Chapter 7

13.7K 441 24
                                    

Third Person's POV

"Will you stop doing this, Vandeon. Tinatakot mo ang mag-ina!" galit na sigaw ni Kace sa harap mismo ni Vandeon na ngayong duguan na ang ilang parte ng kanyang katawan. Pinalilibutan siya ng mga kaibigan niya ganu'n din ng mga tauhan ni Riley. Pinipigilan sya ng mga kaibigan niya na sumulong kay Almika, dahil kapag ito makalapit sa mag inang 'yon paniguradong wala na silang bukas pareho.

May tiwala pa naman si Kace na hindi iyon magagawa ng kaibigan niya, pero sa nakikita niya ngayon, hindi ito ang kilala niyang si Vandeon Brix Santford. Mabait ang kaibigan niya, mailap nga lang ito sa mga tao at napaka-seryoso pero mabait ito. Wala siyang ideya sa kung ano talaga ang totoong nangyari, tinakas niya lang naman si Almika noon dahil nakita niyang kinuha siya ni Vandeon, ibang-iba ang kanyang mukha noon. At nakikita niya ito ngayon.

Alam niyang buntis si Almika dahil malaki na ang tiyan nito noong nakita niya ang dalawa. Isa sa rason niya kung bakit niya tinulungan si Almika ay 'yung anak niya. Nasaksihan niya ang kalupitan ni Vandeon kay Almika, nasaksihan niya kung anong klaseng tao ito sa kanya. He was mad, pero wala siyang alam kung anong totoong dahilan. Laking pasalamat niya nang nagtagumpay silang dalawa, but seeing Vandeon again is like a nightmare.

Inangat niya ang ulo.

Ngumiti si Vandeon. Pinunasan niya ang dumudugong labi, tinitigan niya isa isa ang kanyang mga kaibigan 'saka siya agad sumeryoso. Iba na ang mukha ngayon ni Vandeon dala ng mga pasa niya sa mukha. Patay lahat 'yung mga tauhan niya kaya siya na lamang mag-isang lumalaban. Nagkapasa rin naman 'yung mga kaibigan niya pero hindi nga lang sobra, kaunti lang.

"Nagtulong-tulong pa kayo? Ganiyan na ba ako kalakas?" seryosong tanong niya. Umatras si Sendrix habang binabantayan ang kilos na maaaring gawin ni Vandeon.

"Bakit hindi mo na lang sila tantanan, Vandeon? Tol, maawa ka naman sa kanila. Na-trauma pa ang bata nang dahil saiyo." usal ni Evadne. Nilingon naman siya ni Vandeon. Napaatras ito bigla.

"Gusto mo bang dagdagan ko pa 'yang putok ng labi mo, Evadne? Sabihin mo lang at pati mukha mo babasagin ko na."

Hindi nila alam kung ano ang isasagot sa sinabi ni Vandeon, kahit puro pasa na ang buong katawan nito, mukhang matigas parin ang bungo niya, hindi talaga magpapatalo.

"Stop this already, Vandeon! This isn't you! Nasaktan mo na sila, kinuha mo na ang lahat kay Almika, ano pa ang gusto mo?" kalmadong tanong ni Kace pero deep inside gusto niyang suntukin si Vandeon nang paulit-ulit hanggang sa mawalan ito ng malay at magising sa katotohanan.

"Pakialam mo ba kung hindi niya ako sinaktan, Kace? Are you really my friend? Kinakampihan mo 'yon? Bakit Kace, ikaw ba ang ama ng dinadala niya! Sagutin mo akong hayop ka!" galit na sigaw ni Vandeon at mabilis na kinwelyuhan si Kace. Hindi man lang ito nabigla, alam niyang mangyayari ito. Sabagay siya nga naman ang nagpatakas kay Almika kaya't iniisip ni Vandeon na siya ang ama ni Vandish.

"Bakit hindi mo alamin? Tutal ang hilig mong maghabol at mag hanap tol. Para kang aso na pakalat-kalat." ngumiti siya ng matamis kay Vandeon sanhi nang pag angat ng kamao nito. Naging alerto naman 'yung ibang kasamahan nila, ambang pipigilan na nila si Vandeon nang suntukin nito ang mukha ni Kace.

"Fvck you, Kace! Fvck you!"

Tumawa ng malakas si Kace. Pinikit niya pa ang isang mata niya dahil sa inindang sakit ng pisnge. Sinenyasan niya ang mga kaibigan na 'wag silang lalapit kay Vandeon. Malakas pa kasi itong sumuntok.

"May alam ka tol, ayaw mo lang maniwala, bakit? Natatakot ka na bang pandirian ka ng batang 'yon? Poor him mamatay tao ang ama niya," hinawakan ni Kace ang kamay ni Vandeon na nasa kwelyo niya. Padarang niya itong winaksi at pinagpagan ang damit, inayos ang pagkakakunot nito.

BS03: Hidden Son Of Mr. SantfordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon