Chapter 2

15.1K 516 19
                                    

"Mom, why are we hiding?" Kunot noong tanong ni Vandish habang nakatingala rin sa pintong sinisilipan ko. Hinila ko siya at niyakap ng mahigpit.

"Yes, baby, we're hiding. 'Wag kang maingay, okay?" paalala ko sa kanya at muling sumilip sa pintuan, ngunit nanlaki ang mata ko nang makitang nasa harapan ko na silang tatlo. Nakatalikod sila pero ramdam ko ang panlalamig. Tila napapaso ako kaya't agad kong kinalong ang anak ko, nag tago kami sa likuran ng pintuan. Shit! What I'm going to do now.

"Mom, I'm scared,"

"I'm sorry baby. Please cooperate with me, okay?" Hinalikan ko ang kanyang noo kasabay nito ang pag bukas ng pintuan. Unang niluwa nito ay ang isang lalaking matangkad, naka suit ito, kasunod naman si Vandeon na ang angas parin ng porma. Seryoso ang kanyang mukha habang kausap ang lalaki sa likuran niya.

Walang kaemosyon-emosyon ang mukha, may dala siyang malaking case. Argh, pinagpawisan ako. Paano na 'to, paano kung bigla na lang dumating si Riley at hanapin ako? Pero imposible iyon, may pupuntahan si Ma'am. Hinarap ko ang anak ko, tinakpan niya ang bibig niya para hindi maka-sanhi ng ingay.

Naawa naman ako. Hindi ganito ang gusto kong buhay niya, pero kailangan namin mag tago. Hindi madaling kalabanin si Vandeon, kailangan ko nang matinding pag pla-plano kapag haharapin ko siya. He's a Santford for damn's sake! Pangalawang mayaman sa buong mundo. 

Yumuko ako. Kanina pa kumalabog ng malakas ang dibdib ko, kinakabahan ako para sa anak ko, hindi sa sarili ko. Bata pa si Vandish at wala pa siya sa tamang edad para maranasan at makita kung anong klaseng tao ang ama niya. Lagi ko na lang sinasabi sa kanya na 'wag niya nang hanapin ang ama niya, hindi naman importante.

Umupo si Vandeon sa sofa kaharap ang dalawa niyang kaibigan. Bakit ba sila nandito sa office?

"What's the plan now, Vandeon?" tanong ng lalaking naka suit. Kinagat ni Vandeon ang kanyang labi, imbes na sumagot sa kaibigan ginala niya ang paningin niya sa buong paligid kaya naman yumuko muli ako.

"Mommy..." bulong ng anak ko.

"Shhh, Vandish. 'Wag kang maingay anak," gusto kong umiyak dahil sa anak ko pero pinipigilan ko. Hanggang kailan ko ba gagawin ito? Hanggang kailan ko itatago ang anak ko? I want to spend more time with him without hiding, 'yung tipong walang matang nagbabantay sa amin, 'yung tipong walang nagbabanta sa buhay namin.

Palayain mo naman ang anak ko, Vandeon. Wala siyang kinalaman sa away natin.

"Someone is here," saad ni Vandeon at unti-unti siyang tumayo. Naging alerto naman ako at halos isiksik ko na ang sarili ko sa pinto para lang mag tago.

What the hell!

"What do you mean, Pre?"

"May na aamoy akong babae."

"Ganu'n din naman ako, Pre, pero baka naiwan lang 'yun dito ang amoy ni Riley since mahilig sa pabango ang mahal ni Kiefer." tila natatawang usal ng kaibigan ni Vandeon. Narinig ko ang pag hinto ng yapak ni Vandeon papalapit sa amin, duon ako nabuyahan ng hininga. Pero akala ko hihinto na siya, nagpatuloy parin pala siya.

Damn it! Don't you dare, Vandeon!

Pinikit ko nang mariin ang mata ko. Mahigpit kong niyakap ang anak ko.
Sobra na ang kaba ko ngayon, hindi ko na alam kung saan ko ibabaling ang ulo ko, kung saan ako titingin, sa anak ko ba or sa mga yapak ni Vandeon na papalapit.

"Pre, tumigil ka na nga baka papagalitan ka pa ni Riley sa pangingialam mo riyan,"

"Will you please shut the fvck up." iritadong sagot ni Vandeon kasabay nito ang pag tayo niya sa pintong pinagtataguan ko. I can sense his presence, nakatayo siya pero walang ginawa. Rinig ko pa ang kanyang paghinga.

BS03: Hidden Son Of Mr. SantfordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon