Chapter 21

10.9K 280 8
                                    

Continue.

Arkanghel Donovan. Saan ko nga ba narinig 'yang pangalan niya.

Bagong salta, bagong demonyo. Ano na naman kaya ang papel ni Ark sa society ni Kiefer? Anong negosyo ang pinatatakbo niya?

Sa halip na isipin ang mga bagay na iyon binalingan ko ng tingin ang sasakyan. Nanlaki ang mata ko nang bigla na lamang nilang paandarin ang sasakyan. What the shit!

Lumabas ako sa pinagtataguan ko. Mahigpit kong hinawakan ang bag ko, lumapit ako sa sasakyan at akma na sanang hihiyawan nang may humigit sa kamay ko. Iritable akong humarap sa taong humila sa akin.

"ANO BA!" angil ko pagkatapos ay lumingon na naman ako sa sasakyan.

"No, No! Fvck!" hindi ko pinansin ang taong nasa likuran ko. Mabilis kong tinakbo ang distansya ng sasakyan. Shit! Patay na talaga ako neto ngayon, tangina.

Nilabas ko ang cellphone ko. Hinubad ko din ang heels ko since mag-oovertake ang sasakyan na ito, sisiguraduhin kong hindi ito makakalayo. Bumuntong hininga ako, mahigpit kong hinawakan ang heels at phone ko. Tumakbo muli ako ng ilang distansya tsaka tinapon 'yung cellphone ko tsaka 'yung heels ko sa sasakyan. Nakita ko kung paano nabasag 'yung salamin ng kotse, ngumisi ako. Akala ko mamahalin ang sasakyan 'yun pala bulok. Kaagad akong lumapit pero hindi ako nagpakita.

Bumaba ang dalawa mula sa sasakyan. Tiningnan nila ang nabasag na salamin, rinig ko pa ang iilang mura nila dahil hindi daw sa kanila ang kotse na ginamit. Nagbabangayan pa nga sila. Poor idiots.

Binuksan ko ng dahan-dahan ang kotse. Bumungad sa akin ang dalawang bata na kapwa nakatingin na sa akin ngayon. Nakataas ang kilay ni Peyton habang si Vandish naman ay umirap. Wait? Hindi ba sila kinakabahan sa sitwasyong 'to? Bakit mukhang kalmado pa sila sa akin? Hindi ba nila alam na nasa binggit ng kamatayan ang buhay nila? Itong mga batang 'to, imbes na matakot sa lagay na 'to, kalmado lamang sila.

"Halina kayo lalabas na tayo," sabi ko sa kanila pero mabilis silang umiling sa akin. What the hell?

"Vandish, don't make me mad. Aalis na tayo rito kundi papatayin kayo ng mga bad guys." seryoso kong sabi tsaka ko tinanggal ang mga takip nila sa bibig.

"Mommy, gusto naming malaman ang hideout nila so we can help our Daddy's."

Nanlaki ang mata ko, mabilis kong tinakpan ang bibig ni Vandish. "Don't you dare, Vandish, and you also Peyton, masyadong delekado at ang babata niyo pa ah." this time naiinis na talaga ako.

"But, Tita Almika, sabi ni Daddy..."

"Huwag ka makinig sa Daddy mo, halina kayo." Umiling ako sa kanilang dalawa. Hinawakan ko silang dalawa sa kamay tsaka akma na sanang lalabas nang tumambad sa aming harapan ang mukha ng dalawang lalaki. Shit! Bigla akong napaatras. Patay kami nito. Piste.

"Saan kayo pupunta?" ngising tanong ng isang lalaki habang nilalandas ang sariling mata nito sa buong katawan ko. Abat. Hayop 'to ah!

"Ganda mo naman, miss."

"Ikaw na muna bahala sa dalawang 'yan, magmamaneho na ako," sabi ng isa tsaka iniwan ang isang lalaki para bantayan kami. Umirap naman ako, mahigpit kong hinawakan sa kamay ang dalawa, alam kong kinakabahan na rin ang dalawang bata na kasama ko ngayon kaya hanggat maaari? Aa-

"Did you bring the pepper spray?" tanong ni Vandish. Saglit naman akong natigilan, nilingon ko silang dalawa. Walang bakas na kaba at takot sa mga mata nila sa halip ay ngumingisi pa sila. Nagpapatawa ba ang dalawang batang ito?

"Wha—"

"Yeah, na-locate mo na ba ang place nila da-" hindi ko pinatapos si Peyton. Hinila ko silang dalawa papalapit sa akin. Sinamaan ko din ng tingin ang lalaking hanggang ngayon ay nasa harapan ko parin.

BS03: Hidden Son Of Mr. SantfordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon