Chapter 5

14.6K 437 15
                                    

Almika's POV

Mahigpit kong hinawakan ang folder at bag ko. Hindi ako humarap kay Vandeon ngunit alam kong nagtitimpi na siya ngayon ng galit niya. Pakialam ko naman sa kanya. Bahala siya sa buhay niyang manigas diyan. Hindi ko siya sinagot sa halip ay mabilis ang mga kilos kong lumabas ng opisina ni Ma'am, nakalimutan ko pang mag-advance ng sweldo sa kanya. Saan na kami titira ngayon? Baka may taong maniningil na naman at 'di na kami pwedeng bumalik doon baka may mga tauhan ni Vandeon ang pumunta duon.

"The fvck! Almika. Come back here! Damn it! Let me go, Roswell, papatayin ko kayo!"

Pilit kong iniiwasan na marinig ang malakas na sigaw ni Vandeon. Ngayong may ideya na siya kung ano niya si Vandish, ay hindi ko siya hahayaang makalapit sa anak ko.

Nang makalayo-layo na ako sa opisina ni Ma'am Ladeo. Ramdam ko parin ang kaba sa dibdib ko, mataas ang lalaking 'yun, ilang hakbang lang ay paniguradong mahuhuli niya na kami.

"Ma'am Almika! Buti nakita niyo si Vandish. Anong nangyayari, Ma'am?" Nakasalubong ko si Manang. Pawis na pawis din ang noo niya, panay punas niya pa rito. Saglit akong lumingon sa likuran bago ko hinila si Manang palabas ng kompanya kaya lang...

Akma na sana kaming aalis nang makarinig kami ng putok ng baril sanhi ng panlalaki ng mata ko kasabay din nito ang ungol na narinig ko sa tabi ko. Umawang ang labi ko, umatras ako habang nakatingin kay Manang na ngayon ay dumudugo na ang bibig, duguan ang kanyang dibdib, pilit niya akong inaabot, ngunit hindi ako makagamaw. Nagsimula na namang manginig ang mga binti ko, may takot na namang bumalot sa'kin. At kusa na lamang tumulo ang luha ko kasabay nito ang pag tumba ni Manang sa harapan ko.

"A...A...Manang! Manang!" nagda-dalawang isip ako kung lalapitan ko ba siya. Natatakot ako. Natatakot na ako ngayon sa maari kong kahihinatnan.

Nanginginig ang mga kamay ko habang sinusubukan siyang abutin. "Manang, patawarin mo 'ko. Patawarin mo 'ko." Umayos ako ng tayo. Nilingon ko kung nasaan nanggaling ang bala ng baril, mula rito nakita ko si Vandeon na nakatayo medyo malayo sa amin. Nasa likuran niya ang dalawang kaibigan niya na kapwa wala ng mga malay.

Umatras ako sa nasaksihan, anong klaseng demonyo ang sumapi sa taong ito. Wala siyang awa! Wala siyang awa! Sa harapan pa namin niya ginawa ang kademonyuhan niya. Mamatay kana, Vandeon. Hayop ka!

Umatras ako nang mapansing humahakbang siya papalapit sa amin. May ngisi na namang nakaplaster sa labi niya ngayon, puro pasa pa ang dalawang pisnge niya at namumula rin ang kanyang kamao. Anong ginawa mo sa kanila hayop ka, Vandeon!

"One step, you'll be dead." limang hakbang na lang ay mahuhuli niya na kami kaya't imbes na matakot at manatili sa pwesto ko, mabilis akong tumakbo habang hawak ang ulo ni Vandish.

"SHIT!" rinig kong mura niya na mas lalong nagpa-kaba sa akin. Takbo lang ako ng takbo, hindi alintana 'yung mga sasakyang naka palibot sa buong parking lot. Hindi ako lumingon kahit saan, sa daan lang ako nakapukos.

Walang liko liko akong pinasukan, takbo lang ako ng takbo hanggang sa bumungad na sa amin ang highway. Napansin ko pang kinukusot ni Vandish ang kanyang mata pero hindi ko na inabala 'yun, pinagpatuloy ko lamang ang pag takbo hanggang sa may nakita akong masikip na daan, pumasok ako roon at sumandal sa pader.

Hinayaan kong dumadausos ang likod ko pababa. Pagod na pagod na ako, Hanggang kailan niya kami gaganituhin. Pagod na pagod na talaga ako. Ayoko na, ayoko na sa larong ito, Vandeon. Tigilan mo na kami. 

"Mommy? Pwede na bang mag-mulat?" Hearing my son's voice makes me calm. Huminga ako ng malalim, tinanguan ko siya at niyakap nang mahigpit. Mahal na mahal kita, Vandish at hindi ako magsasawa na mahalin ka araw-araw.

BS03: Hidden Son Of Mr. SantfordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon