Chapter 30

3.1K 64 0
                                    

Riley's POV

"Balita ko may balak daw na atakehin nina Kiefer ang NightOut mamaya. Hahayaan mo na lang ba 'yon, Riley?" seryosong tanong ni Vena tsaka sumipsip sa kanyang kape.

Suminghap ako at tumango. Wala naman akong magagawa kung 'yon ang desisyon ni Kiefer, gusto niya talagang talunin at pabagsakin ang mga taong iyon. I saw him yesterday talking to a woman, hindi ko 'yon kilala but I think she can help him. Halata naman kasi sa mukha na palaban din ang babaeng 'yon at tungkol sa trabaho ang pinag-uusapan nila. Nasaktan ako kaunti nu'n kasi pakiramdam ko wala siyang tiwala sa akin, kaya ko rin namang lumaban at pumatay ng mga kalaban, but hindi man lang siya lumapit sa akin instead naghanap pa.

"Sabagay. Malakas at matibay naman ang bungo nu'n."

"Yup! Sa tingin ko matatalo nila ang mga kalaban roon pero sayang ang bar. Baka pasabugin nila."

Umiling ako sa kanya at sinagot ang tanong ni Vena.

"Wala. Kaya niya naman ang sarili niya." Tumayo ako mula sa kinauupuan ko. Nagpasya na lapitan ang anak ko na nakikipag-laro kay Vandish kasama na naman ang kuting niya. I sighed deeply while coming to their direction. Gusto kong mag-relax ngayon, 'yung tipong walang Kiefer na nag-eexist.

"Mommy?" Tumingala si Peyton. I smiled at him and touch his face. Kamukhang-kamukha niya talaga si Kiefer, dugong Montefalco talaga.

"Wanna come with me?"

"Where po?"

"I'll take you somewhere, baby. Lalabas tayo," ngumiti ako. Ngumiti rin ako kay Vandish na nakatingin lang sa amin, walang emosyon ang kanyang mukha. He's a cool kid, may pinagmanahan.

"May rides po ba?"

"Yes, baby."

"Yehey! I'll go with you, Mommy!"

Hinaplos ko ang buhok niya. "Alright. Tell to your yaya na may pupuntahan tayo, and change your clothes. I'll be waiting here, okay?"

"Opo, Mommy!"

Ngumiti siya sa akin bago tumakbo palapit sa yaya niya. Napabuntong hininga naman ako sabay yuko. Tila nawawalan na ako ng gana ngayon. Sa tingin ko maraming sekreto ngayong tinatago sa akin si Kiefer. I want to know it all.

Tumayo ako. Hinarap ko ang mga kasamahan ko. Nagulat ako nang magtama ang mata naming lahat, bakas sa mukha nila ang pag-aalala ngunit ngumiti lamang ako. Ayokong ipahalata na meron akong problema ngayon. I can handle this alone. Its not a big deal.

"Kami na muna ang bahala rito." Tinapik ni Vena ang pisnge ko. Napasimangot naman ako sa ginawa niya. "Mag-iingat kayo ah? Protektahan mo 'yang anak mo."

"Magaling naman makipag-laban si Riley, Vena. Sigurado akong matatalo niya ang sinumang babangga sa landas niya." saad ni Almika. Ngumiwi ako sa kanilang dalawa. Honestly, tinatamad akong makipag-basag ulo ngayon.

"Kahit na. Mag-iingat kayo."

Tumango ako sa kanilang lahat at nagpa-salamat. Hinawakan ko sa kamay si Peyton tsaka kami sumakay ng sasakyan.

"Hindi ba sasama sa atin si Daddy, Mommy?"

"Hindi, anak. He's busy right now, tsaka na kapag hindi na siya busy. Is that okay?"

"Yes po!"

I smiled and watch our driver sa tinatahak nitong daan. I don't know kung saan kami magsisimula ngayon. Lutang na lutang talaga ang isip ko ngayon. Hindi ko kasi maintindihan si Kiefer, I can help him naman, I can fight too. May alam din naman ako sa mga bagay bagay, why chose that woman? Dahil ba sexy siya, maganda at mayaman? I am too but not that too sexy because I'm pregnant right now and he doesn't know yet. That fvcking bastard, I hate him.

Umirap ako.

"Ma'am, parang may sumusunod po sa atin!" kinakabahan na usal ng driver namin. Napalingon naman ako sa likuran namin at napamura. May sumusunod nga sa amin, hindi lang isang sasakyan kundi tatlong sasakyan. Shit!

"Maghanap ka ng masikip na daan kahit delekado pasukin mo!" malakas na sigaw ko sa kanya tsaka nilingon ko ang anak ko na tila mas kalmado pa sa akin.

"You're not afraid, are you?" kunot noo kong tanong kay Peyton.

"Nope, Mommy. I think they're weak," nilingon niya ang mga sasakyan na sumusunod sa amin. "Bodyguards lang naman ang mga 'yan, Mommy." pagkatapos niyang sabihin iyon ay tinuon niya muli ang tingin sa harapan. Halos hindi naman makapaniwala sa naging reaksyon niya. Mas matalino pa sa akin ang batang 'to ah. Paano ko ba ginawa 'to?

"Kahit na, anak. Hindi parin sila mabuting tao, target nila tayo ngayon at sigurado akong papatayin nila tayo. Look at me, Peyton. Kahit anong mangyari huwag na huwag kang magpapahuli sa mga 'yon, understand?"

"How about you, Mommy? I can't leave you behind, Mommy!"

"I'll go with you, son. Don't worry I won't leave your side. Trust me this time,"

"Anong gagawin mo, Mommy?" this time ay nanlaki na ang kanyang mga mata. Hindi ko inaasahan 'yon pero ngumiti parin ako at hinalikan ang noo niya habang ang driver naman namin ay tila nahihirapan nang makalayo sa mga kalaban. Ewan ko kung anong daan na itong tinatahak namin, masikip na siya at mas lalong delekadong tingnan dahil sa mga punong nakapaligid sa buong lugar. I can't take this anymore.

"Sumama ka kay Manong, Peyton. I will deal with those idiots outside. Susunod ako,"

"No! Don't, Mommy! You said you'll be coming with me! No!"

"Peyton. Susunod ako sa inyo, okay? I want you to be safe, Peyton. I won't let them hurt you, baby. Trust me, susunod ako." Nilingon ko ang driver namin. Napasinghap ako nang makitang dead-end na ang tinatahak naming daan.

"Mommy..." 

"Take care of my son. Sa tingin ko may maliit na daan diyan sa left side. Pasukin niyo 'yon at humingi kayo ng tulong sa mansyon. Susunod ako."

Mabilis na tumango ang driver at lumabas. Tangina! Hurry up! Habang wala pa ang mga kalaban. "Mommy! No! Mommy!" Umiwas ako ng tingin sa anak ko. Hinawakan ko nang mahigpit ang baril na nasa kamay ko ganu'n din ang katana sa kaliwa ko. I can do this, kaya ko pang lumaban ngayon kahit may dinadala akong tao sa sinapupunan ko. Hold on, baby.

Maya-maya pa ay may humintong mga sasakyan sa harapan ko. Kinagat ko nang mariin ang labi ko upang pakalmahin ang sarili. Tila may bumabara sa lalamunan ko ngayon, tangina naman oh!

"Ma'am Montefalco." tawag sa akin ng isang lalaking nagmula sa loob ng sasakyan. Nabigla ako sa tawag niyang iyon at mas lalong nanlaki ang mata ko nang mamukhaan ko ang mga taong nasa loob ng sasakyan.

"Riley..."

Napaupo ako.

"What the fvck is the meaning of this?! Gusto mo na naman bang lumayas kasama ang anak natin?!" galit na sigaw ni Kiefer sa harapan ko. Kitang-kita ko ang pag-aalala, sakit, at galit mula sa mukha niya. Kuyom ang mga kamao niya na para bang gusto niyang manakit ng tao.

"Fvck!"

"Riley. Answer me,"

Yumuko ako kasabay nito ang pagtulo ng luha ko. Hindi naman ako lalayas, akala ko masamang tao sila. I'm just scared to lose someone, and I'm not scared to fight back.

"What did I do again this time, Riley? Bakit gusto mo na namang layasan ako? Tell me..." Dahan-dahan siyang humakbang papalapit sa akin. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko ngayon at mas lalong lumakas pa ang iyak ko.

"I..."

"Mahal na mahal kita, Riley. Natatakot ako na maiwan ulit, na iwan mo ulit. Huwag mo naman akong patayin sa kaba, Riley. Don't do this again, please. Don't leave me again." Hinaplos niya ang mukha ko sabay yakap sa akin.

"I'm fvcking scared, Riley."

"Don't scare me like that."

****

THE MAFIA BOSS SON(BS02)
Ibabalik ko siya here soon. Hintay hintay lang.

Don't forget to hit the vote button and leave a reaction for more updates! Happy reading.

BS03: Hidden Son Of Mr. SantfordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon