Chapter Fifty Five

93.2K 2.4K 789
                                    

Musika's POV

"Ang weird nyan."  Sabi ni Trystan habang pinapanuod akong isawsaw ang fries sa sundae.
"Try mo kaya para masabi mong masarap talaga."
"Ayoko nga. Kadiri."
"Arte neto. Try mo na kasi!" 

Pinipilit kong isubo sa kanya pero ayaw niya. talaga.

"Arte."
"Galit ka na nyan?"
"Hindi."
"Hahahaha! Ang cute-cute mo talaga." 

Kinurot niya ulit ang pisngi ko pero napatigil kami sa kulitan nang makita sila. 

"Pwedeng maki-share?" 

Si Russel.
Ah, oo. Dito pala sila nagpa-practice ng soccer sa campus field.

Pero ba't ba ayaw nila kaming lubayan? Di ba nila naiisip na kailangan namin ng space?!

Oo kasi astronaut kami ni Trystan! Wahaha!

"Sure." 

Umupo silang dalawa. Bale, katabi ko si Russel tapos si Trystan katabi siya.

Si Melody. Amp*ta. Nawala yung appetite ko. Ayoko na tuloy kumain!

NAKAKAINIS!

"Di niyo naman sinabing dito pala kayo nagpa deliver pala kayo ng jabee. Nagpasali na rin sana kami."
Sabi niya at inalok siya ni Trystan ng fries.

"Pa-deliver nalang kayo ngayon, tol."
"Sige na nga. Naiinggit ako sa kinakain niyo!" Nilabas naman ni Melody ang phone niya at nag order ata. Char, GF?
"Nice game nga pala kanina, tol." - Trystan

"Kaya nga eh, ang galing niyo both!"

Plastik ka, Melody! Nahiya yung hawak kong cup ng coke float!

"Training pa lang pero ganon na eh, noh?" "Imba hahahaha! GG!"

Hindi ko pa pala nasasabi kay Trystan na si Russel pala yung tinutukoy ko sa issue.

Feeling ko nga napansin niya ako eh. Pinipilit niya kasi akong subuin nung palabok niya pero ayoko dahil nawalan na 'ko ng gana.

"Sige na kasi. Kakainin ko fries na nakasawsaw sa sundae mo pag kinain mo 'to."
"Ayoko nga..."
"Bakit ayaw mo?"
"Kasi ayoko lang."
"Ako nga, ayoko ng inaalok mo pero kakainin ko para sayo eh."

Nagda-drama pa. Nakita ko si Melody na nakatingin kay Trystan. Mukhang napansin niya naman ako kaya umiwas siya at nag cellphone nalang. Para ba hindi ka ma-OP?

Hehehe! Now you know what it felt like. Yung ma-OP ka.  

"Hmmm... sige na nga."
"O, papunta na ang airplane! Weeeeee~
Tumatawa akong sinubo yung palabok  muntika pa 'kong mabulunan. Hindi ko inaasahan na ganunin niya ako. Hahaha! Ang cute, jusko.

"Tangina mo tol, hahaha!"
"Gawin mo rin mamaya! Hahahaha!" Tinutukoy niyang subuan niya rin si Melody ng ganon.

"Walang forever, gunggong!"

Iniiwasang tumingin ni Melody samin. This is getting pretty exciting.

"O diba kin, masarap?

First time ko kasing kainin to eh.

"Hmmm.." 

Medyo? Medyo masarap naman pala... Hahaha!

"Oo na. Oh, heto rin!"
Kumuha ako ng tatlong mahahabang fries tapos sinawsaw sa sundae. 

"Ang rami nyan ah."
"Marami rin yung sinubo mo eh."
"Daya!"
"O!" 

Sinubo niya lahat yung inalok ko. Nung una, parang di mo maiguhit yung mukha niya pero nung ngumuya na siya eh parang napapangiti na ang loko. Hahahaha!

Pag Ako Pumayat, "HU U?" Ka Sakin! (REVISED)Where stories live. Discover now