Chapter 28

2.7K 61 2
                                    

FLASHBACK

Third Person's POV

"Hi, Almika, saan ang tungo mo ngayon?" tanong ng kaibigan ni Almika sa kanya. Nasa loob sila ngayon ng university.

"Pupunta akong bar mamaya. Inimbita kasi ako nila Nale, hindi ako makatanggi. Bakit mo naitanong?" kunot noong tanong ni Almika sa kaibigan.

Ngumuso naman ang kaibigan niya at nag puppy-eyes pa talaga sa harapan niya kayat napangiti siya ng wala sa oras dahilan nang pag lingon ng mga kalalakihan sa loob ng campus. Hindi niya maiwasang hindi mailang sa mga lalaki dahil ang iba ay nililigawan siya at ang iba naman ay nakikipag-kaibigan sa kanya. She wants to be independent ngunit tadhana talaga ang gumagawa ng lahat para sa kanya. Ayaw niyang pinag-uusapan siya, sineselosan ng iba. She's rich and have a beauty that no one can't resist including, Vandeon.

"Ang ganda mo talaga, Almika, naiiyak ako!" angil ng kaibigan niya at humawak sa braso niya.

"Ewan ko sa'yo!"

"Gusto kong sumama mamaya sa'yo, Almika. Akala ko talaga good girl ka, nagba-bar ka din pala," tumawa ang kaibigan niya. Akala nga rin ng iba na hindi siya bulakbol at hindi gumagawa ng kagaguhan.

Sa katunayan nga ay, naninigarilyo si Almika at umiinom nang palihim dahil ayaw niyang mahuli siya ng kanyang ama. She's good in martial arts too, tinuturuan din siya ng Mommy niya kung paano depensahan ang sarili, lalo na noong nasa murang edad pa lamang siya. But she's scared sometimes to fight back.

"I heard na nililigawan ka din ni Vandeon ah? Totoo ba 'yon?"

"Saan mo naman narinig 'yan? Ako liligawan nu'n? Ni hindi ko nga makausap ng matino ang lalaking iyon eh. He's cold and hard to talk."

"Weh? Sa ganda mong 'yan? Bagay na bagay kayong dalawa ni Vandeon. Perfect match!"

Kilala ni Almika si Vandeon. Business partners kasi ang pamilya nila pero hindi talaga sila nag-uusap. Gustong kausapin ni Almika si Vandeon pero natatakot siya at nahihiya na lumapit baka magalit ito at mainis sa kanya. Masama kasi itong tumitig sa kanya, parang may galit lagi. Wala naman siyang ginawang masama, pero baka ganu'n lang talaga tumitig si Vandeon.

"PARTY! PARTY!"

****

"He's your child! Anong klaseng kahayupan itong pinaplano mo!" 

"He's bond to die, Veronica!"

Malakas na sinampal ni Veronica ang mukha ni Miguel. Hindi inaasahan ni Veronica na gagawin ito ng asawa niya sa anak nila, hindi ganito ang gusto ni Veronica para sa anak. Panganay na anak si Vandeon at ayaw niya 'tong mawala, ngunit sa tingin niya ay huli na ang lahat. Nakatakdang mamatay ang panganay nila kahit na itago pa nila 'to.

"Bata pa si Freena para maranasan ang kahayupang 'to, Veronica, hindi pa naman mamatay si Vandeon. Matagal pa--"

Sinampal muli ni Veronica ang asawa. "Anak mo si Vandeon! Anak natin 'yon! Walang hiya ka! Bawiin mo ang kasunduan na 'yon, putangina ka! Ayokong mawala ang anak ko, Miguel. Bakit mo ginawa sa akin 'to? Anong klaseng tao ka? Or tao ka pa ba?"

"Mahirap rin sa akin ang desisyon 'to, Veronica, pero kailangan natin ibigay si Vandeon sa kanila kundi papatayin nila sina Skie at Freena,"

"Napakahirap mag-desisyon, Veronica, gusto kong itakas si Vandeon at lumayo-layo pero hawak nila ang buhay ko at buhay mo ngayon. Wala tayong laban sa mga iyon, bagsak na rin ang kompanya natin. Ayokong ibayad si Vandeon or gawing panangga sa lahat ng 'to. Ang dami na nating utang sa kanila, Veronica, paano natin mababayaran ang lahat ng 'yun?!"

BS03: Hidden Son Of Mr. SantfordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon