakabighani. Pero isang beses niya pa lang nakita ang totoong mata ni Almika dahil tinatakpan niya ito. Hindi niya alam kung bakit.

Kapag papasok na ito sa loob ng University lagi itong pinalilibutan ng mga lalaki. Kayat todo ang timpi niyang hindi makapatay ng tao. Wala pa siya sa tamang edad para pumatay pero kinikilala niya ang mga lalaking nanliligaw kay Almika. Hindi niya maintindihan bakit naisip niya iyon, gusto niya lang talaga na walang umaaligid sa dalaga. But at the same time nagpapasalamat din siya dahil wala man lang ni isang sinagot si Almika sa mga manliligaw niya, but what if siya kaya ang manligaw? Sasagutin kaya siya ng dalaga?

BS03: Hidden Son Of Mr. SantfordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon