Chapter Thirty Seven

93.3K 2.8K 183
                                    

Musika's POV

Time flew so fast.

Andaming nangyari.
Sa Science Activity namin, kami yung nanalo.

Kami ni Melody?
Di parin kami bati. Duh? I promised myself not to trust people anymore. They will surely break it. They will just take the opportunity to use you.

Ilang weeks nalang at summer vacation na. Sisiguraduhin kong next school year, payat na ko.

Maganda na ako at kaiinggitan na rin ako. Hindi na ako kukutyain ng ibang tao at luluhod ang mga tala. Charot.

Too bad kasi ga-graduate na rin si Russel. At pati na rin pala sina Kenji at Eazer. College na sila next school year.

Speaking of, di na kami nagtetext. Di na siya nagtetext. Malamang, alam niya na kung sino ako. For sure binura niya na ang conversation namin at pati na rin ang number ko. Wala lang naman ako sa kanya eh. Pampalipas oras lang.

Ilang beses kong sinubukang itext siya pero di ko kaya eh. Binabasa ko nalang ang mga masasayang convo namin dati. Tuwing naiisip ko yun ay pumapasok sa isipan ko kung bakit di na kami nagtetext ni Russel. Sa dinami-dami ng pwedeng trumaydor sakin, ba't si Melody pa...

Tinuring ko syang isang treasure sa buhay ko. Masakit, oo. Mga bata pa lang kami, hindi na kami nagkakahiwalay. Simula kinder hanggang high school. Pero wala na. Tatanggapin ko nalang kung anong meron na ngayon. Mahirap na din namang ayusin, malabo nang maayos pa.

"O, baka naman mabaliw ka kakaisip sa kanya dyan ha?" Tanong ni Joyce.

"Baliw naman na 'ko sa kanya eh."
"Nahihibang ka na naman, Musika." Singit ni Chaldea.
"Kumain na nga kayo dyan at wag niyo nalang akong pansinin."

Inikot-ikot ko lang ang pasta sa tinidor habang nakatulala rito.

"Aaahh alam ko na, girls."
"Diet yan kaya ganyan."
Asar naman ni Jessa.

Nanahimik nalang sila at kumain. Napasimangot lang ako.

"Hoy, ba't parang di kayo makapaniwala ha? Tama nga si Cha eh."

Di parin sila umimik.

"Hoy, ano ba... Diet na nga talaga ako eh."

"Diet nga ba talaga? O nagpapagutom lang?" "Eeehhh..." Natawa sila.

"Gusto mo bang turuan ka namin magpapayat, ha?"
"Oo naman, alam niyo naman yan."
"Tutulungan ka namin Mika, pero please tulungan mo rin naman ang sarili mo."
"Oo nga Mika. Wala namang ibang makakagawa ng gusto mo kundi ang sarili mo lang."

Oo na, oo na.

"Magsimula tayo bukas. Tamang-tama, Saturday."
"Kaming bahala sayo."
"Talaga? Huuuy, thank you sa inyo, ha Gustong-gusto ko na kasi talagang pumayat. Ayoko na sa katawang 'to. Nakakasura na..."

"Kaya natin 'to, okay? Walang susuko kay Mika ha?" Pagbibiro ni Cha.

Natuwa ako ng sobra sa mga sinabi nila. Yung feeling na buong-puso kang tutulungan ng mga kaibigan mo? Grabe, sarap sa feeling. Nakalimutan kong may mga tunay pa pala akong kaibigan. Hindi lang pala si Melody. Kung sino pa yung tinuring ko na parang kapatid, yun pa ang sisira sakin.

***

3:30 AM

*riiiiiing! riiiiiing!*

*riiiiiing! riiiiiing!*

Uggghhh... Sino ba 'to?!

Kinapa ko ang phone ko sa side table nang di nakamulat at sinagot ko.

"Moshi...moshi?" (Hello?)

"Musikaaaaaaaaa!"

Rinig ko ang boses nila Joyce, Chaldea at Jessa.

"Hmmmm?"
Inaantok pa ako! Ano bang trip ng mga 'to?"

"What's up?"
"What's up ka dyan! Today is your very first day of getting fit! Nandito kami sa labas ng gate niyo!"

Napabangon ako at feeling ko sobrang na-motivate ako.

"Whaaaa--?! Hontou ni? Wa-watashi ni go-bu o ataemasu!" -(Talaga?! Bigyan niyo 'ko ng five minutes!) (Go- 5)
"Ha?! Wag ka ngang mag-Japanese!"
"A-Ah sabi ko hintay lang! Bababa na ako."

I ended the call at agad na nag-mouthwash tapos nagbihis ng jogging attire at tumakbo palabas ng bahay. Nagpaalam pa nga 'ko kay manong guard na palabasin ako kasi papayagan naman akong mag-jog ng parents ko even though di pa ko nakakapagpaalam.

"Grabe, 8 minutes kang nagprepare?" Nakabusangot na tanong ni Jessa.
"Sorry naman noh.. Biglaan kasi eh."
"Hay nako. You should get used to it na. From now on, ito na ang gagawin natin every weekend hanggang summer vacation."

"Eh di ako sure kung makakasama pa 'ko kasi baka sa province kami magbabakasyon eh." Ani Chaldea.

"Ako naman, baka itutuloy ni Dad yung sinabi niyang sa Singapore kami magbabakasyon." -Joyce.

"Ako, sure akong uuwi rin kami sa province. Eh ikaw, Mika?"

"Baka babalik ng Japan. As usual..."

"Hay nako, kaya mo na yan mag-isa kahit wala kami noh. May gym naman kayo sa bahay niyo, pwede ka namang mag self-exercise."
"Basta mamaya ituturo namin sayo ang tips at mga gagawin mo from now on."
"Okay..."

Pumunta kaming park at nag warm up.

***

"G-girls... girls..."
Tumigil ako sa pagtakbo at napahawak sa magkabilang tuhod ko habang hinihingal.

"Hala! Di pa nga tayo nakakalabas sa subdivision eh."

Nagsitawanan sila.

"Yun na nga eh. Ha... ha... Di ko ata 'to kaya." Napaupo ako sa kalsada.
"Hoy tumayo ka nga! Ano, susuko ka nalang agad eh nasimulan mo na nga? Jusko kung ganyan Mika, maraming taong aapakan ka at kukutyain ka."
Sabi ni Cha at inalalayan akong tumayo.

"Isipin mo ang mga ginawa sayo ni Melody. Pinaglaruan ay pinagtawanan niya ang isang kagaya mo. Hahayaan mo nalang bang maliitin at kantyawin ka niya ng ganun-ganon nalang?"

"Oo nga naman, Mika. Tinutulungan ka na namin, tulungan mo rin naman kasi ang sarili mo. Alam kong mahirap. Napagdaanan ko na rin yan pero minotivate ko ang sarili ko. Tingnan mo 'ko ngayon." Dagdag pa ni Jessa.

Napaisip ako sa mga sinabi nila...

Kakayanin mo 'to, Mika. Kakayanin mo!

Gambatte ne, Mika-chan! Faito! Faito! (Good luck, Mika! Fight! Fight!)

Pag Ako Pumayat, "HU U?" Ka Sakin! (REVISED)Where stories live. Discover now