Chapter 39

9.9K 238 2
                                    

Almika's POV

"Anong ginagawa mo dito. Bakit ganyan ang mukha mo?"gulat na gulat ako sa kalagayan ni Vandeon ngayon. Kung hindi dahil sa boses niya hindi ko siya makikilala. What is happening to him? Bakit mas lalong dumami ang sugat niya ngayon.

Umiwas ako ng tingin sa kanya. Naalala na naman ang nangyari kani-kanila lang. Mabuti nalang ay kumalma na kaming dalawa. Pero kapag nakikita ko ang mga sugat niya ay tumataas ang kaba ko.

"I c-can't." hirap niyang salita. Umirap naman ako. Hinila ko siya papasok sa loob ng bahay.

Kapag hindi agad maagapan itong sugat niya mauubusan siya ng dugo. Ano ba kasing pumasok sa kokote niya bakit niya hinayaang malagyan ng mga pasa ang mukha at katawan niya? Hindi ba siya lumaban pabalik? Pang ilang beses na itong nangyari sa kanya. Hindi ba siya nagsasawa? Kasi ako sawang-sawa na ako sa pagmumukha niya. Kapag kaharap ko siya may baon talaga siyang sugat sa katawan.

Nanghihina ka na ba talaga ngayon, Vandeon? Argh! Kahit na may malaki kang kasalanan sa akin, hindi ko maiwasang hindi mag-aalala sayo. Punyeta ka talagang hayop ka e noh.

And about sa sinabi niya kanina...
Talagang siguraduhin niya lang talaga. Ayaw kong masaktan ang anak ko.

"Mommy! What happened to daddy!" nag-aalalang singhal ni Vandish. Kasama niyang lumabas ang katulong namin.

"Ako na ang bahala sa daddy mo, Vandish. Pumasok ka muna sa kwarto mo."

"But, mommy! I want to talk with daddy!"

"This is not the right time, Vandish. Bukas na kayo mag-usap okay? Sleep well, baby." Hinalikan ko siya sa noo tsaka ako umakyat ng hagdanan. Dinala ko siya sa loob ng kwarto ko. Hiniga ko siya sa kama at unti-unti ko ring hinubad ang sapatos niya.

"You looked messed tonight, Vandeon. What did you do again this time. Baliw ka na? Gusto mo na bang magpakamatay? Tangina mo." bulong ko.

Humakbang ako patungo sa kabinet ko. Nilabas ko ang medicine kit. Nag lagay na rin ako ng tubig sa timba. Ngayong gabi ko lamang gagawin 'to sayo, Vandeon.

Baka kasi kapag magtagal ka rito, bigla ka na na namang mawawala nang walang pasabi. Kaya bukas na bukas ay pwede ka nang umalis sa pamamahay ko, bumalik kana sa asawa mong si Yeena. Ituloy mo ang sinimulan mo. Ayusin mo muna ang sarili mo tsaka kita tanggapin.

Titiisin ko na lamang muna ang sakit, lalaban ako para sa anak natin. Sana naman ay simula bukas ay may magbabago. Mahal kita pero hindi kita agad agad tatanggapin.

Binasa ko ang towel. Dahan-dahan akong tumayo para hubarin ang damit niya. Puno pa ito ng dugo. Sobrang saklap naman ng lagay niya ngayon. Sino ba kasi ang may gawa nito sa kanya? Hindi na ba siya marunong lumaban?

"Demonyo ka, Vandeon. Bakit mo sila hinayaan na sugatan ka nang ganito," gusto kong umirap sa inis at galit. Ang lakas ng loob niyang kalabanin si Penelope tapos ngayon hinahayaan niya lang ang mga kalaban niya na saktan siya ng ganito.

Fvck them.

Mamatay na kayo.

Hinawakan ko ang damit niya. Akma ko na sanang itong huhubarin nang bigla niya na lamang akong hinila. Tangina.

Napasubsob tuloy ang mukha ko sa katawan niyang may bahid ng dugo.

"Vandeon! You shit!" iritado kong sigaw. Pero imbis na bitawan niya ako, tumawa lamang siya ng mahina, sinabayan pa ito ng ubo.

"Ano ba! Bitawan mo nga ako, gagamutin ko pa ang sugat mo."

"Please stay like this, I miss you, baby."

BS03: Hidden Son Of Mr. SantfordWhere stories live. Discover now