Chapter 29

2.7K 65 0
                                    

Almika's POV

"Ang aga mo namang bumisita rito, Skie. Anong kailangan mo?" kakagising ko lang, medyo late pa nga dahil sa usapan namin kahapon at tungkol sa ginawa ng anak ko. May binigay siya sa aking mapa, andaming pasikot-sikot. Hindi pa naman ako marunong tumingin ng tamang direction, lalo nat gagamitan ng mapa. Sinawalang bahala ko na lamang iyon dahil hindi naman importante. Gagawin lang nilang laruan iyon ni Peyton.

Binalik ko ang tingin kay Skie.
Hindi ko inaasahan ang pagbisita niya ngayon sa bahay namin. Akala ko kasi busy siya.

"Kailangan agad? Btw, good morning. Blooming natin ngayon ah!"

"Eh kung sipain kaya kita palabas ah? 'yung totoo, anong ginagawa mo rito? Wala ka bang trabaho sa hospital?" Bumaba ako tsaka tinungo ang kusina. Sumunod naman siya sa akin at kumuha ng apple sa loob ng ref.

"Wala. May sasabihin lang sana ako,"

"Ano 'yun?"

Umupo ako paharap sa kanya. Mamaya ko na lang gisingin ang anak ko, mukhang ang sarap ng tulog niya. He had fun playing with Peyton yesterday. Mabuti naman kung ganu'n, ayokong isipin niyang may problema kami ngayon. I want him to be safe.

"I heard from Kace na may atake silang gagawin mamaya sa NightOut bar, alam mo ba 'to?"

"Hindi. Bakit naman sila aatake sa bar na 'yon?" balita ko ay sikat na sikat ang bar na iyon. Halos mga mayayaman ang pumapasok roon at mga artista na galing ibang bansa. Isang beses pa lang yata akong nakapasok roon, 'yung panahong buhay pa ang mga magulang ko.

Dahil sa bar na 'yon nabuo namin si Vandish. Gusto kong tumawa ngunit pinipigilan ko. Antagal na ng bar na iyon ah, buhay na buhay parin hanggang ngayon. Anyways, bakit nasali sa usapan si Kace? Ano na naman kaya ang plano nila this time.

"May papatayin yata sila. Gumagalaw na raw kasi ang mga kalaban. Masyado silang patago kung kumilos, ang tindi nila dahil kinalaban nila ang society ni Kiefer."

Ang lakas ng loob ng mga hayop na iyon. Siguro ay malakas din itong kalaban nila. Kinakabahan ako lalo na sa ama ng mga bata. Especially, Kiefer, siya ang leader ng society nila, karanasan sa mga ganitong labanan inuuna talaga 'yung mga leader dahil sila ang nagle-lead ng mga myembro. But I think they can handle it, hindi lang naman gwapo, angas at pera ang meron sila. They have skills too and they killed people. Mas maraming patay talaga ay si Kiefer, he used to killed people before. Hindi na ako magtataka bakit naging leader 'yan ngayon.

"Hindi ka kasali sa society na 'yon?" tanong ko. Baka kasali pala siya, bagay na bagay din naman siya roon kahit may saltik siya sa ulo.

"Not planning to. I can handle myself without joining to their trash society."

"Aba! Ang taray mo ah! Weh? Sinong niloloko mo, Skie. Hindi na ako magugulat kung magiging myembro ka duon,"

"Gusto mo ba?"

Tumaas ang kilay ko. "Ang alin?"

"Na sumali ako sa bulok na society na iyon..."

"Syempre gusto ko! Nababagay ka kasi roon, Skie, kailangan nila ng doctor. Savior!"

Umiling siya sa sinabi ko. Ang kj talaga eh, pero totoo naman. Doctor din naman si Kace, at kaya niya na iyon pero mas better kung madadagdagan ulit ng isa pa. Mas maayos kasi iyon, para hindi na nila kailangan pang humabol sa hospital.

"Hindi iyon bulok ah, grabe ka. Ang dami ngang nilang awards nakuha dahil sa society nila, ang cool hindi ba?" pumasok bigla sa isip ko ang mukha ni Vandeon. Ang mukhang demonyo niya. Punyeta siya, wala siyang kwenta.

"Wala rin naman akong makukuha duon. Masisira pa mukha ko sa kagaguhan na gagawin nila, and I don't want to see my brother's face, lol." masyado niya naman yatang pinaninindigan ang pagiging hater niya sa society.

"Gago!"

"'Yan lang ba ang sasabihin mo?" unti-unti akong tumayo mula sa kinauupuan ko dahil nahagip ng mata ko ang gising na diwa ni Vandish. Tulala pa ito habang nakatingin sa aming dalawa ni Skie.

"Did I woke him up?"

"Ang daldal mo raw kasi." irap na sagot ko. Nilapitan ko si Vandish at kinalong siya papuntang kusina.

Sinandal niya pa sa balikat ko ang ulo niya. Mukhang inaantok pa, ang lakas kasi ng boses ni Skie eh, 'yan tuloy nagising ang anak ko.

"Hey---"

"I'm sleepy, Mommy." bulong niya. Ni hindi niya pinatapos si Skie sa pagbati. Natawa na lamang ako ng palihim.

"Gusto mo bang ihatid kita sa itaas?" Hinalikan ko ang noo niya tsaka ang pisnge niya. Antok na antok pa talaga siya.

"Opo."

Binalingan ko ng tingin si Skie. Nakasimangot na ang gago. "Putangina talaga naunahan ako ni kuyang lumandi!"

"Umuwi kana dami mo pang sinasabi!"

"Wala akong gagawin sa bahay, dito na lang mu---"

"Mommy,"

"Yes, baby?"

"Let's go upstairs."

"Alright."

"Ikaw naman," nginuso ko si Skie. "Umuwi kana, mamaya na tayo mag-usap." sabi ko at hindi siya hinintay na sumagot. Tinungo ko ang kwarto ni Vandish.

"Do you like him, Mommy?"

"Who, baby?" Is he referring to Skie? Hindi ako magkakagusto sa siraulong 'yon, pero hindi naman mahirap magustuan si Skie unlike kay Vandeon na halos kulang na lang lumabas ang buong ugat mo sa katawan dahil sa mukha niyang nakaka-bwesit. I hate him, hindi ko parin siya mapapatawad. Naalala ko parin kasi 'yung ginawa niya. Binalik niya nga sa akin ang anak ko pero andu'n parin ang sakit.

"Hindi naman mahirap mahalin si Tito Skie, baby. Mabait siya, bakit mo naman naitanong?"

"Don't fall for him, Mommy. Para ka lang kay Daddy," napasinghap ako.

"I won't." I won't fall for your father at wala na akong balak na ituloy 'yung binabalak ko.

"Sleep na, okay? Huwag na mag isip-isip ng kung anu-ano. Sleep well, baby." I kissed his forehead and after that I decided to go out. Pagod na pagod talaga siya.

And speaking of, devil. Nasa harapan ko ngayon si Vandeon. Sobrang seryoso ng mukha niya, may iilang pasa rin siya sa mukha na bagay na bagay naman sa pangit niyang mukha. Saan na naman kaya nakipag-basag ulo ang hinapuyak na 'to?

"What are you doing here? Hindi ka welcome sa pamamahay ko." mataray na saad ko. Umarko naman ang kilay niya.

"Pero 'yung gagong 'yon pwede, tapos ako hindi? Anong ginagawa nu'n dito? Anong kailangan niya sa'yo, Almika?"

"Anong pakialam mo? Huwag ka ngang chismoso. Umalis kana." gusto ko siyang itulak palabas ngunit natatakot ako na baka suntukin niya ako. Gago, lalaki parin siya at may takot ako kaunti sa kanya.

"Stop seeing that bastard. He's no good for you!"

"At sa tingin mo ikaw meron? Mas masahol pa nga ang ugali mo kaysa sa kapatid mo eh. Please lang, Vandeon, ayoko ng gulo ngayon. Umalis kana," mahinahon kong sabi. Ngunit imbes na umalis ay mas lalo pa siyang lumapit sa akin.

"Tangina mo, diyan ka lang!"

"I wouldn't be here kung hindi ako tinawagan ng anak natin. And you even let that bastard in! Hindi mo pa kilala ang kapatid kong 'yon, Almika, he's dangerous!"

"Ano tingin mo sa sarili mo? Safe zone?! Mas masahol pa nga sa ha---"

Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang bigla akong hapitin ni Vandeon sa bewang at halikan ang labi ko. "I hate seeing you with another man, Almika."

W-What the fvck was that for?!

***

May mga changes akong ginawa sa story ni Vandeon. May nalilito kasi kaya heto na siya, hsjsjs^^

BS03: Hidden Son Of Mr. SantfordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon