Chapter 17

10.5K 294 12
                                    

Almika's POV

Tinupi ko ang mga damit ko tsaka ko ito nilagay lahat sa malaking maleta ko. Kaka-resign ko lang din sa kompanya ni Riley, ayoko nang humingi ng tulong sa kanila baka ako na naman ang maiiwan, gagamitin ko ang mana na iniwan ni daddy at mamumuhay na ako ng normal, pero sisiguraduhin kong hahanapin ko kung nasaang lupalok nagtatago ang Vandeon na 'yon.

"Almika, you don't have to do this." Pigil sa akin ni Riley, kasama niya si Carmela na nasa likuran niya at ang asawa at anak niya na nasa tabi niya. Masaya sana kung gan'yan din ang pamilya ko, Riley, pero hindi eh, nawalan na nga ako ng anak. Demonyo pa ang kalaban ko. Hindi ko na alam kung hanggang kailan ako mananatili sa mundong 'to, without my son I feel empty, wala akong kalas na lumaban pa.

Umiling ako. Hindi na muli ako magpapadala sa emosyon ko. Gagawin ko ito ng kusa. Without their help.

"We can help you find your son, Almika, just don't leave."

"Hindi mo nga alam kung na saan siya hahanapin pa kaya? Baka naman ayaw ninyong sabihin sa akin dahil mas kinakampihan ninyo ang demonyong 'yon kesa sa akin?"

"Almika, hindi—"

"Riley, tinakas ang anak ko sa akin, wala man lang kayong ginawa para pigilan si Vandeon? Hindi ba kayo naaawa sa anak ko? Wala ba kayong tiwala sa akin?"

"Al-"

"Naghihirap ako ngayon, Riley dahil sa kagagawan ni Vandeon! Sa tingin niyo ba hindi ko kayang bigyan ng magandang buhay ang anak ko? Sa tingin niyo mas tama na and'un siya kay Vandeon para maranasan niya ang maging marangya?" hindi agad sila nakasagot sa sinabi ko, yumuko si Carmela habang nilalaro ang sariling daliri, si Riley naman ay umiwas ng tingin, habang si Kiefer ay walang emosyon ang mukha. I knew how heartless and ruthless Kiefer is, nakaramdam din ako ng takot sa kanya noon, pero ngayon? Napaka gago niya pala, mas pinili niya pang kampihan ang kaibigan kesa gawin ang nararapat.

Sa tingin nila hindi ko mabibigyan ng magandang buhay ang anak ko, tangina! Pinalaki ko nga ng maayos si Vandish eh, pinapadama ko sa kanya kung paano mamuhay ng normal, 'yung tipong hindi umaasa sa yaman. Anak mayaman si Vandish, kahit kailan hindi siya maghihirap, at hindi ko naman hahayaan 'yun.

Tinapunan ko sila ng tingin, ngumiti ako ng pilit sa kanila. Kung andito ka lang sa kinatatayuan ko ngayon, Riley, siguro'y mas sobra pa ang gagawin mo para lang mabawi mo ang anak mo mula kay Kiefer. Alam ko namang mababawi mo agad si Peyton dahil kaya mong lumaban kahit na ang kapalit nito ang buhay mo. I admired you for that, for being a gangster, but I'm not like you, and I will never be.

"Leave me alone." walang emosyong saad ko bago ako tuluyan nang tumalikod. Pinikit ko ang mga mata para pigilan ang nagbabadya kong mga luha. Dahil kay Vandeon, naranasan ko kung paano maghirap, kung paano magdusa. Sumusobra na siya. Pamilya niya lang ang dinamay ng magulang ko, pero siya? Halos sakupin niya na ang mga taong napamahal na sa akin. Bakit mo ginagawa 'to sa akin, Vandeon? Anong kasalanan ko sa'yo?

"I already talked to my attorney, bukas ay makukuha mo na ang kompanya na pagmamay-ari ninyo." ininom ko ang tubig na nasa harapan ko. Tumango ako ng dahan-dahan kay Penelope. It's been 5 months had past already, habang tumatagal, mas lalo ko tuloy namimiss ang anak ko. Sana naman ay maayos lang siya, hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko kapag may masamang nangyayari sa anak ko. Hintayin mo ako, Vandish, mommy, will save you. Hintay-hintay lang anak at ikaw naman, Vandeon, humanda ka sa akin.

"Hindi naman bumagsak ang company, mas marami paring nag-iinvest. Tomorrow you need to show yourself to them, may bago ka na ring Secretary." sabi ni Penelope. Kahit papano ay tinutulungan parin ako ni Penelope, kapag wala ako, siya muna ang namamahala sa kompanya. Mas pinagtuusan ko na kasi ngayon ang training ko, plano ko ring mag-apply sa Stone Company, I want to be a secret agent like my mom, tatapusin ko ang sinimulan niya.

BS03: Hidden Son Of Mr. SantfordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon