Future

402 3 0
                                    

"Hindi ito ang gusto ko para sa anak natin!"

"Anong gusto mong gawin ko ha? Hayaan ang mga iyon na pabagsakin tayo?! Mag isip ka nga!"

Heto na naman silang dalawa, nagsimula na naman. Mabuti na lang talaga nasanay na akong ganito lagi ang eksesna sa umaga. Hindi na ako naririndi, ginawa ko na lamang na alarm clock sa umaga ang boses nila.

Inayos ko ang aking sarili. Naglagay ako ng kaonting kolorete sa mukha, ayos ng kaonti sa buhok. Since walang pasok ngayon, sasama ako kung saan man ako dadalhin ni Vandeon. Ayaw ko namang tumalikod sa usapan namin ano, I said yes to him yesterday so. And isa na rin sa rason ay ayaw kong marinig sina mommy at daddy. Ang ingay ingay kasi nilang dalawa. Tungkol na naman 'yon sa negosyo panigurado. Gosh!

Kinuha ko ang aking maliit na bag sa kama at napagpasyahan na lumabas. Nadatnan ko sina mommy at daddy na problemado ang mga mukha. Hindi ko na lamang pinansin baka madamay pa ako. Baka hindi rin ako payagan lumabas, no way!

Lumabas ako ng bahay habang binabasa ang mensahe ni Vandeon. Hihintayin niya raw ako sa labas ng bahay. Binaba ko ang aking cellphone, nilinga ang tingin. Nakita ko siyang naka-itim na t-shirt, hapit na hapit iyon sa kanyang katawan kayat kapansin-pansin ang ang hugis at kisig nitong pangangatawan. Nagpapasikat yata ang lalaking ito. Tsk!

Nakahilig siya sa kanyang kotse habang nagtitipa sa kanyang cellphone. Hindi niya ako napansin dahil sa kaliwa ito nakapwesto. Napasimangot ako, ang busy naman. Sino kaya ang ka-text niya?

Dahan-dahan akong lumapit para hindi makasanhi ng ingay. Gugulatin ko na lang siya total hindi niya naman ako napansin.

Tumingkayad ako at akma ko na sana siyang gugulatin nang biglang tumunog ang aking cellphone. Napatalon ako sa gulat kasabay nito ang paglingon ni Vandeon sa akin, kunot ang noo. Damn it!

"What are you doing?" kuryos niyang tanong. Napansin niya siguro ang pagkagulat ko. Tanginang cellphone 'to. Sino ba 'tong tumawag sa ak...naputol sa ere ang aking sasabihin nang makita ang pangalan ni Vandeon sa screen.

Unti-unti kong inangat ang tingin. Nagpakita ako ng awkward na ngiti sa kanya. Wala man lang siyang naging reaksyon. Kunot parin ang kanyang noo. Shit, siya pala ang tumawag sa akin.

"Kanina ka pa ba?" inaalis ang awkwardness sa sarili. Ang tanga ko naman sa part na 'yon.

"Hindi naman. Tara na?"

Tumango ako. Pinagbuksan niya ako ng pintuan sa harapan, tabi sa kanya. Siya na rin ang nag-ayos ng seatbelt ko. Chada, parang buhay prinsesa lang, Almika. Sa kanya lang naman ako ganito. Sa school lang yata ako nagseseryoso.

"Kumain ka na ba?"

"Hindi pa eh," ngumisi ako. Hindi ako makakain sa bahay, masyadong magulo. Kulang nalang talaga magtapunan sila ng kaldero duon. Pasalamat sila't malayo sa mga kapitbahay ang bahay namin. Hindi gaano nilang maririnig ang bangayan nina mommy at daddy na ginawa na yatang routine araw-araw. I can't just sit there and listen to their arguments. Mas gugustuhin ko pang gumala kaysa makinig.

"We will eat first," sabi niya.

"Ikaw?"

"I haven't eaten yet." ang bango niya naman. Ano kaya ang gamit niyang sabon?

Huminto kami sa isang mamahaling restaurant. Aangal pa sana ako sa kanya na hindi ko kayang bayaran ang mga pagkain dito nang hagitin niya ako bigla papasok.

"A-Ano, Vandeon..."

"Sit. Ako ang magbabayad, Almika,"

"Sigurado ka ba? Ang mahal dito oh!" tinuro ko ang menu. Isang araw na allowance ko yata ang murang pagkain dito eh.

"Babayaran nalang kita," suhesyon ko. Umarko ang kanyang kilay. Tinikom ko bigla ang aking bibig.

"I can provide, Almika. Just choose whatever you want to eat there. It's one me."

Hindi na ako umangal pa. Baka kasi tatarayan na naman ako. Binalik ko muli ang tingin sa menu, napapalunok minsan sa malalaking halaga ng mga pagkain. Tunay ngang mayaman ang isang ito.

"I asked you to come with me so don't worry about the bills." he said again. Inulit talaga, napansin niya sigurong antagal kong mag-desisyon. Pipiliin ko nalang kaya ang pinakamura? May 3k naman dito, oks na siguro ito.

"Ito nalang akin," pinakita ko sa kanya.

"Hindi ka mabubusog niyan, Almika. Ako na nga ang pipili, wala ka naman sigurong allergy sa pagkain?"

Hilaw akong ngumiti. Dito yata ako magkaka-allergy. Ang mamahal ng mga pagkain. "H-Ha? Wala naman, Vandeon. Kakainin ko lahat."

Ngayon ay nagsisi ako. Inorder lahat ni Vandeon ang nasa menu, 'yung mga mamahaling pagkain. Kaya heto ngayon halos hindi makalakad sa sobrang laki ng tiyan. Tangina! Nakakahiyang lumakad na ganito, para akong 1 month buntis!

"Gosh, may jacket ka ba?" tanong ko sa kalagitnaan ng byahe namin papuntang ewan ko saan. Siya raw bahala eh.

"Anong gagawin mo sa jacket?"

"Isusuot ko sana,"

"Your belly is not that big, Almika. You're still sexy."

Pinamulahan ako ng mukha nang marinig iyon. Hindi kaagad ako naka-react. Mas pinili ko na lamang manahimik kaysa magsalita, hindi parin nakakaget-over sa 'sexy' na word. So, sa tingin niya ay sexy ako? Kakasabi nga lang, Almika eh. Nakakapressure naman. Parang ayaw ko na tuloy kumain.

Hininto ni Vandeon ang sasakyan sa isang resort. May nakalagay na Susana Beach Resort sa labas. Maliligo kami?

Tiningnan ko ang suot ko. Naka-skirt at doll shoes. Pambihira, maliligo kami? For real?

"Vandeon, maliligo ba tayo?" gusto ko siyang tanungin kung seryoso ba siya sa desisyon niya o tama ba 'tong lugar na pinuntahan namin.

"No. May kakausap lang sa loob. Can you wait here?"

"Pwede bang sumama?"

"Are you sure? Mainit sa labas." tumaas ng bahagya ang kanyang kilay. Sungit talaga.

"Gusto ko lang makita kung maganda ba ang view." ipopost ko sana sa Instagram ko. Paniguradong magseselos 'yong kaibigan ko kapag nakita niya.

"Kukuha lang ako ng litrato."

May kinausap siyang lalaki sa isang maliit na bahay. Matangkad ang lalaki at mukhang matagal na silang magkakilala.

Inayos ko ang phone ko at pasikretong kinuhanan ng litrado si Vandeon. Shocks! Ang kisig naman ng katawan. Naka-side view siya sa picture, hindi malalaman ng mga tao kung sino 'tong kasama ko.

Kinuhanan ko ng ilang shots ang whole view ng resort bago sumama kay Vandeon.

"Anong pinag-usapan niyo?"

"May hiniram lang." mukhang ayaw niyang sabihin.

I pouted my lips. Nilabas ko ang cellphone at ni-edit 'yung mga pictures kasama siya. Panandaliang edit lamang ang ginawa ko, 'yung hindi mapapansin ang mukha ni Vandeon.

Pinost ko kaagad sa Instagram at ni-story ko naman sa facebook.

"Where are we going next?" basag ko sa katahimikan. Binaba ko ang aking cellphone, nahuli ko siyang nakatingin duon panandalian. Did he saw my story?

"Bibisitahin natin ang bahay ko sa Tagaytay."

"May bahay kana?" baka may binabahay ka na rin ah.

"Matagal na 'yon. Binibisita ko lang minsan kapag hindi busy sa school. Masyado kasing malayo, nakakapagod mag-byahe."

"I want to see your house,"

"You will." he faced me. "You can stay there if you want, Almika. I don't mind."

Malakas na kumalabog ang aking dibdib. I look at his eyes, hinahanap ang gustong hanapin. And there, ang kanyang emosyon.

"Why did you build that house?"

"It's for my future family, Almika."

***

Don't forget tooo vote! Thank you! Have a great day, mga junakis.

BS03: Hidden Son Of Mr. SantfordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon