Billionaire Series 05

2.6K 41 2
                                    

Aria's POV

"Keep your eyes open!" sigaw ni Triton. Sabay-sabay naman kaming tumango at sinundan siya papasok sa isang malaking bodega na sa tingin ko ay pagmamayari ni Kelton. Nu'ng nalaman nila ang location ni Kelton, hindi na sila nagdadalawang-isip pa, miski si Triton ay parang kating-kati niya nang patayin ang taong iyon. He's really mad. Siguro may malaking kasalanan ang taong 'yon sa kanya at gusto kong malaman kung ano 'yun.

Napansin kong ngumisi si Vena sa tabi ko. Inirapan ko naman siya at tiningnan ang mga pasa niyang natamo kanina sa laban, mabuti na lang hindi namatay 'tong gagang 'to. Kung namatay siguro 'to baka kanina pa nagpakamatay si Skie, chos!

Hindi pwedeng gawin ni Skie iyon, lalo na't may dalawa siyang anak. Siniswerte naman si kamatayan kung magpakamatay din si Vena 'noh?

"He's inlove with you," bulong niya sa tabi ko. Napansin naman ni Yeena 'yon at mukhang narinig niya pa kaya't sumilay ang nakakalokong ngisi sa labi niya. Fvck! Wala talagang magandang idudulot 'tong dalawang 'to, bakit ko nga ba katabi 'to? Nakakairita naman. Kapag 'tong dalawang ito hindi tatahimik? Sila ang ipapalapa ko sa alaga ni Alex. Leche naman kasi e!

"He's inlove with you." parang tangang ulit naman ni Yeena. Ngunit imbes na patulan sila? Tinuon ko na lamang ang atensyon ko sa harapan kaya lang napako ang tingin ko kay Triton. He's so serious, ramdam kong nag-aapoy na siya sa galit. Kinagat ko ng mariin ang labi ko. Sasamahan ko si Triton kahit sa kabilang buhay. Hindi ako makakapayag na mawala siya sa amin, hinding-hindi. I'll do everything to make him stay with us, kung darating man ang panahon na iiwan niya na kami ni Zack. Paghahandaan ko ang lahat. Lalaban ako ng patas.

"Nagnanakaw ng tingin! Sus!" rinig kong sambit ni Vena dahilan nang pag baling ko sa kanya. Akma ko na sana siyang babatukan nang may pumutok na lang bigla. Sabay naman kaming dumapa at nagtago. Mukhang kanina pa nagsisimula ang gyera ah, huli na ba kami?

"Kiefer, what is happening?" tanong ni Skie sa kabilang linya. We are now wearing our earpieces so we can communicate to each other, for incase na rin kung nasa panganib ang isa sa amin.

"Something's wrong! Be careful and please take good care of my wife!" mukhang kinakabahan na sagot naman ni Kiefer sa kabilang linya. Nasa hospital padin siya ngayon at nagpapagaling. May mga computers din duon sa room niya, bawat galaw namin ay alam na alam ni Kiefer. He's a good leader indeed. Hindi niya sinabi kay Riley ang lahat baka magalit ito imbes na mag-aalala sa kanya. He got shot but he can still help us, siya ang mata namin sa larong 'to. He's watching us.

"We will." sagot naman ni Almika at nilingon si Vandeon na ngayong mahigpit na nakahawak sa kanya.

Kabadong-kabado ngayon si Vandeon, hindi ko alam kung bakit. Wala akong ideya. Pero sa tingin ko'y hindi 'yon maganda. Kanina pa kasi siya kapit ng kapit sa asawa. Hindi mapakali. Mukhang ako lang din yata ang nakakapansin.

"Keep watching us, papasok na kami sa loob," mahinang usal ni Triton.

"Walang kalaban sa labas ng gate." sabi ni Kiefer. Tumango kami at sinundan muli si Triton. Nasa kaliwa ko si Yeena habang si Vena naman ay nasa kanan ko. Nasa likod sina Almika at Vandeon. Nasa harapan ko si Triton, Skie, at Arkanghel. Si Sendrix naman at si Alex ay naiwan sa hideout, sila na raw bahala sa mga tauhan ni Kelton kung sakaling lulusob daw sila duon.

"Vena, Skie, Yeena, Ark, sa gate 1 kayo. Riley, Vandeon at Almika sa gate 3 kayo. Aria? You'll come with me, gate 2."

Pagkatapos sabihin 'yon ni Triton kani-kanya naman silang tango at sabay na umalis sa pwesto namin.

Dahan-dahan kong nilabas ang baril na nasa loob ng jacket ko, ganu'n din naman si Triton naging alerto din. Nilabas niya ang baril niya. Nasa likod lamang ako habang sinusundan siya papasok sa gate na papasukan namin.

BS03: Hidden Son Of Mr. SantfordWhere stories live. Discover now