Falling

313 1 0
                                    

Almika's POV

We ate together. Kinalimutan ang mainit na titigan kanina. Kung hindi umalis si Vandeon, baka kanina pa ako natumba sa panginginig ng katawan. I don't understand why I am feeling this way. Hindi ko naman crush si Vandeon or what but every time he's close naduduwag ako. Nawawala ang tapang ko. We're best friends nasisiguro ko iyon but damn it! Hindi ko matapos-tapos ang pagkain ko dahil sa kakaisip. And he wants to sleep with me! Sinong hindi mababaliw duon? Tatabi siya sa akin, kakaloka. I can't believe this is happening.

"Are you full?" mahinang tanong niya kayat nabaling sa kanya ang tingin ko. Kakatapos niya lang kumain at ngayon ay nagpupunas na siya ng kanyang labi.

Napalunok ako. Unti-unting yumuko upang hindi makita ang kanyang labing sobrang pula, tila nang-aakit. Fvck! Ano na ang nangyayari sa akin...

"Almika, are you alright?"

"Ah, hindi naman sa ganun, Vandeon..."

"Napapansin kong kanina ka pa tahimik. Did I make you uncomfortable? I'm sorry," halos pabulong ang kanyang tawad.

Mabilis naman akong umiling at pilit ngumiti sa kanya. Hindi naman sa hindi comfortable, hindi ko lang maintindihan ang sariling damdamin. I shouldn't feel this.

"Ah, hindi naman, Vandeon! May iniisip lang!"

Muli kong binalik ang atensyon sa pagkain ngunit hindi ako makapukos. Ramdam na ramdam ko ang kanyang mga titig sa akin. Kinabahan bigla ako baka magalit na naman siya sa akin. Nakita ko na kasi siyang magalit at masasabi kong hindi talaga maganda. I don't want to see that side of him. Mas gustuhin ko pa ang tahimik na Vandeon.

"Tell me if you don't like the food. I will try next time,"

"The food is fine, Vandeon. Ah—" paano ko ba ipapaliwanag ito. Baka iisipin niyang hindi ko nagustuhan ang niluto niya. Ang hirap naman nito oh! Nakakainis naman.

Tumaas ng bahagya ang kanyang kilay. Nakatitig parin siya sa akin pero sa pagkakataon na ito ay sobrang lalim na.

"I can see it in your eyes that you're not happy. Is it because I brought you here? I'm sorry, Almika. We will go to another place tomorrow. " he stood up kayat mabilis din akong tumayo para sabihin sana sa kanya na ayos lang sa akin na nandito ako.

"V-Vandeon..."

But he walked away, without looking at me. Kumirot ng kaonti ang puso ko roon. Shit!

Kung pwede lang sabihin itong nararamdaman ko baka kanina ko pa ginawa. Naduduwag ako, tangina!

Bumalik ako sa kinauupuan ko. Tiningnan muli ang pagkaing malapit nang maubos. Tatapusin ko na lang muna siguro ito tsaka ko kakausapin si Vandeon. Papaano ko naman gagawin ito? Tatabi parin ba kaya siya sa akin?

Pagkatapos kong kumain ay niligpit ko ang pinagkainan namin. Kinuha ko ang kanyang pinggan at dumeretso sa sink. Dahan-dahan kong binuksan ang faucet at sinumulan nang hugasan ang pinagkainan. Medyo madulas ang pinggan dahil siguro iyon sa ulam naming mantikain. Nagluto kasi ng adobo si Vandeon. It was really good. Kung wala lang akong iniisip kanina baka marami akong nakain.

Binanlawan ko ang huling plato at akma na sanang ilalagay sa lagayan nang bigla kong masangga ang kutsilyong ginamit na Vandeon kanina. Kaagad kong kinagat ang aking labi nang makita ang hiwa sa aking kamay.

Nanginginig kong kinuha ang kutsilyo at hinugasan iyon. Nilagay ko sa lalagyan pagkatapos ay hinugasan ko ang aking sugat ngunit hindi parin tumitigil ang dugo.

"Shit! Baka makita ni Vandeon," bulong ko. Unti-unti ng nararamdaman ang hapdi.

Kinuha ko ang phone ko sa mesa. Tinungo ang kwartong tinuro niya kanina. Binuksan ko iyon ng dahan-dahan. Walang bumungad na Vandeon sa akin. Saan siya natulog? Sa kabilang kwarto?

BS03: Hidden Son Of Mr. SantfordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon