Chapter Eighteen

104K 2.9K 393
                                    

Musika's POV

Alam niyo yung feeling na parang ewan yung kasama mo? Di mo maintindihan kung anong pinapahiwatig. Ayaw mo namang maging assuming kasi ikaw lang yung madi-disappoint sa huli.
Enough of these useless thoughts now, Mika.

Ang sabi nga niya, conscious ka lagi sa paligid mo. Stop it!

"San na tayo? Medyo na-badtrip ako dun, ah. Taeng mga butiking yun!"
"Ikaw naman kasi, pinatulan mo pa. Kelan ka pa ba naging trouble-maker, ha? Ganyan ka ata pag hindi mo kasama si Melody eh."

Naisip ko na naman ang babaeng yun. Jeez, why am I stressing myself out over a guy? Hindi ko na ma-gets ang emotions ko. Help!

"Hmmm... parang nagugutom na naman ata a--"

Di ko na natapos ang sasabihin ko kasi tinakpan ni Kenji yung bibig ko gamit ang kamay niya.

"Puro ka gutom eh. Mag-arcade tayo."
Tinanggal ko ang kamay nya.
"Bastos. Ayoko dun, magugutom ako lalo dun!"
"Sige na, pampalipas-oras lang naman eh."
"Pampalipas-gutom kamo! Ayoookoooo~ gusto ko kumain ng burger. Tara?"

Napabuntong-hininga siya tapos tumingin lang sakin.

"Ano? Tara na nga kasi?"
Hinawakan ko na ang kamay niya at sinimulang hatakin.
"Sasamahan lang kita. Busog pa 'ko."

Nge? Busog siya sa lagay niyang yan? Eh ang payat-payat eh! Mukhang di pa nga kumakain!

"Nahiya naman yung tyan ko. Sige na, libre kita."
"Hindi na, ayoko talaga. Makiki-wifi nalang ako. Tsaka kaming mga matatalino, hindi masyadong kumakain."

"WOW HA." 

Nauna nga akong maglakad at napapanguso.

"Alam mo, ang cute mo lalo pag ganyan ka. Para kang 6-years old na hindi binilhan ng ice cream." Sinundan niya naman ako at tumabi sakin.

"Whatever. Bahala ka, walang manghihingi."

Naabutan pa 'ko ng ilang minuto para mapa-oo siya. Ayoko naman kasing kumain tapos yung kaharap ko, hindi kakain! Hahahaha I mean, ang awkward kaya nun.

Pagkatapos um-order ay umupo na kami sa table namin.

"Anong meron sa mukha mong 'yan?"
Napatingin ako sa kanya at nagtaka.

"Ha? Anong anong meron?"
Tumawa siya.
"Nakasimangot ka po kasi." I rolled my eyes.
"Eh kasi nga na-badtrip ako. Kung di mo lang ako hinatak, ni-wrestling ko na yun sila eh!"

Halata sa boses ko ang inis at panggigigil.

"Wag ka ngang magpaka-stress sa mga 'yon. Sige ka, papangit ka. Di ka na cute." 

Ano raw?

Ano ulit yung sinabi niya?

Hala....

"Sige ka papangit ka, di ka na cute"

"Sige ka papangit ka, di ka na cute"

"Sige ka papangit ka, di ka na cute"

"Sige ka papangit ka, di ka na cute"

Hala, oo na, tama na. Grabe naman ikung makapag-recall si Author! 

"Tsh. Alam mo, tara na. Gusto kong maglakad kasi... alam mo na..."
Humawak ako sa bilbil ko at tumawa.
"So pag naglakad ka, sa tingin mo mababawasan 'yan, ganon?"
Natatawang tanong niya. Kainis to ah.
"Oo, parang ganon! Tara na kasi!"
Hinatak ko na siya palabas.

"O, san tayo?"

"Kahit saan basta makapaglakad tayo." 

Tumingin-tingin ako sa mga shops hanggang sa may nahagip akong isang boutique at pumasok ako doon.

"Oy, hintay!"

"Good afternoon, ma'am, sir!"
Bati samin ng sales lady.

Lumapit ako sa mga naka-hang na mga damit at namili.

"Omg, ang cute niya!"
"Baka di magkasya sayo yan."
Napalingon ako kay Kenji na nasa likuran ko lang at nakabuntot sakin.

"Heh. Wag ka ngang makialam. Shooo~"
"Bahala ka. Tsaka ang iksi, o."
Nanahimik na rin naman siya kaya namili ulit ako.

Fudge, feeling ko kasya na 'toooo~

"San po fitting room niyo, miss?"
"Nandito po, ma'am." Sinundan ko naman siya at pumasok na 'ko.

"Kenji!"

"Ow?"

"Halika, dali."
"Hala. Papasok ako dyan?"
Natawa yung sales lady.

"Ittai nani o?! Yada! Yada!" (What the hell?! No way! No way!)
"Nage-alien language na naman to. Ano nga?"
"Sabi ko dito ka lang sa harap ko't bantayan mo 'ko!"

Sobrang nagulat ako nang hilain nya ang curtain at bumulagta siya sa harap ko.

WTFFFFFFFFFFFFFFFFFFFFFFFFFFFFFFFF----------

KUSO KUSO KUSO KUSOOOO~!!!! (sh*t)

"BAKKA YAROU! Sabi ko sa harap lang sa labas, hindi dito sa loob!"
Namumula na 'ko sa sobrang hiya. (You idiot!)

Hindi pa naman ako nakahubad TOTALLY. I mean, nakataas lang yung shirt ko at oo.

OO.

OO NAKITA NYA YUNG BILBIL KO.

Oo nahihiya ako nang sobra dahil nakita niya yung bilbil ko at ang XL-sized na bra ko.

OO NGA HO, YUN NGA!

"Na---nakita mo ba?" Hindi ako makatingin sa kanya.

"Hi-hindi..."

Nasa labas na sya at sobrang halatang nailang sya.

OMG BILBIL NAMAN KASI EH DAPAT NAGTAGO KA!

"KAINIS KA KASI EH!"
Nagdadabog ako sa loob ng fitting room at ang haggard na ng face ko.

Feeling ko naabutan kami ng ilang minuto bago niya 'ko mapakalma.

Sabi niya hindi niya nga raw nakita kasi nakatingin naman siya sa paa ko bago pa 'ko sumigaw pero feeling ko nagsisinungaling lang siya para-- UGGGHHHH!

"Babalik nalang kami dito, miss. Sankyuu." (Thank you)

Lumabas na 'ko at nagmadaling naglakad, iniiwasan siya.

"Mika, di ko nga kasi nakita eh." Sumunod sakin si Kenji pero iniiwasan ko parin siya.

"Gutom ka? Ako nagugutom ulit eh." lumapit ako sa DQ at umorder.

JUICE COLORED. BAKIT BA KASI?!

GUSTO KO PA NAMAN SANANG BILHIN YUNG MGA NAPILI KONG DAMIT KASI ANG KO-CUTE! 



Pag Ako Pumayat, "HU U?" Ka Sakin! (REVISED)Where stories live. Discover now