Chapter Seventy Four

97.4K 1.9K 546
                                    

Musika's POV

"Hi, Mika!"

Nagulat ako nang may biglang sumigaw mula sa likod ko at niyakap ako nang sobrang higpit. Sino pa nga ba?

"Uy, Bianca!"

"Sabi ko na sayo ha, di 'Uy' ang name ko. How many times ko bang sasabihin sayo, ha." Natawa ako at pumasok na ng room.

"Sorry po, madzam."
"You're so nakakainis na, Mika!"

Tsaka nakiki "Mika" na rin siya ah? Hahahaha oo na nga, sige na, close na kami.

"Kamusta tulog mo, Mika-chan?"

Eh? Nyahaha! Ang kulit niya talaga! Para siyang loli sa anime! Ang sarap niyang kurutin sa pisngi.

"Okay na okay. Yours?"
"Okay pa sa okay!"
"Napaka-hyper mo naman first thing in the morning. Hahaha!"
"Eh, di ka pa nasanay sakin. Ito naman..."
"Anong vitamins mo? Joke lang."

"Tiki-tiki!"
Hahahaha!

"O, katext mo na naman ba si Tantan mo?"

Napatingin ako sa kanya. Luh? Pano niya nalaman nickname ni Trystan?

"Teka... Ba't mo alam---"

"Ops, alam ko na ang itatanong mo. Hello? I'm studying Forensic Science here, same as you so... normal na naman siguro yun sa field natin diba?"

Pero--- eh kasi eh ang creepy! San ba siya nakakakuha ng info? So weird.

"Wag kang OA, ter noh. It's a part of our study."

Nanahimik nalang ako kasi ang weird na talaga ng babaeng 'to. Para na talaga siyang Oishi Patata!

Buong class, nakinig lang ako. Syempre naman! College na 'to, Mika.

Sabay kaming nag-lunch ni Bianca. Gusto ko nga sanang mapag-isa na muna kaso I have no choice kasi ayaw niya namang lubayan ako.

"Ba't parang wala kang ibang friends dito?" Natanong ko bigla.
"H-Ha? Meron kaya, marami. Kagaya mo lang rin, di kami nagkikita-kita kasi nasa malalayong building sila. Yung iba, nasa Annex building."
"Aaahhh... Ipakilala mo rin sila sakin pag may time para madami din akong friends." Kumagat ako sa Cornetto ko.

"S-Sige ba, pag di na sila busy."

Katext ko ulit syempre si Trystan. Matapos ang last class, sabay na naman kami. Ililibre niya nga raw ako sa Starbucks. Ayown, kwentuhan lang. Kagaya ko, may Kuya rin pala siya. Dalawa lang din silang magkakapatid. Police ang Papa niya, yung Mama niya naman daw ay Teacher.

Simple life lang daw ang meron sila. She took ForenSci kasi yun daw ang gusto ng Papa niya sa kanya although she wanted to take Tourism din like Jammie. 

"Yung Kuya ko naman is Civil Engineering ang course, pero nasa ibang school."

"Anu-ano ba mga hobbies mo?"
Tanong ko.
"Hmm.. Eating?"
Tatawa na ba ako?
"Hahaha! Joke lang, wala. Nagbabasa ng Wattpad or books at nuod lang ng movies. Wala akong talent eh. Boring ng buhay ko, noh."

"Wag ka ngang ganyan. Interesting nga hobby mo eh. Reading books? It's more like widening your imagination. Sino ba favorite Author mo?"

"Hmm... marami kasi eh."
"Yung pinaka favorite?"
"Umaapaw?" Nagisip-isip pa siya at oo natagalan.

"Si HaveYouSeenThisGirl, Alyloony, Alesana Marie... Hmmm sila lang ata?"
Napatulala ako. I haven't heard of their novels.

"Ha? Sinu-sino?"
"OMG, wag mong sabihing di mo sila kilala?!" I just smiled.
"Ano... Hindi eh?"
"Hay, nako!" Tinawanan niya ako at may kinuha sa bag niya. Libro yun.

Pag Ako Pumayat, "HU U?" Ka Sakin! (REVISED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon