Chapter 20

11.5K 287 14
                                    

Continue...

"Anong plano mo ngayon?" tanong ni Skie. Nasa labas kami ng bahay ngayon nag-uusap. Nasa loob naman si Vandish at natutulog. Itong si Skie kasi sobrang kulit, feeling close talaga ng baliw na 'to. Kahapon ko pa tinataboy ang lokong 'to pero balik naman siya ng balik sa pamamahay ko, mabuti nalang ay hindi siya nakita ni Vandeon kundi bangisan na naman ang mangyayari.

"Pag-iisipan ko pa," sa ngayon ay wala pa akong naisip na plano. Nakauwi narin si Vandeon sa sarili niyang bahay, hindi niya kinuha ang bata sa akin. Mukhang natauhan yata ang hayop. Ni hindi man lang ako pinasalamatan bagkus ay tinalikuran ako. Nagpaalam lang siya kay Vandish at iyon na. Wala naman akong pakialam sa kanya, hindi importante iyon.

"Ang masasabi ko lang, Almika. Hindi madaling kalaban si kuya, mas masahol pa 'yan sa tao. Mas gugustuhin mo pang tumahimik 'yan kaysa mag-salita."

"Kilalang-kilala mo talaga ang kuya mo ano?" tumawa siya ng mahina. Ngiting may dalang lungkot. Sa tingin ko'y hindi maganda ang relationship nilang magkapatid.

"See you tomorrow?"

"Bakit naman tayo magkikita bukas? Wala naman tayong usapan ah, at tsaka hindi kita kilala." sagot ko. Umarko naman ang kilay niya.

"Hindi mo pa ako kilala sa lagay na 'to?"

"Hindi."

"Ibang klase ka rin eh ano?"

"Umalis ka na lang, Skie, ang dami mo pang sinasabi." sabi ko. Humalakhak naman ang loko tsaka kumaway sa akin at lumisan na. Kumaway din naman ako.

Hays.

***

"Vandish, huwag kayong lumayo ah? May tatawagan lang si Momma." paalala ko sa anak ko na naglalaro. Kasama niya ngayon si Peyton na may hawak na namang kuting. Pinaiwan ni Riley ang anak niya sa akin dahil may aasikasuhin daw sila ni Kiefer sa ibang bansa. Hindi man gaanong maganda ang relasyon namin noon bilang magkaibigan ay ay sinawalang bahala na lamang namin. Ayaw ko rin naman magalit talaga ng buong buhay ano, ang diyos nga nagpapatawad ako pa kaya na tao lang at walang kapangyarihan. Nasa ibang bansa sila ngayon hindi ko alam kung anong gagawin nila duon, wala rin naman akong pakialam. Pero since nagpasya ako na ipasyal si Vandish dahil miss na miss ko na talaga siya, sinama ko na lang si Peyton. Gulat na gulat pa nga siya nang makita niya ako. Umiyak pa nga kaya't hindi ko tuloy mapigilang hindi rin umiyak. Gusto ko rin sanang mag-tanong kung anong ginawa ni Vandeon sa kanya pero pinigilan ko na lamang ang sarili ko, sa tingin ko naman ay inalagaan niya talaga ng maayos ang anak niya.

Ngumiti ako. Kumaway silang dalawa sa akin, akala pa ng mga tao rito anak ko din si Peyton. Marami pa ngang nagpapa-picture sa kanila; dahil kamukha raw nila ang mga sikat na businessman dito sa bansa. Well, sino ba naman ang hindi makakilala sa kanila? Bilyonaryo na nga sikat na sikat pa, pero hindi nila alam ang ugali ng mga 'to. Palibhasa ay mga mukhang artista ang mga bwesit na 'yun, ang gwa-gwapo nila, 'yung tipong kaya nilang lamangan ang mga actors, but, sa tingin ko hindi sila maga-artista, lalo na si Vandeon, wala 'yun sa dugo niya.

Binalik ko muli ang tingin sa phone ko. Tumalikod ako sa kanila para tawagan ang taong gusto kong makausap. Naka-ilang ring pa ito bago niya sagutin. Pambihirang gago. Nakakairita ang tagal sumagot ah.

"Why took you so long?!" iritable kong singhal sa kanya. Tumawa naman ang loko kasabay nito ang malalim niyang hininga, punyeta. Hindi pa ba bumabangon ang gagong to?

"Calm down, will you? I'm talking my bath here." sagot niya pero may kasama paring tawa. Abat! Itong gagong 'to pepektusan ko na. Akala mo talaga seryosong tao ni Skie pero pag na kilala mo na? Mapapasabi ka na lang ng TANGINA.

BS03: Hidden Son Of Mr. SantfordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon