Chapter 12

12.5K 355 9
                                    

Almika's POV

Kakatapos ko lang pawisan ang buo kong katawan. Habang wala kasi akong ginagawa ay nilaan ko ang buong oras ko sa tamang paghawak ng mga patalim. I'm good with guns, but medyo nahirapan pa ako sa mga patalim. I might kill or hurt myself kapag hindi ko nagawa iyon ng tama.

Nilagay ko sa ibabaw ng mesa ang dagger. Nakita naman iyon ni Freena, sumilay ang malaking ngisi niya. Hindi nila alam na marunong na akong lumaban. Akala nila ay nag-eensayo pa lamang ako para gumaling. Well, kahit naman na alam na nila ay wala akong pakialam. Mas mabuti nga iyon.

Lumapit siya sa pwesto naming dalawa ni Riley. Si Riley din ay nag-eensayo ngunit hindi masyado. Parang ang ginagawa niya lang ay pangdepensa. Marunong naman siyang lumaban, gusto niya pa sigurong mas gumaling pa.

"Too much for today! Magpahinga muna kayong dalawa ni Riley." sabi ni Freena at binigyan niya kami ng dalawang basong tubig, tinanggap ko ang nilahad niya at agad na nilagok.

Apat na araw na ngayon at hindi ko mapigilang hanap-hanapin ang anak ko, since wala akong bahay na matutuluyan, nakikitira ako ngayon sa mansyon ni Riley kasama din si Freena. Ewan ko ba bakit dito pa 'yan tumira. Halata namang mayaman, siguro ay tinatamad lang siyang umuwi.

Nagbikitbalikat na lamang ako at nilagay ko sa balikat 'yung towel na pamunas ng pawis ko, umupo ako sa upuang semento habang nakatanaw sa malawak na hardin ni Riley, sobrang peaceful, nakakagaan ng pakiramdam lalo na't sinasabayan pa ito ng malakas na hangin.

May naramdaman akong umupo sa tabi ko kayat lumingon ako, napasinghap ako nang si Freena lang pala. Umiwas ako ng tingin at hindi pinansin ang presensya niya, hinihingal pa kasi ako ngayon, wala pa akong balak na mag salita at mukhang naintindihan naman niya.

Maganda si Freena, kutis mayaman. Maputi, kulot ang buhok na mahaba, mahubog ang pangangatawan at higit sa lahat may malaabo siyang mga mata. Kapag titigan mo siya ng malapitan tila hinihigop ka ng kanyang mga mata.

Pinikit ko ang mata ko. Dinama ko ang malakas na hanging tumatama sa buong mukha ko. Kung nasaan ka man dinala ngayon ni Vandeon, anak, hindi ako titigil na hanapin ka, kapag 'yung gagong 'yon sinaktan ka or ginalusan ka lang sa ibang parte ng katawan mo, papatayin ko ang gagong 'yon. I love you so much Vandish, you're my little prince, always. Wait for me, susunduin kita anak. I miss you, I love you.

Dahan-dahan kong minulat ang mata ko, tumambad sa akin ang mukha ni Kace na seryosong nakatitig sa akin, napansin ko ring wala na si Freena sa tabi ko. Naka doctor attire pa ang loko. Well, the gown suits him well, bagay na bagay sa kanya nagmumukha siyang seryosong tao, 'yung tipong walang kabastusang ginagawa.

"Are you fine here?" tanong niya at pinasok niya ang dalawang kamay niya sa bulsa ng suot niya. Tumikhim naman ako at tumingin sa malayo.

"Yeah. How about you? Are you okay now? Do you feel anything?" Humarap ako sa kanya, ngumiti naman siya at umiling. Humakbang siya at sabay na umupo sa tabi ko, tinawanan ko naman siya. Kapag ito talaga lalapit sa akin gagawa na naman 'to ng kalokohan.

Its nice to see him again. Matagal-tagal na din kasi nu'ng nagkita kami. And I was so thankful because he helped me. Muntikan pa siyang patayin ni Vandeon, mabuti nalang talaga humihinga pa ang Kace na 'to. Masamang damo eh.

"None, but can I ask you something?"

"You already asking." sagot ko. Umirap naman siya at humalukipkip.

"Tss, what did Vandeon do to you? Bakit nakuha niya ang bata saiyo?" agad na nawala ang ngiti ko dahil sa tanong niya. Bumaba ang tingin ko patungo sa paa kong winawagayway ko sa ere bago ako lumingon sa kanya.

BS03: Hidden Son Of Mr. SantfordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon