Chapter 16

10.3K 296 2
                                    

Almika's POV

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa balat ko. Dahan-dahan akong bumangon mula sa kama. Mabilis namang tumayo si Riley sa kinauupuan niya, inalayan niya akong umupo ng tuwid, napansin ko ring kaming tatlo lamang ang andito. Si Penelope, Riley at ako. Where's the others? And where's my son?

"Ayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong ni Penelope ngunit bakas sa mukha niya ang pagkairita. Bakit na naman kaya?

Wala na kasi akong ibang naalala bukod sa nahimatay ako sa harapan ni Vandeon kahapon. Ginawa ko ang makakaya ko upang labanan si Vandeon, I did it. Nakuha ko si Vandish mula sa kanya, mabuti nalang walang nangyari sa anak ko. Wala siyang sugat na natamo, mukhang inalagaan niya. Pero wala akong pakialam, sa mga mata ko ay mamatay tao parin siya. Hindi 'yan mawawala sa isip ko.

"Where's my son? Saan na naman dinala ni Vandeon ang anak ko, Riley?" nagtitimping tanong ko. Gusto kong tumayo para makita ang anak ko pero mas pinili ko na lamang umupo at kumalma, wala naman sigurong nangyari sa anak ko hindi ba? At kung hindi ako kakalma ngayon, siguradong gulo ang aabutin ko.

Tinapik ni Riley ang likod ko, sobrang tamlay ng mga mukha nila na para bang may masamang nangyari. Mas lalo tuloy akong naguluhan sa mga kinikilos nila, ano ba kasi ang nangyayari? Saan na naman dinala ni Vandeon ang anak ko? Tangina! Mukhang hindi ko yata kayang pakalmahin ang sarili ko ngayon. I need to see my son, papatayin ko na talaga si Vandeon pag nagkita kami.

"He's fine naman, Almika, kaya lang..." Lumunok ng paulit-ulit si Riley. Bigla akong ginapangan ng kaba sa reaction niya, si Penelope naman bumuntong hininga tsaka umiwas ng tingin sa akin.

"Ano, Riley? Sabihin mo na!"

"Dinala ni Vandeon sa ibang bansa si Vandish, Almika, hindi mo na makikita ang anak mo." malumay na sagot niya.

W-What?

"You're kidding right?" putang ina! Not again please. Pagod na ako, tangina talaga, Vandeon. Hindi ka talaga magpapatalo! Argh!

Bigla akong nanlumo sa kinauupuan ko. Nanginginig kong hinawi ang kumot na nasa katawan ko, dahan-dahan akong bumaba habang may kaba at takot sa dibdib.

"Hindi ako naniniwala! Ano ba 'yang pinagsasabi mo, Riley, hindi ako iiwan ng anak ko!" this time naramdaman ko na ang likidong tumulo mula sa pilak kong mga mata.

"He won't leave me here! He won't!" Mabilis kong binuksan ang pintuan, ngunit pinigilan ako ni Penelope.

"Ano ba! Bitawan mo 'ko Penelope! Kukunin ko ang anak ko!"

Hindi. Nagbibiro lang sila, hindi ako iiwan ni Vandish. Iiyak 'yun eh kapag wala ako sa tabi niya, hindi siya sanay na wala ako, mahal na mahal ako ng anak ko, alam kong hahanap-hanapin niya ako.

"Wala na sila, Almika, kahapon pa ang flight nila."

Tinapunan ko sila ng masamang tingin. Yumuko si Riley habang si Penelope naman ay pinipigilan akong lumabas
Pinikit ko nang mariin ang mata ko.

"Bakit hindi niyo man lang pinigilan si Vandeon?! Bakit niyo hinayaang makalayo ang gagong 'yon?! Ano ba! Bitawan mo 'ko Penelope! Bitawan mo 'ko!" wala man lang kayong ginagawa, hindi ninyo kinuha ang anak ko. Takot na takot din ba kayo kay Vandeon kayat hindi kayo makapalag sa kanya? Akala ko ba mga gangsters kayo? Tangina! Wala kayong mga silbi.

"Bitawan mo 'ko sabi eh!" galit na usal ko sabay tulak kay Penelope.

"Almika!"

Mariin ko silang tiningnan. Hindi ako makapaniwala na hinayaan lamang nila si Vandeon na umalis, akala ko ba tutulungan nila akong patumbahin si Vandeon? Pero ano itong ginagawa nila, pinatakas nila ang demonyong 'yon at kasama pa ang anak ko. Hindi ba sila naaawa sa akin, anak ko na lang ang natira sa akin, wala na akong mga magulang. Bakit pa nila pinagkait ang tanging kasiyahan ko? Am I not enough? Hindi pa ba ako sapat? Ano pa ba ang pwede kong gawin! Kasi pagod na pagod na akong lumaban! Tangina mo, Vandeon, makikita mo talaga ang hinahanap mong hayop ka.

BS03: Hidden Son Of Mr. SantfordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon