Chapter 10.2

1K 18 0
                                    

"Oh! You did great!" masayang tili ni Aisha nang makitang nagawa ko ng maayos ang pinagawa niya sa akin. She ordered me to shoot those human things in front of me. Hindi ako nahirapan dahil napakadali lang para sa akin. Halos headshot nga lahat. Ngumiti ako at kumaway kay Austin na nasa malayo, ang sarap naman ng buhay niya. Paupo-upo lang sa gilid habang may hawak na wine glass, mukhang nag-eenjoy sa nakikita. Ang sarap niya tuloy tamaan sa mukha.

"You are amazing, Almika!"

Umirap ako at pinagpatuloy ang ginagawa. Isang linggo na namin itong ginagawa, It was tiring but I'm starting to love this routine of mine. Minsan ay nakakapagod at nakakatamad pero wala akong pakialam. This is for my son, gagawin ko ang lahat para makuha ang anak ko mula kay Vandeon. Sa linggong iyon ay nalaman ko na mas magaling akong humawak ng baril kaysa sa mga bagay na patalim. Kahit anong gawin ko ay palpak lahat at nauwi lamang sa sugat ang lahat. Huminto ako sa paggamit ng mga ganu'n weapons at mas tinuon ang sarili sa pamamaril.

Babarilin ko talaga sa ulo ang Vandeon na iyon kapag nagkita kami. Hanggang ngayon ay wala parin kaming balita sa kanilang dalawa, ngunit hindi ako titigil. Hindi niya naman sasaktan si Vandish dahil anak niya iyon, dugo't laman.

"Don't push yourself too much," napahinto ako nang mapansin kong durog na durog na 'yung target ko. Mukhang binuntot ko lahat ang galit ko roon.

Nagpakawala ako ng malalim na hininga tsaka binitawan ang baril. Kumuha ako ng tubig at kaagad na tinungga. Naramdaman ko naman ang paglapit ni Aisha sa aking tabi, dala-dala niya ang latigo na ini-ensayo niya. Hindi lang kasi ako ang nag-eensayo, ganu'n din sina Aisha at Austin.

"Sa isang linggong pag-eensayo natin ay mas lalo kang gumagaling. You really did a good job there, Almika. Kung anuman ang dahilan kung bakit mo ito ginagawa? I will support you, always count me in." sabi niya at dahan-dahang lumapit sa akin para haplusin ang likuran ko. Halata naman na 'yun ang gagawin niya.

"Hindi ko tinanong kay Austin kung anong dahilan mo bakit mo ito ginagawa. I know na meron kang malaking rason at hindi ko na iyon aalamin pa. I'm here to teach you and at the same time learn from you,"

"Habang pinapanood kitang nag-eensayo, I was so amazed. May malalim ka talagang pinanghuhugutan eh." 

Ngumiti ako. Ayaw ko lang talaga na matalo mula kay Vandeon. Mahirap kasi siyang kalaban, hindi naman mahina iyon. Kitang-kita naman at nasaksihan ko ang kademonyuhan niya.

"Thank you for everything, Aisha."

"No worries! Bukas ang huling araw ng pag-eensayo. Kitang-kita naman ng mga mata ko kung gaano ka kagaling kayat hindi na 'to matatagalan pa,"

"Can I treat you after this?"

"Oo naman!"

***

"Ang bilis mo namang matuto!" Salubong ni Austin. Nasa loob kami ng lumang bahay ngayon, nasa kusina si Aisha nagluluto habang kaming dalawa ni Austin ay nasa sala. Hawak ko ang phone ko ngayon, maraming mga messages mula sa mga friends at kay Kace. Mabuti nalang ayos lang ang mga kaibigan ko.

Tinotoo kaya ni Vandeon 'yung plano niya? Hindi niya naman siguro idadamay ang mga kaibigan ko. Sana nga.

"Syempre magaling akong magturo eh!" Nabaling ang tingin ko kay Aisha. Ngumiti siya at binaba ang pagkain sa aming harapan.

"Aba ang yabang ah!"

"Totoo naman, ikaw anong ginawa mo buong araw? Hindi kaba nauumay sa ginagawa mo?"

"Bakit naman ako mauumay? Masaya kayang manood sa inyong dalawa ni Almika. She did great, mukhang kaya na ako nitong patayin sa isang pitik lang,"

"Huwag ka lang talagang magkakamali." irap na sagot naman ni Aisha. Inilingan ko silang dalawa tsaka kumuha na ng pagkain.

"Nga pala, Austin. Anong status ng misyon mo?"

Habang kumakain ay pinapakinggan ko ang dalawa. Mukhang interesado kasi ang pinag-uusapan nila. It's all about mission, fights and so on. Hindi pa ako nasasangkot sa mga ganu'ng gawain. Nakasaksi lamang, isa na roon si Vandeon na nagbigay ng malaking malas sa buhay ko.

"Wala parin eh. Ang hirap naman hanapin ng babaeng iyon,"

"Hindi ka ba humingi ng tulong kina bosing?"

"Bakit naman ako hihingi sa kanila? Misyon ko 'to, ako ang tatapos."

"Sabagay, goodluck na lang sa misyon mo. Sayang rin kasi kung hindi mo makukuha ang promotion, malaking pera na iyon."

Wala akong maintindihan sa pinag-uusapan nila kayat pinili ko na lamang hayaan at magpatuloy sa pagkain. Masarap ang luto ni Aisha, pwede ng mag-asawa.

"Ang takaw mo naman!"

"Hindi ah! Hindi nga masarap eh,"

Kumunot ang noo ko sabay tingin sa plato ni Austin. Wala na namang laman iyon, mukhang naubos na naman. Hindi raw masarap pero naubos niya ang tatlong pinggan? Kakaloka.

"Weh? Ubos na ubos ah,"

"Masama magsayang ng pagkain, Aisha. Kahit hindi masarap ay kinain ko na lang,"

"Kakahiya naman sa'yo ano?!"

PAGkatapos naming kumain ay nagpatuloy kaming dalawa ni Aisha sa pag-eensayo. Sa puntong ito, magkalaban kaming dalawa. Hindi lamang sa paggamit ng latigo ang kaya niya, kaya niya ring gumamit ng baril.

"Talunin mo 'yan, Almika!"

This time ay seryosong laban na ito. Kapag tinamaan ang isa sa amin ng bala ng baril ay kaagad na titigil ang laban at ang hindi tinamaan ay iyon ang mananalo.

"Pakinggan mo ang lihis ng bala, Almika. Huwag lagi sa galaw ng kalaban, you need to pay attention to their weapons too because it might kill you if you don't."

Tumango ako. Tumakbo ako sa pinakamalapit na bato sabay reload ng aking baril. Nasa kabila siya kung nasaan si Austin na puro daldal lamang ang alam.

"Always watch your back!"

Kinasa ko ang baril ko at lumabas sa pinagtataguan. Tumakbo ako papalapit sa kinaroroonan ni Aisha ngunit hindi madali ang lahat. Habang tumatakbo ako ay sinusundan naman niya ng mga putok.

Mabuti nalang ay magaling akong umiwas kayat naiwasan ko lahat ang mga bala na nilabas niya.

"Choose a spot to kill your target!"

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay mabilis akong tumalon sa likuran niya at sinipa ang tuhod tsaka tinutukan siya ng baril sa ulo.

"Bang!" sambit ko. I didn't shoot her, boses ko lamang iyon.

"All done!"

Tila gumaan ang buong pakiramdam ko nang marinig ang sinabi niya. Napaupo ako sa lupa, seryoso ang mga mata at inalala si Vandeon.

"I will kill you." huling bulong ko bago ako nawalan ng malay.

BS03: Hidden Son Of Mr. SantfordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon