Chapter 11

13.1K 338 7
                                    

Third Person's POV

Tatlong linggo na ang lumipas hindi parin gumigising si Almika. Ang nagba-bantay lamang sa kanya sa loob ng hospital ay si Freena at Riley na kapwa nag-aalala sa kalagayan niya. Saglit na tumayo si Riley para tingnan kung magigising na ba si Almika, habang si Freena naman nag-iisip kung nasaan ang kanyang Kuya pumunta. Nadatnan na lamang nilang dalawa si Almika na nakahandusay sa labas ng kompanya ni Riley, pasa ang pisnge nito na tila sumabak sa matinding laban. Nagtaka silang dalawa bakit may mga pasa ito at bakit hindi niya kasama ang anak. Pati ang pinadalang tauhan ni Riley ay wala roon sa pinaggalingan ni Almika. Hindi niya alam kung nasaan ang taong iyon at kung anong nangyari sa kanya. Hindi naman siguro siya lolokohin ng lalaki dahil malaki ang kanyang binayad roon. Hindi niya na kinontak pa ang lalaki dahil tapos  na ang trabaho nito. Hindi nagtagumpay si Almika.

"Where is your brother, Freena? Wala ka ba talagang alam or you're just hiding him." seryosong sabi ni Riley sanhi ng pag agaw ng pansin ni Freena. Tumikhim naman siya at binalingan ng tingin si Almika.

"I didn't. Hindi ko alam kung nasaan ang Kuya ko, hindi ko na siya makontak kahit sa sarili naming kompanya ay walang nagsasabi kung nasaan siya," paliwanag ni Freena. Kung nasaan man ang Kuya niya ngayon, paniguradong may ginawa na naman 'yung mali.

"He take his son with him, nilayo niya kay Almika ang bata, Freena. Anong plano ni Vandeon sa bata. This is so fvck up! We need to find him as soon as possible."

"How can we find him? Miski sina Evadne ay hindi nila alam kung papaano o saan hahanapin si Kuya, matalino ang Kuya ko Riley. Hindi siya basta-basta gagawa ng plano na hindi iniisip kung ano ang kinalalabasan."

Umupo si Riley sa kama na hinihigaan ni Almika. Tama nga si Freena, matalino si Vandeon, kung nasaan man siya ngayon, sana ay hindi niya sasaktan ang bata.

Bumuntong hininga si Freena, nilabas niya ang cellphone niya mula sa bag at pilit kinokontak ang kapatid pero hindi niya talaga ma-kontak. Sarado din ang mga social media nito, kahit na tungkol sa kanya ay wala ng balita. Sobrang tahimik na ng pangalan ni Vandeon, binayaran siguro nito ang media para pagtakpan siya.

"Kalaban ba natin ang Kuya mo sa labang 'to, Freena?" wala sa sariling tanong ni Riley sabay tingin kay Freena na dahan-dahang yumuko.

"I don't know. Hindi ko alam na ha-
hantong sa ganito ang lahat, hindi naman siya ganiyan dati hindi ba? Nawala lang ako ng limang taon, pag uwi ko naging ganito na siya. What's wrong with him?" miski siya ay may malaking katanungan sa isip. Bakit ginagawa ni Vandeon ito? Kung ano man ang plano niya ay sana hindi siya magtagumpay.

"I hope he's not the villain of this story." bulong ni Riley kasabay nito ang dahan-dahang pag mulat ng mga mata ni Almika. Mabilis namang tumayo si Riley at Freena. Nilapitan nila si Almika.

"Finally, you're awake. How's your feeling?" bungad na tanong ni Freena rito, ngunit agad na kumunot ang noo ni Almika, nilibot niya ang tingin sa buong paligid sabay hawak sa kanyang ulo.

"Argh! What am I doing here?" takang tanong niya. Lumapit si Riley sa kanya at hinawakan ang kanyang mga kamay. Sana ay hindi banggitin nito ang pagkawala ng kanyang anak.

"Natagpuan ka naming walang malay sa labas ng kompanya , mabuti na lang nakita ka namin ni Freena kaya't dinala ka namin agad dit...Hey! Hey!" hindi natapos ni Riley ang kanyang sasabihin nang biglang bumaba si Almika mula sa kama.

"Where's my son! Fvck! I need to save my son! Ha-hanapin ko ang anak ko!" Akma na sanang lalabas si Almika nang pigilan s'ya ni Freena. Mahigpit nitong hinawakan ang braso ni Almika, dahan-dahan namang bumaba si Riley at tumulong na rin sa pag hila kay Almika pabalik sa kama nito.

"Damn it! Let me go guys! I want to save my son! Kukunin ko siya sa ama niyang mamatay tao! Bitawan niyo 'ko! Ano ba!" Pilit niyang tinatanggal ang pagkakahawak nina Riley at Freena sa kanya pero masyadong malakas ang dalawa kaya't nahila nila ito palayo sa pintuan.

"Hindi mo alam kung saan hahanapin ang anak mo, Almika! You need to calm down first! Kakagaling mo lang!"

"No! No! Let me go! Baka kung ano pa ang gawin ni Vandeon sa anak ko. Please let me out, hahanapin ko ang anak ko. Hayaan niyo na ako." Sabay na umiling ang dalawa kay Almika.

Tumutulo na ang mga luha ni Almika ngunit nagpupumiglas parin siya. Ngayon ay may lakas na loob na siyang lumaban ay handa na siyang harapin si Vandeon, ngunit saan niya ito hahanapin?

Wala siyang maalala kung bakit napunta siya sa hospital kasama ang dalawa. Ang naalala niya lamang ay nag-eensayo siya kasama sina Aisha at Austin. Meron kayang ginawa ang dalawa sa kanya?

Umiling siya at nagpumiglas muli.

"My son needs me, he always want to see me... help me please. I want to get him from his devil Dad." Lumuhod siya sa sahig habang umiiyak, nanghihina ang buong katawan. Hindi pa nanunumbalik ang kanyang buong lakas kayat limitado lamang ang mga galaw niya sa ngayon. Ang nasa isip niya ay harapin si Vandeon at maghiganti dito. Gustong-gusto niya na talagang kunin ang anak niya, ilang linggo na ang lumipas at ayaw niyang magsayang ng oras gayong kaya niya nang humarap sa demonyo.

Kinuyom niya ang dalawang kamao niya. "I will find that bastard and kill him." galit na sabi niya.

"Everything will be okay, Almika. Tutulungan ka naming hanapin ang anak mo, for now? You need to rest. Magtu-tulungan tayong hanapin sila." sabi ni Freena, inangat naman ni Almika ang kanyang tingin at kunot noong tumingin kay Freena.

"Who are you? Kasabwat ka ni Vandeon, Hindi ba? Nakita kitang pumasok sa mansyon ni Riley," seryosong usal niya rito. Mabilis namang umiling si Freena.

"Hindi niya ako kasabwat, sa katunayan nga niligtas ko si Kace mula sa kanya." hindi binanggit ni Freena ang salitang kapatid sa harapan ni Almika, baka kapag malaman niya, kakamuhian din siya nito. Gusto niyang tumulong kayat tago mula ang lahat.

"How is he?" tanong ni Almika at dahan-dahang tumayo. Inalayan naman siya ni Riley patungo sa kama.

"He's okay na, bukas ay makakalabas na siya ng hospital at sabay na sabay na nilang i-imbestigahan ang pagkawala ni Vandeon dito sa bansa."

Umiwas ng tingin si Almika. Gusto niyang kutosan ang sarili. Bakit niya hinayaan na makuha ni Vandeon ang anak niya? Tangina lang! May baril 'yung tao at wala siya, anong laban niya sa baril na hawak non? Kapag papalag siya talagang patay ang kinahahatungan niya.

Hinilot niya ang sentido tsaka hinarap ang dalawa na seryoso ring nakatingin sa gawi nya. Kapwa nag-aalala ang dalawa. Imbes na pansinin iyon ay pinilit niyang alalahanin ang huling alaala niya kasama sina Aisha at Austin. At bakit siya natagpuan sa labas ng kompanya ni Riley? Gusto niyang kausapin si Aisha tungkol roon ngunit saan niya hahapin ang dalawa.

"What's your plan first, Almika? so we can help you,"

Inangat niya ang tingin at pekeng ngumiti sa mga kasama. "Maybe, I need to tame the demon inside him, I'll make him regret what he did to us. Kapag magmamatigas parin siya ay papatayin ko na,"

"You what?!" gulat na tanong nilang dalawa.

"You heard me guys, paamuin ko ang Santford na 'yon!"

Sabay na suminghap ang dalawa. Nagkatinginan pa sila at nagbikit-balikat.

"May alam ka ba sa pag gamit ng armas? Pakikipag laban? Kapag kasi gawin mo 'yan kay Vandeon you need to know how to fight back. Matalino si Vandeon, alam niya kung saan or kailan lulusob ang kalaban niya."

Lihim siyang ngumiti. Magaling na siyang lumaban ngayon dahil sa tulong ni Aisha. Gusto niya 'yung sabihin ngunit pinili niyang manahimik, ayaw niyang malaman ng dalawa na pasekreto siyang nag-eensayo. At tsaka may plano siyang harapin ang taong matagal niya ng gustong makita, at iyon ay si Penelope Lopez.

"Wala akong pakialam kung matalino o malakas ang Vandeon na iyon. What do you think of me? Can't fight back against him? No way. I will get my victory back."

"Woah!" manghang reaksyon naman ng dalawa.

Kung ito ang tanging paraan para paamuin ka Vandeon, maghanda ka't hindi kita aatrasan.

To be cont.

****

BS03: Hidden Son Of Mr. SantfordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon