Chapter Three

172K 4.5K 348
                                    

Musika's POV

Oh yeah! Makakakuha na rin ako ng information tungkol sa new crush ko. Hahahaha! Isa sa mga dream-come-true  ng mga kagaya kong nakatingin lang sa malayo.

Lenny: Fullname nun? Russel Tanaka sis ;)

Tanaka? That's a Japanese surname!

Me: OMFG. Tanaka?! Is he Japanese?
Lenny: Yes sissy. Bagay nga kayo eh yiiieee! Gusto mo ng cellphone number nun? ;D
Me: Of course! HAHA tinatanong pa ba yan? :3
Lenny: Okay after ng program ibibigay ko ;) Hihingan pa kita eh haha!
Me: Okay! Thanks, sissss :* labya~ <3

"Hoy, anong nginingiti-ngiti mo dyan?" Nagulat ako at napatingin kay Jessa. "Nandemonai. (Wala) Hihihi~

"Wag mo nga akong ma-Japanese dyan. Nasa Pinas ka." 
Natatawa nalang ako at pabiro siyang hinampas. Sobrang saya ko ngayon. Yung number ng crush ko ay makukuha ko na mamaya, agad-agad!

Ilang oras lang ay natapos na ang competition. Anla! Badtrip, kasi talo kami. 2nd place lang. Eh madaya naman ang mga judges kasi they're from this school! Sobrang bias! Homecourt, ganon?! Di pwede 'yan!

Badtrip nga ang trainer nila eh. Lalo naman sila Melody. Nasa school canteen kami ngayon kasama ang grupo.

"Hayaan nalang natin, guys. At least napatunayan nating mas better yung presentation natin unlike sa kanila noh. Ginawa nga nilang parang Acrobatic play yung presentation nila eh. Pansin niyo?" 

"Oo naman! Tsaka mas maganda naman talaga yung presentation niyo." Sabi ko at nagpatuloy pa ang usapan. Haaayyy.. Tinanggap nalang namin ang talo. At least 2nd place out of how many private schools na nag participate.

Matapos ang usapan ay sinamahan ko si Medy sa CR para magbihis. Wala na raw kasing klase eh. Saan kaya kami gagala ngayon?

*phone ringing*

Kinuha ko ang phone ko sa bulsa at nakitang si Lenny ang tumatawag.

Hala! Speaking of....

["Hey sis san ka na?"]
"Ay, nako naman! Nakalimutan ko, sis. Sorry... Kita nalang tayo later?"
["Okay, sure. Basta text mo lang ako or tumawag ka lang ha?"]
"Okay. Bye sis!"

"Sino 'yon?" Tanong ni Medy na lumabas na ng cubicle.
"Si Lenny. Balik tayong ANHS later. May kukunin lang ako sa kanya."
Humarap ako sa salamin at nag-ayos konti. "Ano naman yun?"
"Sikreto para bibo." Naasar siya. 
"Mukha mo."
"Maganda." She rolled her eyes.
"Ew." Nag-asaran lang kami hanggang sa makarating ng classroom.

"Hi, Mika. Gusto mo? Sayo nalang."
Pag-aalok sakin ni Kent ng Oreo, classmate namin at isa sa mga nang-aasar sakin. Parang wala na ngang laman eh. Tiningnan ko ang grupo niya, nagsitwanan. Pinagti-tripan na naman ako ng pangit na 'to.

"No thanks. Busog pa ako." Nginitian ko siya at tinalikuran.
"Hala. Guys, guys! Diet ata si Mika ngayon!"

Nagsitawanan ang iba kong mga kaklase. Ayan na naman siya. Ginagawa na naman akong katatawanan.

"Diet your face. Sayo na lang kasi 'yan, Kent. Mukhang mas kailangan mo kasi eh. Tingnan mo naman 'yang katawan mo, o." Pang-aasar ko rin. Natigilan naman siya sa pagtawa.

"Aba. Pasalamat ka ngang baboy ka at inalukan kita neto. Mas kailangan mo kasi eh. Tingnan mo yang bilbil mo, nangangayayat na." 

Medyo nairita ako sa sinabi niya kaya kinuha ko yung plastic ng oreo sa kamay niya at tinapon sa basurahan. Kahit mangiyak-ngiyak na 'ko dahil sobrang napahiya na naman ulit ako sa harap ng mga kaklase ko.

"O, ayan. Para wala nang maraming salita. At saka, tingnan mo rin 'yang katawan mo. Namumuto't-balat ka na. Wala bang pagkain sa bahay niyo? Samin kasi, marami eh. Don't worry, dadalhan kita bukas na bukas. Baka." (Idiot)

Magsasalita pa sana siya kaso sinapok siya ni Medy sa ulo. 

"Hoy, Kent! Kung wala kang ibang magawa, pwedeng umuwi ka nalang? Ang sakit mo sa mata eh." 
Medyo nao-awkward si Medy na makipag-usap kay Kent kasi ex niya 'yan nung freshmen pa kami. Ewan ko ba kung ba't sinagot niya 'tong hayop na 'to.

"Sus. Pagsabihan mo rin naman 'yang kaibigan mo na mag-diet. Ang sakit rin kasi sa mata eh. Ang sikip na ng classroom!" Ang sarap talagang dukutin ng mga mata nitong bw*s*t na 'to! 
"Oo nga, ang sikip na. Sarap mo ngang ipitin eh." Sagot ko naman. Inis na din siya. Hahaha!

"Baboy." 
"Kambing."
"Baboy!"
"Kambing!"

Parang may namamagitang thunder sa mga mata namin at gigil na gigil kami pareho.

"Hoy, hoy. Tama na nga 'yan! Baka magka-inlaban kayo. Paano nalang si Melody." Pang-aasar ni Ronald, ang class president namin. 

"EW. ASA!"
Sabay pa kaming sumigaw ni Kent.

"The more you hate, the more you love!" Sigaw ng mga kaklase ko.

"Yada! (No way!) Hindi mangyayari 'yon!" Sigaw ko naman habang tinitingnan ng masama si Kent. 

"Wooo~! Nag-iinarte ka pa sa lagay mong 'yan? Pasalamat ka nga at sakin ka nila inaasar eh!"

ANG YABANG NG BW*S*T NA 'TO. SARAP KAININ EH! 

Pero, ew! Ayoko nga at baka magka-LBM pa ako!

"Hay nako, hali ka na nga Medy."

Di ko na pinansin ang pang-aasar ni Kent at umalis na kami ng school.

Pag Ako Pumayat, &quot;HU U?&quot; Ka Sakin! (REVISED)Where stories live. Discover now