Chapter 40

11.5K 237 11
                                    

Third Person's POV

"Ang lakas din naman pala ng loob mong magpakita ngayon sa gan'yang kalagayan. Sa tingin mo ba kaya mong labanan ang kaibigan mo?" mariin na tanong ng matanda kay Vandeon. Hindi siya umimik, nanatili lamang malamig ang kanyang mukha. Nasa malawak na field sila ngayon, teritoryo ito ng mga Alcazar. Sa harapan niya ay sina Mr. Alcazar at Yeena na nag-aalalang nakatingin sa kanya. Nakagapos ang mga kamay nito. At ang anak niya namang si Vandish ay nakayuko habang nakakadena ang mga paa at kamay nito. Sa pag kakataon na 'to, gusto niya nang sumugod, gusto niyang iligtas ang anak niya, pero? May kondisyon ang matanda. Hindi siya pwedeng basta-basta na lamang sumugod kundi patay talaga ang anak niya.

"Naaawa ako sa kalagayan mo ngayon, Vandeon. Kung hindi mo sana ako tinakasan sa tingin mo ba mangyayari ang lahat ng 'to? Matalino ka hindi ba, Santford? Anong nangyari?" tumawa ng napakalakas ang matanda. Pati mga kaibigan niya ay nagtitimpi narin. Hindi sila pwedeng sumali sa laban, nasa patakaran 'yon ng matanda. Gusto nilang tumulong pero hindi talaga pwede. Papatayin nila si Vandish kung hahayaan niya ang mga kaibigan niyang tumulong.

"Alam mo bang galit na galit na ngayon ang tigre? Gusto ka rin niyang patayin, Vandeon. Ang angas-angas mo kasi!"

"Dami mo pang sinasabi! Tangina mo!"

"VANDEON, KUMALMA KA!"

Imbis na makinig sa kaibigan niya ay hindi niya ginawa. Sinamaan niya ng tingin ang matanda dahilan nang pag atras nito pero may ngisi parin sa labi.

"Ilabas si Donovan!" malakas na sigaw ng matanda. Bumukas naman ang malaking gate, niluwa nito si Arkanghel na walang emosyon ang mukha. Punit na punit na ang kanyang damit at magulo rin ang kanyang buhok.

Hindi napatinag si Vandeon. Alam niya kung anong pakay ni Arkanghel dito, lalaban siya para kay Yeena at lalaban naman siya para sa anak niya.

"Arkanghel!" malakas na sigaw ni Kiefer pero tila walang narinig si Ark. Na kay Vandeon ang buong atensyon niya, tatalunin niya si Vandeon para makuha niya si Yeena.

"Magaling! Magaling!" sabay silang napatingin sa matanda. Pumapalakpak ito na tila aliw na aliw sa nangyayari.

"Matira matibay! Kung sino man ang mananalo makukuha niya ang gusto niya, sa matalo naman? May sopresa ako, at sa tingin ko ay matutuwa kayo sa palabas."

Pinikit ni Vandeon ng mariin ang kanyang mga mata. Pinakiramdaman niya ang buong paligid, maraming mga taong nakapalibot sa kanila. Hiyaw ito ng hiyaw na tila natutuwa sa palabas. Well, sino ba naman ang hindi matutuwa? Sikat silang dalawa sa society, hindi lang sikat, mayaman at hinahangaan din. Kilala din silang mga prinsipe dahil sa ambag nito sa negosyo, matatalino din sila pero mailap sila sa mga babae. Kahinaan ng mga mayayaman.

Muling minulat ni Vandeon ang mga mata. Sumalubong sa kanya ang kamao ni Arkanghel, hindi niya agad nailagan 'yun kayat tumama ito sa pisnge niya. Hindi pa magaling ang mga sugat niya, ni hindi pa nga nagamot ng maayos dahil sa matinding usapan nina Almika kagabi. Pero kahit na gan'un. Lalaban parin siya ng patas. Ililigtas niya ang anak niya, kahit na ang kapalit nito ay ang buhay niya.

"You're still weak, Vandeon, bakit ka pa pumunta," mariing saad ni Arkanghel sa kanya habang siya naman ay iniiwasan ang suntok nito.

"I want to save my son, Donovan. Spare your life." sagot niya sabay sipa sa mukha ni Arkanghel kayat napaatras ito. Hindi pa nakuntento si Vandeon, lumapit siya sa kabigan tsaka sinuntok nang paulit-ulit ang mukha ngunit hindi ito gumagalaw.

Nagtataka siya bakit hindi man lang umiiwas si Ark? Hinayaan niya lamang si Vandeon na puruhan siya. Ano ba talaga ang balak ni Donovan?

"You can save your son and I can save my woman. Stay cool, Vandeon, we can make it," ngising sabi ni Ark. Hinila niya ang kwelyo ni Arkanghel. Sinamaan niya ito ng tingin, gusto niyang lumaban ito ng patas. Kung gusto niya talagang tulungan si Yeena, dapat gumalaw siya.

BS03: Hidden Son Of Mr. SantfordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon