Chapter 33

3K 82 2
                                    

Almika's POV

"Mommy! I want to play with Peyton, later!"

"Sure! Basta huwag lang kayo lumayo ah? Or lumabas ng bahay. Baka may kumuha sa inyo at kakainin kayo rawr!" Kiniliti ko ang bewang niya kayat tawa siya ng tawa.

"Mommy! Hahaha stop it! Mommy!"

"Kakainin kita,Vandish!"

"Mom! Hahaha! Mommy!"

Ngumiti ako habang pinapanood ang anak kong tumatawa. Ayokong nakikitang umiiyak siya dahil nasasaktan ako. Hindi naman iyakin si Vandish, umiiyak lang siya kapag nasa binggit kami ng kamatayan. That's why I don't want to leave him, hindi ko alam kung kailan ako mawawala or hanggang kailan ako mananatili sa lugar na 'to, but I'll promise to myself that I will protect him no matter what happens.

Gusto ko siyang makitang lumaki. Ano kaya ang magiging itsura niya kung ganun? Sigurado ako na halos mukha ni Vandeon ang magagaya niya. Hays, talong-talo talaga ako. Ako ang nag-alaga, nagluwal tapos halos sa ama ang nakuha. Ang unfair naman.

Ngayon ay dumadami na ang mga kalaban, dumadami nadin ang nagtatangka sa pamilya namin. Siguro ay dahil related kami kay Vandeon? Marami siyang mga kalaban at hindi lang basta-bastang mga kalaban iyon. Nasa mataas na posisyon at mataas na ranggo. Kahit anong mangyari, hindi rin naman aatras si Vandeon. Sasabak talaga ng patayan ang mokong na 'yon. Tingnan mo nga ngayon oh, muntik nang tuluyan ni Penelope. Mabuti nalang nakita namin siya, kung hindi ay talagang tapos ang buhay niya.

"Mommy!"

"EHEM!"

Nabalik ako sa wisyo nang makarinig ako ng malakas na tikhim. Napalingon ako sa likuran ko sabay singhap nang mamukhaan ko kung sino iyon. Walang iba kundi si Kace Gunner Velasquez. Nakangisi pa ang gago habang nakatingin sa akin. Punyeta! Naiilang ako dahil naging crush ko noon si Kace. Landi mo Almika. Huwag niya kasi akong ngitian ng ganyan, naka-move on na ako oh!

Ay nga pala, bakit hindi niya kasama si Freena? Maayos na siguro ang lagay nun ngayon.

"Kace, napadalaw ka?" lumapit ako sa kanya.

"Long time no see, Almika! I missed seeing your beautiful face!" tingnan mo nambola pa.

Ni hindi nga ako pinuri nu'ng kasama niya si Freena tapos ngayon na wala, ang lakas ng loob manuri. Nakakasakit sa lungs ah.

Pakiramdam ko namula ako roon. Pero chill lang dapat. Shutaness!

"Tumigil ka Kace, baka biglang tumayo 'yung diwa ni Vandeon at sapakin ka na naman." seryosong sabi ni Kiefer na kararating lang.

Napangiwi naman ako habang si Kace ay napakamot sa ulo niya. "Gusto ko lang naman batiin si Almika, mas lalo kasi siyang gumanda ngayon,"

Eh? Bakit ang corny ngayon ni Kace? Masyado yatang good-mood ngayon si Kace ah. Sino naman kaya ang dahilan? Mabuti na lang marunong na siyang ngumiti at magloko ngayon, hindi tulad noon. Minsan lang siya ngumingiti. Ang laki raw kasi ng problema niya, hindi naman halata na meron.

"Ano pala ang ginagawa niyo rito? Wala ba kayong trabaho?" pagkuan na tanong ko. Binalingan ko nang tingin si Vandish tsaka tumango sa kanya. Agad naman siyang umalis at pumasok sa loob ng kwarto ko kung nasaan si Vandeon. He closed the door.

"Wala kaming mga trabaho ngayon sa kompanya. May party kasi kaming pupuntahan mamaya, we need to attend in that party," seryosong sabi ni Kiefer. Oh! About pala sa party. Importante siguro 'yung party na magaganap mamaya.

Tumango-tango ako. "Hindi ka ba pupunta, Almika?"

"Hindi eh. Kailangan ko kasing samahan si Vandish dito at bantayan si Vandeon." Nilingon ko ang nakasarang pinto. Rinig ko namang sabay na nagmurahan ang dalawa at tila may binulong pa. Hindi ko narinig dahil ang hina-hina ng boses nila. Ayoko rin namang maki-chismis.

BS03: Hidden Son Of Mr. SantfordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon